MPML Book 2 (23)

3K 84 2
                                    


"Oh Sha, bakit dito ka samin tumabi ngayon maglunch?" --Travis

"Nasaan si Yuji?" --Jess

Binaba ko naman yung tinidor ko at humarap sakanila.

"Tayo tayo naman talaga magkakasama maglunch ah? Tsaka malay ko ba kung nasaan yun."

Nagtinginan naman sila sabay tawanan nila ng sabay. Tuluyan ko ng binitawan yung tinidor at tiningnan sila ng masama.

"Ano na naman?"

"Wala naman, ito naman galit agad." --Jess

"Pero nasaan nga si Yuji?" --Travis

I glared at him.

"Isa pang tanong nyo sakin kung nasaan sya makakatikim kayo."

"O sige, nasaan si Yuj--"

*PAK!*

"SHAAA!"

"Sinabihan na kita diba!"

Pakiramdam ko para parin kaming mga estudyante noon na maiingay tuwing kumakain kami ng lunch dito sa cafeteria. Pinagtinginan kami ng ilang estudyante habang natatawa naman ang karamihan sa pagbatok ko kay Travis.

"Cha, halos 15 years mo ng binabatukan yan si Travis hahaha!"

"Oo, at halos 15 years ka naring nakikitawa!" --Travis

Subo lang ako ng subo sa kinakain habang sila nagbabatukan na. Wala talaga kaming pakialam kung pagtinginan kami, basta kaming tatlo ganun parin ang turingan sa isa't isa kahit magkaedad man.

Natatawa ko sakanila, nakibatok pa nga ako sa ulo ni Jess pero umayos agad ako ng upo ng makita ko si Yuji na papalapit sa table namin.

"Psst! Si Yuji." Pinandilatan ko sila kaya umayos naman agad sila.

Palapit palang si Yuji, nakangiti na agad sya. Slowmo sya maglakad o ako lang yun?

"Hey, guys." Bati nya pero ako nakayuko lang sa pagkain ko.

"Sir. Yuji, wanna join us?"

Umusog pa si Travis para paupuin si Yuji kaya sinipa ko naman sya sa ilalim ng lamesa.

"Aray!" Tiningnan niya ko pero nagpatay malisya lang ako.

"Hahaha, no thanks guys. I just came here to tell Charlotte that I need her."

N-need her? Kailangan nya ko? Saan!? Sa buhay nya?

Nabulunan naman ako sa sinabi nya kaya sya pa nag-abot sakin ng tissue.

"T-thanks. W-why do you need me? I mean para saan??" Tanong ko sakanya habang pinupunasan ko ng tissue yung bibig ko.

"Just go to my class 32-18, I'll be needing you there, ok? Enjoy your meal guys."

Basta basta lang nyang sinabi yun at nagpaalam na agad sabay labas nya ng cafeteria. Yun na yon? Wala man lang maayos na dahilan kung bakit? Tsaka ba't ako pa talaga?

"Ayiieee--"

Hindi pa sila tapos mag-ayieee sinipa ko na agad sila ng sabay sa ilalim ng mesa. Sabay silang humawak sa mga paa nila pero tumayo na agad ako.

"Tapos kana agad? Gusto mo na agad puntahan si Yuji no? Ayiee"

Inambangan ko ng batok si Travis pero nakailag ang loko.

"Dyan na kayo." Umirap ako pero tinawanan lang nila ako.

Pinabayaan ko na sila kesa naman patulan ko pa, lumabas ako ng cafeteria paakyat sa klase ni Yuji. I keep wondering kung anong kailangan nya sakin, this better be important.

My Professor, My Love 2Where stories live. Discover now