IKALIMANG KABANATA: Jejejejeje

Start from the beginning
                                    

Naputol ang pagsasalita niya dahil biglang nagsalita si Xander, “Medyo napagod ako. Pwede bang pumasok na ko sa loob ng bahay niyo at umupo?”

Nagulat pa si Rain nang dere-deretso na lamang pumasok sa loob si Xander kaya napilitan na siyang sigawan ito. “Xander, ano ba?! Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon namin? Kung naaawa ka lang sa’kin utang na loob, umalis ka na!”

Lumapit sa kanya si Xander. Laking pasasalamat niya sa liwanag na dulot ng buwan dahil naaaninag niya ang ekspresyon ng mukha nito.

Nang makalapit si Xander sa kanya ay hinawakan nito ang mga kamay niya. “Kahit sa hawla ka pa nakatira, kahit ano pang trabaho ng Nanay mo, hinding-hindi kita iiwan.”

Narinig na niya ang mga salitang iyon mula sa mga kaibigan niyang nanatili sa kanya, pero nang sinabi iyon ni Xander ay hindi niya mapigilang maluha. Maluha sa sobrang tuwa.

“Xander, bayarang babae ang Nanay ko.”

Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakahawak ng kamay nito.

“Ayun ang trabaho ni Nanay. Gardener sa umaga, bayarang babae sa gabi. Minsan pa nga, ‘yung inuuwi niya ay isang pamilyadong tao na. Gusto mo bang malaman kung anong nangyari kahapon? Sinugod kasi si Nanay ng asawa ng lalaking inuwi niya dito nu’ng isang gabi. Pinagsisira nu’ng lalaki ‘yung gamit namin, sinaktan niya si Nanay, sobrang laking eskandalo. Hiyang-hiya ko sa mga amo ni Nanay. Mabuti na nga lang mabait sila sa’min, e. Kung hindi, hindi ko alam kung asan ako ngayon. Oo Xander, ganun kasaklap ang buhay ko. Itong masayahing Rain na nakikita mo? Hindi ako ’to.”

Mabilis na nagpatakan ang luha mula sa mata niya pero mabilis niya rin itong pinahid. Pinilit niya pang ngumiti. “Kaya kung naaasiwa ka na sa’kin, okay lang. Hindi kita masisisi. Pwede ka nang umalis.”

Matagal na hindi nakapagsalita si Xander pero nauwi silang dalawa na magkayakap. Niyakap siya ni Xander. “Kahit ano pang sabihin mo, hinding-hindi ako aalis sa buhay mo. Nang humirap ang pamilya namin, nawalan ako ng kaibigan, tinalikuran ako ng buong mundo. At ngayon? Ikaw na lang ang meron ako, hindi ko hahayaang mawala ka. Kahit tatlong araw pa lang tayo magkakilala, masyado ka nang mahalaga.”

Ang kaninang luha mula sa mata ni Rain ay nagsimula nang maging iyak. Kumportable siyang humagulgol sa dibdib ni Xander at dinama niya ang init ng yakap nito.

“Sa susunod na iiyak ka ulit, lapit ka lang sa’kin ha? Handa akong patahanin ang Bestfriend ko.”

 

“Xander! Yuhoooo!”

Masiglang sumilip sa bintana ng kwarto si Xander at agad niyang nakita si Rain na tumatalon-talon at kumakaway-kaway “Boss! Good Morniiiiiiiing!”

Napangiti siya at sumigaw pabalik, “Nag-iingay ka na naman diyan! Ang dami mo na namang nabubulabog na kapitbahay!”

When Rain FallsWhere stories live. Discover now