MPML Book 2 (11)

3.5K 84 6
                                    

Medusa's POV

Maaga akong natulog kanina galing ng trabaho at halos maglalabing dalawang oras na sana yung tulog ko ng magising ako sa ringtone ng phone ko.

Inaccept ko yung tawag ng hindi tinitingnan kung sino yung tumatawag dahil pikit na pikit padin yung mga mata ko.

"What?! This is better be importan---"

"Char! Nawawala si Ria! Umakyat ako sa kwarto nya kanina pero wala sya! Hinanap ko sya sa buong bahay pero wala talaga! Tinatawagan ko sya pero nakapatay yung phone nya! Charlotte, nagaalala na ko!"

"Ano? Teka teka teka pupunta ako dyan antayin mo ko, uminom ka muna tubig dun papunta na ko ok?"

*Call ended*

Agad akong bumangon sa kama ko at nagbihis papunta kila Penny. Gamit ko yung kotse ko ng makarating ako sa bahay nila. Hindi na ko kumatok sa pinto nila at nakita ko agad si Penny na pabalik balik na naglalakad sa sala nila.

"Penny, anong nangyari?" Lumapit sya agad palapit sakin at mangiyak ngiyak nya kong niyakap.

"H-hindi ko na alam yung ga-gawin ko Char! *hik* *hik* N-nagtalo kami kanina, h-hindi kaya naglayas sya??!"

Hinahagod ko lang yung likod nya habang iyak sya ng iyak.

"Wala ba yung mga gamit nya sa taas? Yung bag nya, yung wallet nya, wala ba lahat?"

Bumitiw sya sa pagkakayakap nya sakin at tumigil sya sa kakaiyak.

"Nasa taas naman lahat." Sagot nya.

Tiningnan ko naman sya at tinaasan sya ng kilay.

"Edi hindi naglayas yung anak mo. Ano kaba dalaga na si Ria, baka naman nasa bahay lang ng blockmates nya o nakipagparty. Halika nga, uminom kana ba ng tubig? Sinisinok kana sa kakaiyak mo oh."

Inalalayan ko sya papunta sa kusina nila at kinuhaan sya ng maiinom. Ininom naman nya agad yung laman ng baso na inabot ko sakanya.

"Char, paano kung may nangyari sakanya? Nagtalo kami kanina na papalipatin ko sya ng school next sem, dahil ayokong napapalapit sya kay Marcus. Alam na alam nating dalawa na anak yun ni Yuji, at hindi malalayong wala rin syang kwentang lalaki para sa anak ko tulad ng ginawa nya sayo."

Napabuntong hininga ako sa sinabi nya.

"Penny, hindi masamang tao si Yuji. At alam kong hindi rin ganun ang anak nya, nagmamahal yung anak mo kaya ayaw nyang magpalipat ng school dahil ayaw nyang malayo sya kay Marcus." Mahinahon kong sabi sakanya but she yell at me in return.

"AYOKONG MAPALAPIT SA KAHIT NA SINONG SALVATORE ANG ANAK KO! Ayokong matulad sya sayo! Sinaktan ka nya Char! Tapos ngayon yung anak naman nya ang sumusunod sa mga yapak nya! Inilalayo ko lang yung anak ko kaya wag mong pinagtatanggol si Yuji o si Marcus dito!"

I was shocked that she just yelled at me like that. Dinadamayan ko sya pero bakit ako yung pinapalabas nyang masama dito.

"Penny, would you please calm down? Kay Yuji ka nagagalit at kay Marcus e wala naman silang kasalanan dito."

"Really Char?! Pinagtatanggol mo parin yung mag-amang yu---"

"SHUT THE HELL UP!!" Sya naman yung nagulat sa pagsigaw ko sakanya.

"Tinawagan mo ko sa kalagitnaan ng pagpapahinga ko tapos bubulyawan mo lang ako?! Yung totoo, yung anak mo bang problema natin dito o si Yuji?!"

Seryoso na yung mga tingin ko sakanya ng bigla naman kumurba yung bibig nya at humagulgol na naman sya.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon