She actually looks like a pervert in doing so.

But honestly, who wouldn't get mesmerized? No matter what Arq wears, she always looks hot. What more now that she's barely wearing anything?

°Tomboy ka na rin, Lara.° Nanghihinang sabi ng kanyang ego na ikinatawa niya nang bahagya.

The truth is, she cannot tell now.

"Hello? Yes. We're on our way. Thanks." Arq responded before ending the calll and looking back at her. "It's Pearl. Tapos na daw siya sa ginagawa."

Sa sobrang galak niya sa trip nila ni Arq ay muntik na niyang makalimutan ang kapatid. "Bakit hindi ako ang tinawagan niya?" Kaagad din siyang napakagat-labi nang mapagtanto ang tanong. "No. Don't answer." Pagbawi niya habang iwinawagayway ang kamay.

Iniwanan nga pala niya ang bag sa sasakyan ni Arq kaya kung tinatawagan man siya ng kapatid ay hindi niya masasagot.

Pag-ahon niya mula sa tubig ay tila nakaramdam siya ng lungkot. Uuwi na sila. Dito na naman magtatapos ang pagkakasundo nila ni Arq. Babalik na sila sa pagbabangayan.

Kung pwede lang niyang pahintuin sa pag-ikot ang mundo, gagawin niya. Nais niyang sulitin ang pagkakataon hanggang sa makilala nang lubusan si Arq. Ngunit malabo siyang mapagbigyan ng tadhana.

"Lara?" Arq called.

Napakurap-kurap siya atsaka ito tiningnan. "Ah? Hah? Oo... Tara na." Nauutal niyang sabi bago ito lagpasan.

Hinawakan kaagad niya ang laylayan ng basang damit nang hindi tuluyang humapit sa kanyang katawan ang suot. Hindi siya komportableng humahapit ito sa bandang dibdib. Lumapit siya kay Arq na kasalukuyang isunusuot ang mga hinubad na damit.

"Ganyan ka na? Mababasa din kaya 'yang damit mo." Puna niya.

"It's fine with me. Matutuyo naman ako habang nasa byahe tayo." Katwiran nito.

"E, ako? Sa'n naman ako magbibihis?" Aniya habang nakaturo sa sarili.

Tinitigan siya nito matapos nitong makapagsuot ng damit. "Go, hide again."

Nangunot ang noo niya. "Magpapalit po ako ng undies! Okay lang sana kung damit lang."

Nakita niyang saglit itong natigilan. Lumingon ito sa paligid na para bang may hinahanap. Kapagkuwa'y naglakad ito papunta sa kung saan. Habang siya naman ay pinupulot ang sapatos at ang paper bag kung saan naroroon ang kanyang pamalit. Pagtayo niya ay nakita niyang may hawak na itong mga dahon ng saging.

"Tara dito!" Tawag nito.

Nag-aalangan siyang lumapit.

"I'll cover you with these. So, go ahead and change your clothes now." Arq suggested.

Her eyes broadened. "Hala! Seryoso ka?!"

She frowns, obviously starting to get annoyed. "Of course. Bilisan mo na para makaalis na tayo."

"Ayoko. Hindi ko kayang magbihis lalo na't nandyan ka pa." Reklamo niya.

Arq sighs in defeat. "Alright then." She then throws the leaves, turns in the other direction, and then firmly declares, "...then we're leaving."

Napamaang siya. Kani-kanina lang ay maayos sila. 'Yong tipong inaasahan niyang malabo itong magsusungit lalo na't ang ganda ng pag-uusap nila. Halos close na nga sila. Pero eto na naman ang pagsusungit ni Arq. Segu-segundo 'ata ang pagbabago ng mood nito.

Bago pa man din ito makalayo ay hinabol na niya ito at hinawakan sa braso. "Teka lang."

Takte!

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now