"Hindi ko sinabing suyuin mo 'ko. Sinabi ko na di ba? Maghiwalay na tayo! Nagpapakapagod ka lang din dahil sa kakulitan mo."

"Damn it! Mas mahirap humingi ng permiso sa'yo, e. What do you want me to do for you to give me another chance?"

Umiling-iling siya. "Wala. Wala kang dapat gawin. Hindi ko na ini-expect na magkakaayos pa tayo."

"Paninindigan mo na talaga 'yang hiwalayan na 'yan?" Nahaluan na ng pagkadismaya ang inis sa tono ng pananalita ni Arq.

"Oo! Kesa naman kapag na-realize mong si Shakira pala talaga ang mahal mo e, ako pa ang hiwalayan mo."

"Bakit ba pinipilit mong babalikan ko pa si Shakira? Hindi ko na siya mahal! Mahirap ba talagang intindihin? Ikaw ang gusto ko, Lara!"

Tuluyan na siyang natilihan sa pag-amin nito. Kung  kanina ay kaya pang i-proseso ng kanyang isipan ang pagpapaalam nito para ligawan siya, ngayon naman ay nadadamay na ang kanyang puso sa pag-iintindi sa mga nais ni Arq. Ramdam niya ang malalakas na kabog ng kanyang dibdib.

Bumuntong-hininga si Arq atsaka ito nagsusumamong tumitig sa kanya. "I'm sorry about yesterday. I was just pissed when you weren't there when I woke up. Ikaw ang inaasahan ko na una kong masisilayan paggising ko. But Shakira showed up, instead, which really pissed me off. Hindi talaga ako nag-enjoy sa ginawa niya. Inasar lang talaga kita dahil naiinis ako sa'yo."

Lalong gumanda ang mga mata nito habang nagpapaliwanag kaya halos matunaw siya. Hindi naman niya kayang umiwas ng tingin sapagkat para siyang nama-magnet sa mga mata nito.

Ramdam na niya ang pamumula ng kanyang pisngi ngunit hindi niya magawang makawala sa tila may mala-mahikang mga titig ni Arq.

Ipinagpapasalamat niya nang magpasya itong bumalik sa pag-upo sa kanyang tabi. Kasabay no'n ay ang pagsandal nito sa puno habang nakadako ang mga mata sa ibang direksyon.

"Okay, I'm not really used to doing sweet stuff."

Nang marinig niyang muling nagsalita si Arq ay tsaka niya nagawang umayos.

"...if this will give you some kind of relief, I want you to know that I didn't court Shakira. Hindi ako marunong manligaw kasi hindi naman ako sweet na tao. I didn't know that pursuing a lady could be this difficult. Kaya nga idinadaan ko na lang sa pang-aasar dahil hindi ko alam kung paano bumitaw ng sweet words. Sorry talaga kung naiinis ka. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko."

Bahagyang napaawang ang kanyang bibig dahil sa narinig. Sadyang nakakagulat ang mga pahayag ni Arq ngayon. Hindi niya inaasahang kaya nitong aminin ang tunay na nararamdaman.

Nakikita naman niya na sinsero ito subalit medyo nahihirapan pa rin siyang maniwala. Hindi niya ito gustong pahirapan ngunit kung iisipin kasing maigi, masyadong mabilis ang mga pangyayari; masyado pang maikli ang pagsasama nila para masabi nito na gusto na siya nito.

Totoong nagugustuhan na rin niya si Arq. Pero magkaiba sila ng pagkatao. Masyado siyang malambot kaya madali siyang nahulog, samantalang ito'y napakatigas at seryoso palagi kaya hindi niya inaasahang magkakagusto ito sa kanya.

Napakahirap talagang paniwalaan.

Sumandal na rin siya sa kinasasandalan nito sabay buntong-hininga. "Kung hindi mo alam ang gagawin mo, 'wag mo ng ituloy yang panliligaw mo. Kung patuloy mo lang akong iinisin ay hindi ko rin ma-appreciate kung ano man ang gagawin mo." Pahayag niya.

Doon natapos ang kanilang usapan. Hindi na siya nito pinansin hanggang sa magpasya na silang lisanin ang lugar.

°Natauhan na rin siguro.°

Nevertheless, she starts to hate herself, to be honest.





TANGGAP na niyang hiwalay na sila ni Arq nang hindi na ito nagparamdam matapos siyang maihatid kahapon. Sobra-sobra ang naging pagtanggi niya sa pamimilit nitong manligaw at sana'y dapat masaya siya ngayon.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now