MPML Book 2 (3)

4.6K 108 5
                                    

Marcus's POV

Pagdating ko sa campus, pinark ko yung kotse ko sa likod ng building. Kahit bawal ginagawa ko padin. Nilagay ko sa bulsa ko yung susi at kinuha yung bag ko.

Yung bag ko? Maliit, magaan, parang walang laman. Pero syempre may laman padin yun nga lang yung Math notebook ko lang para kay Medusa. Pagpasok ko sa building, pinagtitinginan ako ng mga babaeng walang ginawa kundi pagnasaan ako. Sa gwapo kong 'to, hindi ko sila masisisi.

"Yo, Bro!" Pagliko ko sa pangatlong hallway, nakasalubong ko yung grupo ko including Steven.

Nagfist bump kami at nakita kong may kasama silang babae. Cute sya, nerd glasses, but still..Pinakamaganda parin sa paningin ko si Medusa.

"Who's this?" Turo ko dun sa babae. Hindi nya ko matingnan sa mata, basta nakatungo lang sya simula pa nung dumating ako.

"Oooh right! Nakalimutan kong ipakilala, Marcus this is Ria. Ria, this is Marcus. Sya yung magiging master mo."

"Ito na yung sinasabi mo?" Tanong ko kay Steven.

"Oo pre, matalino yan at hindi na namin kinailangan pilitin dahil nagvolunteer sya. Crush ka ata." Bulong nya sakin habang tinitingnan ko si Ria mula ulo hanggang paa ng may mapansin akong isang bagay sakanya.

"Mas maikli pa sa maikli yung palda mo, are you trying to seduce me?" Nagulat yung mga kaibigan ko sa sinabi ko sakanya. Kahit si Ria humigpit yung hawak nya sa mga libro nya.

"A-akala k-ko kasi---"

"Nah, I don't want her Steve. Go find me another one." Aakyat na sana ako ng hagdan dahil first class ni Medusa ngayon ng tawagin ako nung babae.

"S-sandali!"

Umikot ako at humarap sakanya.

"Sorry, akala ko kasi gusto mo sa babae yung kita yung hita e. Hindi naman ako ganito, napilitan lang ako para magustuhan mo ko."

Nakayuko padin yung ulo nya habang nagsasalita. Para syang batang umaamin na kumupit sya ng pera.

"Yeah well, I hate sluts. Tutor ang hanap ko, hindi babaeng lalandiin ako at aakitin ako gamit yang katawan mo."

Tumalikod ako ulit pero sumigaw na sya.

"MARCUS! GAGAWIN KO LAHAT! AKO GAGAWA NG HOMEWORKS MO, PROJECTS, THESIS, LAHAT KAYA KO!"

Naririnig kong nagtatawanan sila Steven, nagtinginan narin samin yung ibang students.

"Did you really need to make a scene?" Tanong ko sakanya sabay akyat ko ng hagdan.

"Susunod kaba o ano?" Tanong ko pa ulit dahil wala sya sa likod ko.

Nakita ko naman syang ngumiti sabay takbo nya paakyat palapit sakin.

"Stop. Rule #1 Hanggang sa likod lang kita, hindi ka mangunguna, hindi mo ko didikitan, hindi ka mahuhuli sa pagsunod sakin. Sabi ni Steve nagvolunteer ka pero ayoko naman magtake for granted sa taong gagawa ng homeworks ko, so ano at magkano gusto mo every month?"

My Professor, My Love 2Where stories live. Discover now