╰43rd Catch╮

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi pa rin gumagalaw si Arq; parang hindi na nga ito humihinga. Sa katunayan ay bugbog-sarado at duguan ang mukha nito. Bukod doon ay may mga kalmot din sa leeg at braso nito. Mas naging grabe pa ito tingnan dahil sa mga punit ng suot nitong damit.

Sino'ng matinong gagawa ng gano'ng bagay sa isang babae?

No matter how strong Arq appears to be, it's still very unreasonable for someone to beat her to death.

Hindi siya mamamatay! Fvck!

"Arq! Oy! Gumising ka!" Parang nababaliw niyang sigaw.

Halo-halong emosyon na ang kanyang nararamdaman. Wala na siyang pakialam kung ano man ang itsura niya. Mas nangingibabaw ang kanyang kagustuhang na magkamalay si Arq.

Mayamaya pa ay naramdaman niyang may tumatapik sa kanyang balikat. Nilingon niya kung sino iyon ngunit hindi niya masyadong maaninag. Doon lang niya napagtanto na umiiyak na pala siya.

"Lara, nandito na ang ambulansya." Sabi ng tinig na sigurado niyang pagmamay-ari ng kaibigang si Andy.

She barely moves. Honestly, she doesn't want to let go of Arq unless she's sure that she's okay. But two pairs of strong hands lift her away from Arq. She didn't try to struggle, though. She must have lost all her might.

When the ambulance is about to drive off, she immediately rushes to get in. Thankfully, no one stops her.

She holds Arq's weak hand while they are on the way to the hospital. Not being able to feel her pulse makes her sob, again. Although two medical personnel are trying their best to treat Arq, she still cannot relax.

Sa sobrang okupado ng kanyang isipan at halo-halong emosyon, hindi na niya napansin pa na nasa ospital na sila. Sa katunayan ay wala siyang ideya kung paano siya napaupo sa sahig sa tapat ng emergency room.

Makailang-beses pa siyang tumayo at umupo sa tuwing bubukas ang pinto ng emergency room ngunit walang sinoman ang kanyang nakakausap. Pagpunas niya ng kanyang luha ay nakita niya ang palapit na sina Andy at Yuan.

"Lara, bakit ka nakaupo dyan sa sahig?" Tanong ni Andy nang tuluyan na itong makalapit sa kanya.

Hindi siya sumagot at hindi na rin umangal nang alalayan siya ng mga ito para tumayo bago sila naupo sa mga upuan sa waiting area.

"It was the DMO. We checked the CCTV footage and one of them was familiar. Ni-report na namin sa mga pulis ang insidente." Pagbabalita ni Andy.

"What the hell were they thinking? Hindi ba sila natatakot managot sa batas? Atsaka, babae si Arq, for Christ's sake! Bakit kailangan nilang bugbugin nang ganon katindi?" Naiiyak na naman niyang tugon.

Walang umimik kina Andy at Yuan. Hindi niya alam kung kanino niya ibubunton ang galit dahil sa nangyari kay Arq. Hindi naman niya kilala ang mga gumawa no'n lalo na ang grupong DMO. Wala siyang ideya sa pagkakakilanlan ng mga ito. Ang tanging alam lang niya ay sadyang matatapang ang kasali sa grupong iyon at hindi nag-aalinlangang lumusob sa teritoryo ng kaaway.

Mayamaya pa'y naagaw ang kanilang atensyon ng isang babaeng diri-diretsong nagtatatakbo papasok ng emergency room. Ngunit hindi rin nagtagal ay pinalabas ito ng mga nurse.

Ilang segundo itong nakatayo sa gitna at nakatulala lamang. Hindi na sana niya ito papansinin dahil hindi lang naman si Arq ang pasyente sa E.R., baka ibang tao ang pakay nito. Subalit nang bumaling ito sa kanilang direksyon at magtama ang kanilang paningin ay medyo nakilala niya ito.

Bago pa man niya ito malapitan ay napukaw ang kanilang atensyon ng doktora na naghahanap ng kamag-anak ng bagong admit na pasyente na alam nilang si Arq. Mabilis na lumapit ang babaeng halos bagong dating sa doktora. At doon na ito nagpakilala bilang kakambal ni Arq.

Caught by a Beast [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon