Tumango ito.

Nang muli itong maglakad ay hindi na niya ito pinigilan pa. Puro man siya reklamo pero gusto rin talaga niya ang magtampisaw sa tubig. Nangangamba lang siya sapagkat hindi maaaring mapalitan ang kanyang suot. Tiyak na magtataka ang kanyang mga magulang pag-uwi niya.

Ano na lang ang ipapaliwanag niya sa mga ito? Baka magalit lang ang dad niya dahil ang alam nito ay nasa RDGU lamang siya at sinasamahan si Pearl. Hindi siya nagpaalam na gagala sila ni Arq at baka pati ito ay pagalitan din ng kanyang daddy.

She sighs upon realizing that she must have been behaving inappropriately ever since her parents allowed her to come along with Arq. They should not break that trust.

While Arq is away, she gets that chance to savor the calmness of the surrounding. Life in the city had never been this relaxing to her. The polluted, noisy and turbulent environment was part of her daily life. Despite those negative causes of lousy health she still managed to live her city life, seeing only the glamorous stuff that she knew she couldn't get rid of. But that was before.

When she arrived in Georgetown and started studying at RDGU everything changed. She didn't expect she would be contented in a simple way of living.

Admittedly, Arq plays a big part in it. She's the one who constantly makes her realize that Georgetown isn't just an ordinary town. She lets her see things beyond their simplicities.

Despite that she's still at the adjustment stage, it feels like she has been living in the town her whole life.

Panay man ang pagkontra niya sa mga gustong ipagawa sa kanya ni Arq, kalaunan naman ay nagiging interesado na rin siya sa mga bagong karanasan. Kailangan lang siyang pilitin para maging adventurous siya paminsan-minsan.

"Here..."

She snaps and scowls at her. Arqui tends to surprise her and would smile, pretending that she never intended to startle her.

May hawak itong paper bag atsaka inabot sa kanya.

"Hindi na talaga ako makakatanggi." Aniya.

"Bakit pa kasi tanggi ka nang tanggi?"

"San naman ako pwedeng magbihis?" Pag-iiba niya, para maiwasan ang napipintong pagka-badtrip nito.

"Siguro naman hindi mo na kailangan pang tanggalin pati undies mo? Hindi naman siguro 'yan ichi-check ng parents mo?" Pigil-tawa nitong sabi.

Tinitigan niya ito nang pailalim. "Saan nga kasi?" Pag-uulit niya at hindi na lang pinansin ang sinabi nito.

"Unfortunately, this forest doesn't have any comfort rooms."

"Huh? Paano ako magbibihis? Paano na lang pala kung habang nagbibihis ako ay may mga taong bigla na lang dumating?"

"That, I can assure you, is not going to happen. This may not look like a private area, but it is. Whenever I'm here, no one comes. Kaya okay lang naman kahit saan ka magbihis."

"S-sigurado ka ba?" Naniniguro pa rin niyang tanong.

Nang tumango ito ay nagsimula na siyang sumipat  ng pagbibihisan. Naisip niyang sa isa sa mga naglalakihang puno na lang siya magbihis at iyong hindi siya makikita ni Arq.

Nilingon niya ito. "All right. Magbibihis na 'ko. 'Wag kang maninilip, kundi yari ka sakin!" Banta niya.

Nangunot ang noo nito. "May kakaiba ba sa'yo? Meron din naman ako niyan."

Puntos nang puntos itong si Arq kaya lagi niyang nabibigyan nang masamang tingin.

Tatawa-tawa nitong itinaas ang magkabilang kamay. "All right. Maliligo na lang ako. Bahala ka ng magbihis."

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now