MPML Book 2 (53)

4.5K 92 21
                                    


Charlotte's POV

Kanina pa ko nakatulala ng tumunog ang alarm clock sa tabi ko. Umikot ako para patayin yun tapos humiga ulit para titigan ulit yung kisame ng kwarto ko. Halos magta-tatlong oras ko ng tinititigan yun habang nagsi-sink in sa utak ko yung nangyari samin ni Yuji kahapon sa office. It was wrong, and right at the same time. Wrong, kasi kasal pa siya kay Maxine at yung ginawa namin is considered cheating no matter on what angle you look at it. On the other side, we considered it right because we're inlove and what we did was not just 'sex'. We made  love.

Sinabunutan ko yung sarili ko ng dahil sa iniisip ko. It's making love chuchu na naman, ayan kana naman, Karlota. Excuses mo! Panong making love yun e sabi mo nakamove on kana sakanya? Does it still making love kung nakamove on kana sakanya? Pero teka nakamove on kana ba talaga? Tinanong ka niya eh, humingi pa siya ng permiso mo bago niyo gawin yung forbidden jutsu diba? And what did you do?

"You smiled and kissed him back! Nag-iisip kaba, Karlota!" Sinisigawan ko yung sarili ko habang nagwawala ako sa higaan ko.

Nakakahiya. Nakakahiya ka, Karlota! Are you happy on what you did? Sa ginawa niyo nagmukha kang kabit! Tapos sa office pa, sa office pa talaga Karlota?! How could you!

"Anong how could you? Kung konsensyahin mo ko para hindi mo ginusto yung ginawa mo. Wag mo kong sisihin! Utak kita! Ikaw ang kumokontrol sakin that time, bakit hindi ka gumana? Umamin kana, gusto mo rin eh. GINUSTO MO RIN!"

Sa kakasigaw at pagwawala ko sa kama, hindi ko namalayan na binuksan ni Andrea ang pinto.

"Mom, are you okay? Sigaw kanang sigaw tsaka bakit kinakagat niyo yang sarili niyo?" Kagat kagat ko yung kamay ko ng mapatingin ako sa direksyon niya sabay bitaw at bangon ko sa kama ko.

Inayos ko yung damit ko bago ako ngumiti at lumapit sakanya.

"Of course I'm fine, pumpkin. Ba't naman hindi?" Sinusuklay ko pa yung buhok niya gamit yung kamay ko.

"You're smiling, Mom."

"So? Bawal na ba ngumiti ngayon anak?" Sagot ko.

"That's your obviously fake smile, and what's that?" Tinatago ko sa likod ko yung hawak ko pero naagaw niya agad yun sakin.

"Hahaha Mom really, a rosary? Kailan kapa huling--" Napatigil siya sa pagsasalita at tinitigan ako ng seryoso.

"You did something bad, aren't you?" Nakangiti siya habang tinataas taas pa niya yung kilay niya sakin. Which is ang laging niyang ginagawa para mapa-amin ako.

Hindi ko alam isasagot ko sakanya kaya hinablot ko sakanya yung rosary at sinaraduhan siya ng pinto.

"Mom!" Kinakatok niya yung pinto ko pero nilock ko na yun.

"See you at school, darling! Mommy loves you mwah mwah mwah mwah!"

"Hindi tayo sabay? See, hindi ka talaga ok. What did you do?"

"Mommy loves you so very much!"

"Mom! Argh!" She keeps knocking but got tired eventually.

Binitawan ko yung rosary habang tinititigan yung sarili ko sa salamin.

"Relax, Charlotte. He will file a divorce against Maxine so you don't have to regret anything. Remember what he said? Trust him, right?" Huminga ako ng malalim bago naligo at nag-ayos para sa pagpasok sa trabaho.

--

Pagdating ko sa campus, normal naman lahat. Normal day, normal students on the hallway, normal guards, normal co-professors who greets me everyday, ako lang talaga 'tong abnormal na tingin ng tingin sa paligid na baka nandyan na si Yuji. Pagdating sa hagdan nakahinga na ko ng maluwag. Mukhang wala pa siya, good. Umakyat ako ng hagdan paakyat sa 5th floor ng makarating ako ng 3rd floor at marinig ang ilang estudyante sa taas.

My Professor, My Love 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon