MPML Book 2 (76)

2.9K 70 1
                                    


Andrea's POV

Nasa room ako nakikinig ng lecture ni Ms. Lina ng maramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Pasimple kong nilabas yun sa bulsa ko sa ilalim ng mesa at nakitang may isang message ako galing kay Mommy.

Bake materials, cd's, laptop. Oh, and don't my favorite pillow. I can't sleep here without it.

Nagreply ako,saying na nasa klase pa ako at mamaya ko siya tatawagan para sa mga ipapakuha niyang gamit sa bahay pero bago ko pa masend yung reply ko, may isa na naman siyang message.

Oh, and no word to your father. Just shake your head, no nods, and no pouting. Just like we practiced you know what to do ok? Love you, pumpkin. Help your preggy mother out here.

I let out a sigh, pangatlong beses ko na yatang bumubuntong hininga habang nakatingin sa phone ko.

To Mom:

Alright alright mom, I'll be there after clas---

Naputol ang pagtatype ko ng hablutin ni Marcus ang phone ko mula sa ilalim at nilagay yun sa bulsa niya.

"Uy!" Pero patay malisya siyang nakatingin sa harapan at nakikinig sa prof.

Siniko ko narin siya pero ayaw niya parin akong pansinin.

"Amina yung phone ko katext ko si Mommy."

"You can text her back after class."

"Saglit lang nama---"

"I said after class." He gave me a death glare kaya hindi na 'ko sumagot pa. Umayos ako ng upo na may konting pagdadabog kasi alam kong inaantay ni Mommy ang response ko.

"You should've at least let me send one message. She's waiting you know."

"Kanina ka pa napapansin ng prof text text kapa." Parehas kaming nakatingin sa harap kahit pasimple kaming naguusap.

Habang nakikinig sa lesson, pansin na pansin mong naghaharutan si Ria at Steven sa kabilang upuan. Napangiti na lamang ako dahil simula ng maging sila ni Steven, wala ng araw na hindi ko nakikitang nakangiti si Ria. She seems so happy with him.

"Bakit ka pinapadala ng mga gamit ni Medusa?" Napalingon ako kay Marcus na binabasa na pala ang phone ko sa gilid niya.

Sinubukan kong agawin pero nailayo niya agad sakin.

"Marcus, give it to me. Hindi mo alam kung pano ma-paranoid yan si Mommy pag naghihintay." Nakatalikod at nagsusulat sa white board si Ms. Lina kaya hindi na 'ko nagdalawang isip pang makipag-agawan ng phone kay Marcus.

"Bakit nga muna? Wala ba siya sa bahay niyo?" Nakataas ang kamay niya habang hawak hawak ang phone ko.

I rolled my eyes at him habang umiiling.

"Sa hotel nagsstay si Mommy ngayon. Magdadalawang linggo na simula nung dumating si Lola sa bahay."

Binulsa niya ulit ang phone ko at pinaglaruan ang ballpen niya.

"Kaya pala."

"Kung binigay mo na sakin 'yang phone di sana nakapagreply na ako kanina pa." I tried reaching for his pocket again pero hinuli niya ang kamay ko sa ilalim ng desk.

"Do you want to tell her now?" Tingin niya sakin ng seryoso. Hindi na ako nagtanong kung ano tinutukoy niya dahil tingin palang alam ko na.

"Humahanap pa ako ng chempo." Sagot ko sabay bitaw sa kamay niya.

"It's been 2 weeks, next next week na graduation natin. How soon ka pa makakahanap ng chempo?"

Hindi ako sumagot, narinig ko na lang na tumunog ang bell hudyat na dismiss na ang klase.

My Professor, My Love 2Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ