Loving Mr. Elusive

Magsimula sa umpisa
                                    

"Lakad?" natameme ang beauty ko. Promise! Anung nangyari at nagbagong anyo ang cutie Pykie ko? Sino ba'tong kaharap ko? Ang weird! Nae-engkanto ba kami?

Nanlaki ang mga mata ko. Saktong lumalamig pa naman ang paligid at mas lalong nagdidilim ang ulap. May kulog kulog pa! Kitang kita ko yung mga kulog sa langit. Parang ang lapit lapit nila! Umatras ako papalayo at tumili. "Aaaaaah! K-kung sino ka man, umalis ka sa katawan ni Percival!"

"Rori, what the hell are you talking about?" napakunot noo si Percival sa'ken. Lumapit naman si Kuya Ruben.

"Baka nagdidiliryo ang kaibigan mo. Tingnan mo kung may lagnat at madala natin sa ospital bago dumating ang bagyo." Si Kuya Ruben ang nagsabi.

Lumapit naman si Percival sa'ken at hinawakan ang noo ko. "Wala naman, Kuya Ruben. Ayos lang itong si Rori. Baliw lang talaga siya paminsan minsan." Napanganga ako sa kanya in disbelief that he called me baliw.

Me? Baliw? "Of course not! I'm not baliw!" Depensa ko.

"Bakit? May baliw bang umamin na baliw sila? Wala naman diba?" sagot niya sa'ken.

Naiinis na talaga ako! Pag ganitong pagod na ako, nagugutom, at may sugat, nakakaubos din siya ng pasensya!

"Ugh! I'm not baliw!" I said and stomped my foot, tapos muntik na naman akong dumausdos sa slant na bundok. Sinalo ako ni Percival.

"Tayo na! Parating na ang bagyo! Malapit na tayo sa bahay namin."

"Tara na," aya sa'kin ni Percival at tumalikod. Napatanga ako. What does he mean?

Humarap siya sa'kin. "Sakay na sa likod ko para mabilis tayo." Utos niya sabay talikod ulit.

"B-but I've never done this before!" Panic ko pero inilagay ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Hinila niya ang mga kamay ko papalapit sa dibdib niya. Napadikit ako sa likod niya at saka niya hinawakan ang bottom ko para kargahin ako. Napatili ako sa pagbuhat niya sa akin. Nakarating kami sa tuktok ng bundok overseeing the sea. I didn't know we'll be staying beside the sea. Ang ganda ganda! Naramdaman ko na lang na pababa na kami sa bundok. Mabilis kaming nakarating sa baba. Pumunta kami sa pinakamalapit na kubo. Ito pala ang kubo ni Ate Jovi.

Asawa pala ni Kuya Ruben Matinguha si Ate Jovi. Ipinakilala din kami ng mag-asawa sa mga kapitbahay na nagsipuntahan sa bahay ng mga ito dahil narinig nga ang pagdating ng mga 'representatives' ng World Vision. Ngayong unang araw namin sa community ay wala muna raw kaming socialization with the neighbors. Magpahinga muna daw kami sa byahe tapos maghahapunan.

At dahil umuulan, madilim kaagad ang paligid. That's when I realized there's no electricity at nag-sindi lang sila ng lampara na may gasul.

So, does it mean na pag nag-freshen up ako later to wash my face and pee, I will use a lampara? Come to think of it, wala namang problema kung lampara ang gamitin ko. Yun' panahon nga ng mga pharaohs, king and queens of ancient times, they survived without electricity for thousand of years. Ako pa kaya na 1 week lang naman makaka-experience ng ancient lights? Why not, diba? Carrybells ko 'to! Aja! Wag lang ako makatabig ng lampara and set the whole place on fire diba? Kaya, ingat ingat din ako pag may time.

Palihim kong inikot ng mga mata ko ang buong kubo. Cute yun' kubo. Naiisip ko kung paano magiging pretty yung kubo given its design. Cute kung may floral curtains. Tapos yun' door ng rooms, lalagyan din ng floral curtains. Tapos yun'banggera, tatakpan ng floral curtains para hindi kita yun' ilalim nito. Maganda rin kung may paper pomenade balls on top of the windows. Maganda din kung may mga different sizes ng bilao as wall decorations and with different accents like flower, photo nilang mag-asawa, a quotation about love handwritten in small canvass. Tapos may hanging Japanese white lanterns or Capiz lanterns na magkakaiba ang haba ng strings on the side. Tapos yun' transistor radio nila looks vintage. How fabulous! So etsy! Luurv it!

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon