Loving Mr. Elusive

Start from the beginning
                                    

Napansin kong napahawak sa ulo si Percival at ipinatong ang ulo sa manibela ng sasakyan niya bago nagsalita.

"Fine." Anito at lumabas na ng pinto at inilagay ang knapsack nito sa kanayng likod. Bumaba siya kaya ako naman ay nagmadali din buksana ng pintuan ko. Nagulat ako dahil nasa tapat na siya ng pintuan ko at nakalahad ang kamay. Napatingin ako sa kanya na may halong gulat at pagtataka.

Gentleman ang peg? Ayii!

"Do I need to carry you just so you can go down?" medyo irritable na si Percival. Natakot tuloy ako sa kanya. Ibinigay ko na ang kamay ko at inalalayan niya akong bumababa sa Hummer niya. Nung nakababa na ako, binitawan na niya ang kamay ko at hinawakan ako sa likod para i-lead ako sa mga taong nasa tapat ng isang maliit na bahay. May nakasulat duon na Barangay Hall. Nagulat ako. Ganito kaliit ang baranggay hall? At nasa liblib na lugar pa? At, walang mashadong sasakyan? I wondered how they go to the city. Anyway, dahil curious ako, tinanong ko. They said naglalakad daw sila.

Oh my gulay! Are they serious? At dahil saglit akong natameme sa sagot nila, si Percival na ang pumutol ng katahimikan. Pinaliwanag niya sa aken na hindi alam ng mga taga-barrio na siya ang may balak na mag-sponsor ng pag-aaral ng lahat ng estudyante sa barrio na iyon. Ipapakilala lang kami na mga nag-immersion na representatives ng World Vision.

At dahil may paparating daw na bagyo, kailangan daw namin magmadali maglakad papunta sa barrio. Naroon daw si Ate Jovi na kukopkop sa amin ni Percival habang nag-iimersion.

Great! I will climb up the hill in my long dress and stilletos at dapat mabilis daw kami maglakad dahil parating na raw ang bagyo. Pansin ko nga parating na iyon dahil madilim na ang paligid kahit na mage-11:30am pa lang.

Napatingin sa'ken si Percival. May bahagyang pag-aalala sa mga mata niya.

"Are you sure you want to go through this? You still got a chance to back out. Sa hotel very convenient ka." Sabi nito.

Back out? Para ano? Para matakasan niya ako? No way!

"Hay naku! Parang mountainlet lang, I will back down na? Of course not! Go!" Sabi ko sa kanya at nauna sa paglalakad.

Nakita ko pa siyang napatawa at inulit ang salitang mountainlet dahil alam naman niyang walang ganung salita. Ako lang ang nagsabi nun. Napailing na lang siya at saglit an kinausap si Mang Arturo. He asked him to get my stuff in the hotel tapos ibalik ang Hummer sa Barangay para pupuntahan daw namin kinabukasan nang makakuha ako ng damit, tapos tinawagan niya ang kanyang assistant para ibilin na kunin sa kanyang room ang mga gamit ko. Matapos ang call ay sumunod siya sa akin sa paglalakad.

May path paakyat sa mountainlet at I assume duon kami dadaan. Nanguna sa paglalakad si Kuya Ruben Matinguha.

I will show you how graceful I can be even while hiking with my stilletos! Mayabang ko pang sabi sa sarili ko. Gora! I can do this!

Habang binabagtas namin ang mabato-batong path, hindi ko napigilan mag-hum para malibang. Nangunguna sina Kuya Ruben at Percival habang ako ay mabagal na naglalakad. Kailangan mabagal ako para hindi ako mahirapan maglakad sa stilettos ko. Mga ilang minuto pa ng paglalakad ay medyo nahirapan na ako kasi medyo masakit na ang mga paa ko. Iniangat ko na ang palda ko para hindi ako madapa, pero sa kasamaang palad, natapilok ako at tumumba. Nasugatan ang tuhod ko. Siyempre masakit dahil dumirekta sa tuhod yun mabatong lupa. Napaupo ako pero hindi ako umimik. Ayoko kaya mapahiya. Tahimik akong umaray sa sakit at inakap ko ang tuhod ko habang nakaupo sa lupa. Nagulat na lang ako nang biglang nasa tabi ko na si Percival. Medyo maputla siya at nag-aalala.

"Saan masaket? Kasi sabi ko sa'yo wag ka na sumama..." malumanay at may pag-aalala niyang sabi habang hawak ang binti ko. Parang kung turungin ako ay parang napaka-fragile ko. Napatulala lang ako. This is the kind of Percival I haven't seen ever. Yung sweet. Sweet? Totoo ba'to? "Kaya mo ba maglakad?" marahan niyang tanong sa'ken.

Love in a Rush (Completed/ Published in Dreame app)Where stories live. Discover now