"I promise, Ms. Briones." Yun na lamang ang inaantay kong sagot sakanya para tuluyang bumitaw at magpadala na sa delivery room.

Habang tulak tulak ng mga nurse at ni Yuji ang gurney na hinihigaan ko, hindi ko maiwasang tingnan mula sa malayo si Andrea na yumakap kay Marcus. Dito na siguro natatapos ang pagpoprotekta ko sakanya, alam kong hindi buong buhay na ako ang tagapagtanggol niya. Masakit man isipin pero may panahon talagang itatakda ang panginoon na malalayo sayo ang anak mo. Ayaw mo mang tanggapin, labag man sa kalooban mo, kinakailangan mo lang talagang magtiwala na hindi nila sasaktan ang anak mo katulad ng pagpoprotekta mo.

"Make her happy, Marcus." Huling nasambit ko bago ako maipasok sa delivery room.

🌑 🌑 🌑 🌑 🌑

"Pangalan ng pasyente?"

"Charlotte Briones, doc."

"Okay, Charlotte I'm gonna need you to open your legs as wide as you can."

Hawak hawak ni Yuji ang kaliwang kamay ko ng ihiga ako sa harapan ng doctor. Bawat hilab na nararamdaman ko, siyang sigaw at pilit ko sa doctor na i-cesarean na lamang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"You can do this, Charlotte. There's no need for cesarean section, you're perfectly capable of giving birth to your child normally."

"No! There's something wrong!" Protesta ko pa pero hindi ako pinapakinggan ng doctor.

Ilang ulit ko pang hinihila ang polo ni Yuji para mapilit ang doctor pero kumakampi parin siya dito. Pinahawak pa niya sa isang nurse ang phone niya para makuhaan ng video ang pagluluwal ko.

"It's time, push Charlotte!"

"No! I-cesarean niyo na ako! Alam kong may mali!" Nakabukaka't nakikipagmatigasan parin ako sa doctor kahit patuloy na sumasakit ang tyan ko.

"Charlotte, honey. Don't worry nandito ako. There's nothing wrong with the baby just push, ok?" Aniya ni Yuji habang hinahalikan ang kamay ko.

"I-I'm scared." Naluluhang sabi ko habang nakatingin sakanya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, I don't even know why I'm feeling scared and all teared up.

"Don't be, here. " Tinanggal niya ang harang sa higaan ko na pumapagitna samin at dumikit siya sakin.

"Listen, I love you. From now on, you don't have to be scared, I will always be here with you, Ms. Briones." From that moment nawala ang takot ko. Hindi ko akalain na maririnig ko ulit ang mga katagang 'yon sakanya.

Imbes na sumisigaw habang nilalabas si baby, kalmado ako dahil hawak hawak niya ang kamay ko at hinahalikan ako. Those kisses gave me strength to push. It did hurt but those pain was bearable. Pakiramdam ko habang nasasaktan ako sa pag-iri ko, binabalik naman ng mga halik niya ang lakas ko. It was a long kiss and a total silence, not until I felt a big relief and heard the baby's cry.

"Congratulation mommy, it's a boy." Kasabay ng pagtigil namin sa paghalik ang palakpakan ng lahat ng nurse at ilang doctor.

The doctor even gave Yuji the privilege to cut the baby's umbilical cord. He was so happy and all teared up when he finally got a hold on to our baby. Sobrang saya niya, yung sayang naaalala ko nung binalita niyang nanganak si Maxine noon, mas doble pa ngayon.

"Meet our son." He said habang tinatabi sakin ang baby namin.

Unang tingin palang, Yuji na Yuji na ang mukha. Ang sarap magfacepalm dahil mukhang ugali lang na naman ang makukuha sakin nito katulad ni Andrea.

"What's his name?" Tanong niya sakin habang nilalaro ang kamay nito.

"Well, this is a boy. It's your turn to name your son." Those words made him smile even more.

Wala pa yatang ilang minuto may naisip na siya agad.

"Yuan. Yuan Salvatore." Tumingin siya sakin para tingnan ang magiging sagot ko. Napatingin naman ako kay baby.

"Yuan, do you like that baby?" Marahan kong ginamit ang daliri ko para hawakan ang pisngi nito ng bigla siyang ngumiti samin ni Yuji. We both laughed, even the nurses at ang doctor na nagpaanak sakin ay nagtawanan ng walang tigil na ngumingiti si baby.

Ilang sandali matapos malinisan si baby, lumabas kami ng delivery room na tulak tulak ni Yuji ang wheelchair ko at buhat buhat ko naman si baby Yuan. Pagkarating namin sa waiting room, I was so surprised na makita silang lahat. Lahat ng co-professors namin ni Yuji, Mr. Patterson, mga estudyante ko at mga estudyante ni Yuji, sila Mama, Papa at Raven, syempre pati narin sila Travis, Jess, Penny, Irene, Avery at Yuri. Lahat sila tuwang tuwa ng makita nila kami ni Yuji na dala dala si baby Yuan.

Nangunang lumapit samin si Andrea na maluha-luhang makita ang kapatid niya.

"Want to hold your baby brother?" Hindi siya makapagsalita ng tulungan ako ni Yuji na ibigay sakanya si baby.

Marcus's was there to wipe Andrea's tears while holding her baby brother. He even stare at me and smiled. I know those smile means, I just nodded and gave a smile back at him. Nilapitan na ng mga kaklase nila si Andrea para tingnan si baby habang sakin naman nagsilapitan ang mga co-professor namin para i-congratulate kami. Si Mama nagawa pa akong sermunan dahil nagtago ako sakanya ng ilang linggo, buti nalang nandun si Yuji para sabihin sakanya na kakapanganak ko lang baka pwedeng mamaya na yung sermon hug muna. They all laughed, even Travis, Jess, Avery and Penny was so proud and happy to see me.

"Dapat talaga nandun din kami ni Travis sa delivery room." Panghihinayang ni Jess.

"Oo nga hindi ka tuloy navideohan, Sha. Sayang." Dagdag ni Travis.

Parehas silang nakapout at mukhang malungkot, usapan na kasi naming tatlo na dapat nandun sila sa tabi ko pag nanganak ako. Tiningnan ko si Yuji at sinenyasan na ipakita niya sa dalawa yung video ng panganganak ko.

"Don't worry, the whole thing was filmed. Here." Pagka-abot sakanila ni Yuji ng phone, sila sila rin ang nag-agawan para panoorin yun.

Yuji and I both laughed at them. Nilapitan narin kami ni Papa, Mr. Patterson at Yuri para icongratulate kami. Tinitingnan lang namin silang lahat habang isa isa sakanilang pinapakita ni Andrea si baby.

"You did it." Bulong sakin ni Yuji.

"We both did it. You helped me gave birth to him." I said while holding his hands.

Everything was so perfect when I remembered something about Yuri and Avery.

"May sasabihin ako, you owe me to not get mad." Tingin ko palang sakanya alam ko ng kinakabahan na siya sa sasabihin ko.

"What is it?"

"Yuri and Avery are engaged. Natatakot silang sabihin sayo kaya ako na nagpapaalam." I said it just like the way he said that Andrea and Marcus are together.

"What?! Why didn't you tell me?" Aba't! Akala mo talaga siya hindi naglilihim saken.

"Kinuntsaba mo rin si Marcus at Andrea, now we are fair." Napacrossed arms siya habang hinahawakan ng isang kamay niya ang baba niya at tinitingnan si Avery mula sa malayo.

🌑 🌑 🌑 🌑 🌑

My Professor, My Love 2Where stories live. Discover now