MPML Book 2 (57)

5K 115 38
                                    


"Bakit mo 'ko tinakbuhan nung hinalikan kita?"

He asked as he closed the door behind him. Lahat na ata ng laway ko nalunok ko na kaka-atras palayo sakanya. Ayan na naman sya, nasa harapan ko na naman sya. Gaano ba kataas 'tong rooftop ng makatalon ako paalis dito.

"Kamusta?" Bati ko habang ngumingiti sakanya. Actually, hindi ko rin alam kung bakit ko sya tinakbuhan. All I think about was that my half brother kissed me. It was wrong but why on earth it felt so good? Crazy right? So yeah, tumakbo nalang ako at iniwan sya dun.

"Kamusta? Yan lang ba sasabihin mo dalawang linggo ka nawala, Andrea." Binaba niya yung bag niya at nagsimulang maglakad papunta sakin. Kinakabahan ako pero bakit? Si Marcus lang naman yan why am I so nervous?

"Yeah, I was suspended so. Alam mo may klase pa kasi ako so maybe later? Bye." Binilisan ko makalapit sa pinto pero hinawakan nya yung braso ko nang daanan ko sya.

"No more running." Aniya pero nakatalikod parin ako sakanya. "Inantay kita ng lagpas dalawang linggo, tingin mo hahayaan kitang takbuhan ulit ako?" Binitawan nya yung braso ko at umupo sya sa lilim kung san may bubong. Nakayuko sya habang nakapatong sa mga tuhod nya yung dalawang kamay nya. Hindi sya nagsasalita, not until he pointed the space beside him.

"Mainit dyan, gusto mo talaga dyan tayo mag-usap?" Tatlong hakbang lang ang layo ko sa pinto, anytime pwede ko syang takbuhan ulit pero imbes na tumakbo, I found myself walking towards him and sit beside him.

Nilagay ko sa harapan ko yung bag ko at nilaro yung keychain na nakasabit sa zipper. Ang tahimik hindi pa ba sya magsasalita?

"Marcu---"

"Gusto mo ba 'ko o hindi?" Halos sabay lang kaming nagsalita at lumingon sa isa't isa. His eyes meets mine, parang tumigil yung oras. "Hindi ko alam." Sagot ko habang yumuyuko palayo sa tingin nya. Tinitingnan nya ko habang nilalaro ng kamay ko yung keychain sa bag ko. Hindi ko magawang makipagtitigan sakanya. Naiilang ako na ewan or I'm just intimidated by him.

"Hindi ako naniniwala. Tingin ko gusto mo rin ako ayaw mo lang aminin sa sarili mo." Tinigil ko yung paglalaro sa keychain ko at tumingin sakanya pero sya naman yung umiwas habang sinasandal sa pader yung ulo nya. "Really?" Tanong ko habang nakangising tinitingnan yung mukha nya. Ang cool nya tingnan, masarap syang titigan pero nakakatakot kasi parang bawat titig mo sakanya alam nya yung tumatakbo sa isip mo.

"Really." Aniya habang nakatingala sya sa langit.

"Kung yun naman pala pinaniniwalaan mo bakit nageemote pa tayo dito?" Tumawa ako kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Pampakalma ba kahit ilang segundo lang pero tumikop din yung pagtawa ko ng tingnan nya ako ng seryoso.

"Dahil magmumukha na kong tanga kung paniniwalain ko parin yung sarili ko na may gusto karin sakin kahit wala naman talaga. 2 weeks kitang tinatawagan sainyo pero palaging yung Aunt Yuri mo yung pinapasagot mo. Pinupuntahan din kita sainyo pero yung Auntie mo lang din yung pinapaharap mo. 2 weeks Andrea. 2 fucking weeks without knowing kung ano bang naging problema sa halik ko para takbuhan mo ko ng ganon. Tapos pagbalik mo dito ang ibubungad mo lang sakin kamusta?"

Speechless. Yun na ata ang pinakamahabang speech na narinig ko mula sakanya. Gusto kong mangatwiran pero mukhang wala sa lugar kung magbibiro ako ngayong ganito kaseryoso ang mukha ng kaharap ko. Ano bang sasabihin ko? Gusto ko sya pero hindi pwede? Gagamitin ko rin ba yung makasaysayang it's not you, it's me?

"I..."

"You what?"

"I..." Kita sa mukha nya yung pagkainit ng ulo sa kaka-I... ko. Actually 'I' lang talaga nasa isip ko hindi ko na alam susunod.

My Professor, My Love 2Where stories live. Discover now