MPML Book 2 (40)

3.4K 82 11
                                    


"Charlotte, we have to talk."

Seryoso sya. Seryoso akong tinitingnan ng mga mata nya habang hinihingal sya sa harapan ko.

"About what?" Tanong ko.

Mukhang importante yung ipinunta nya dito at malakas ang kutob ko na si Andrea ang gusto nyang pagusapan namin. Hindi kaya sinabi na ni Yuri sakanya ang tungkol sa DNA test na ginawa nya? Ito na ba yun? Aamin na ba ko? Ayoko. Ayokong malaman nya, may pamilya na sya ano namang gagawin nya kung malaman nya?

"Kuya, are you ok?" Lumapit pa si Yuri para punasan ng pawis ang kuya nya pero umiling si Yuji sakanya.

"Leave us alone, Yuri."

"Tungkol saan ba 'to, Yuji?" Gatong ko na.

Masyado syang seryoso, nakaform pa ng kamao yung kamay nya mukha syang manununtok.

"I said leave us alone, Yuri!"

Him yelling at her sister made Yuri ran out of the door and slammed the door after her.

"Anong bang problema mo, Yuj--" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng unahin nya ko.

"Anak mo si Andrea?"

Dun na nagsimulang kumabog yung dibdib ko sa sinabi nya. Alam na nya, sinabi na nga siguro sakanya ni Yuri. Hindi naman sa nakakagulat dahil kung buong campus nga alam na, sya pa kaya.

"Oo, may problema ba?" Humakbang sya papalapit sakin at nilagay yung mga kamay nya sa desk ko sabay lapit nya ng mukha nya sakin.

"Sino ang ama? Ako ba?"

Sa sobrang lapit nya gusto ko syang sampalin. Pero kahit gigil ako sa expression ng mukha nya ngayon tumawa ako.

"Hahaha ano bang pinagsasabi mo, Mr. Salvatore?" Iniiling iling ko pa yung ulo ko habang tumatayo sa kinauupuan ko.

"Stop laughing, Charlotte. Alam mo at alam ko na may nangyari sating dalawa noon."

"Does that mean na ikaw ang ama ng anak ko?"

"Halos magkaedad lang si Andrea at Marcus, Charlotte! Mas bata lang ng 8 months si Andrea dahil mage-18 years old palang sya, kung tama ang kalculasyon ko buntis kana nung iniwan mo ko!"

Tama sya, tama lahat ng kalculasyon nya but still, idedeny ko parin ang totoo sakanya.

"Stop with this nonsense, Yuji. Lumabas kana ng pinto at umuwi kana." Dinaanan ko lang sya ng bigla nyang hawakan yung kamay ko.

Sa sobrang higpit ng pagkakahawak nya, nasasaktan na ko.

"Let me go."

"I won't leave here until you tell me the truth, Charlotte."

"I AM telling you the truth. Hindi ikaw ang ama ng anak ko. Now, let go of my hand, Yuji."

Imbes na bitawan nya ang kamay ko, lalo pang humigpit ang pagkakahawak nya.

"Galit ka ba Charlotte? Dahil sa pagkakaalam ko ikaw ang nangiwan satin. Ngayong nalaman kong may anak tayo, pati anak ko ilalayo mo rin sakin?"

Nakatalikod ako sakanya, ayoko syang harapin. Kaya kong magsinungaling, kaya ko pang magdeny pero hindi ko kayang gawin yun ng nakatingin sa mga mata nya.

"Wala kong nilalayo sayo, wala kang anak sakin Yuji."

Humigpit pa lalo yung hawak nya sa kamay ko.

"Kung ganon sinong ama ni Andrea ha Charlotte?! Because I am dying to hear another lie from you!"

"Wala kang pakialam kung sino ang ama ng anak ko. Bitawan mo ko."

"For god's sake, Charlotte! Ano bang napapala mo sa pagdedeny mo? Kung hindi ako ang ama nya bakit hindi mo masabi sakin kung sino?!"

Nanlalamig yung buong katawan ko, naninikip yung dibdib ko. Tinatanong nya kung bakit hindi ko masabi sakanya ang totoo? Ito ang dahilan. Ito ang pinakainiiwasan kong mangyari na makaharap sya at mapagtatalunan namin ang tungkol kay Andrea.

"Tinatanong mo ko kung bakit? Dahil wala syang kwentang lalaki katulad mo!" Kasabay ng pagharap ko sakanya ang pagpumiglas ko sa paghahawak nya sa kamay ko.

"Parehas kayong walang kwenta, Yuji! Parehas kayong walang ibang ginawa kundi saktan ako kahit alam nyong bubog na bubog na ko sa mga pananakit na ginagawa nyo! Ano bang gusto mong mangyari, Yuji! May pamilya kana! May asawa't anak ka! Ano ngayon kung anak mo nga si Andrea? May magagawa kaba? MAY GAGAWIN KABA?! Dahil kung wala please lang lumayo ka! Tigilan mo kami ng anak ko dahil kinaya naming makaabot sa ganito ng hindi kinakailangan ang tulong mo!"

Naiiyak ako pero mas nakakainsulto para sakin na tinawanan nya lang lahat ng sinabi ko.

"So, ako? Ako ang sinisisi mo? Ikaw ang bumitaw saten, Charlotte! Ni hindi mo man lang ako tinanong basta basta mo lang akong binitawan!"

"Anong gusto mo? Tanungin pa kita kung sinong pipiliin mo kung ako o yung mag-ina mo?!"

"Oo! Sana pinapili mo ako, Charlotte! Dahil alam mo ba kung sinong pipiliin ko kung tinanong mo ako? IKAW! Ikaw ang pipiliin ko dahil mahal kita! Mahal na mahal! Pero anong ginawa mo? Nagdesisyon ka mag-isa para sating dalawa!"

Matapos nyang sabihin yun nagsimula ng tumulo yung mga luha nya. Yung mga mata nyang nanlulumo habang nakatingin sya sakin, nawala yung panlalamig ko. Naiiyak nadin ako pero sinusubukan kong maging matatag sa sitwasyon nato.

"Mahal kita, Charlotte. Kahit kailan hindi nawala yung nararamdaman ko para sayo, nung malaman ko kay Marcus na anak mo si Andrea naging masaya ako. Sobrang saya ko lalo na't iniisip kong ako ang posibilidad na ama nya. Sobrang saya ko dahil yung akala kong wala na, meron pa pala. May pag-asa pa pala para mabalik yung dati. May anak tayo, Charlotte. Please, wag mong ipagkait sakin yung anak ko."

Nagsimula syang maglakad papalapit sakin, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nung isang hakbang nalang nasa harapan ko na sya, umatras ako. Ito na naman kami pakiramdam ko pag lumalapit sya sakin natatakot ako. Nararamdaman ko palang yung presensya nya kinakabahan na ko. Kahit gusto kong mabuo kaming pamilya, hindi parin tama na kunin ko nalang sya basta basta sa pamilya nya.

"Charlotte, wag mo kong layuan please."

Sa kakalapit nya at kakaatras ko, pader nalang yung nasa likod ko. Wala na kong kawala ng bigla namang bumukas yung pinto.

"Yo, Charlott---Oops. Nakakaistorbo ba ko?" Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Avery sa pinto.

Para namang tinamaan ng bala yung utak ko ng may maisip akong idea.

Masamang Idea.

"Hon!" Naglakad ako agad papalapit kay Avery at dinaanan ko lang si Yuji.

Hinila ko si Avery sa braso at iniharap sya kay Yuji.

"H-hon?" Tanong pa ni Avery pero kinurot ko nalang sya.

"Aray! Para san yu--"

"Yuji, sya ang nakabuntis sakin."

Nagiba agad ang expression ng mukha ni Yuji sa sinabi ko. Kahit si Avery nanlaki yung mga mata nya sa narinig nya.

"N-nabuntis kita?" --Avery

"Nabuntis mo ko."

"M-may anak ka?" --Avery

"May anak tayo."

"S-san natin sya ginawa?" --Avery

"Sa damuhan! Makisabay ka nalang!"

Para kaming ewan na nagbubulungan sa harapan ni Yuji.

"Sya ang ama ni Andrea?" Tanong ni Yuji sabay kurot ko sa pwet ni Avery para sya yung sumagot sa tanong nya.

"Aray! Ba't kailanga---Ah este oo bro, ako ama ni Andrea. Anak namin sya ni Charlotte."

Kapit na kapit naman ako sa braso ni Avery habang pinipilit yung Pag-ngiti namin sa harapan nya. Gulat na gulat sya, kahit si Avery nagulat din dahil pumunta lang sya dito sa office nagkaresponsibilidad na agad sya.

--

My Professor, My Love 2Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt