After The Game

9.3K 255 64
                                    



JESSICA'S POV

"Let's date." 

Paulit ulit sa tumatakbo sa utak ko ng sinabi ni Jed. Eto na yata ang pinaka magandang panaginip ko sa buong buhay ko at sana hindi na ko magising! 

Sobrang nakatitig sya sakin at ramdam na ramdam ko na sobrang init ng mukha ko! I was about to cover my face with my both hands pero pagtaas ko ng kamay ko ay nakita kong may ha holding hands ito! OMG! Jed is holding my hand!! 

"Sabi ko, hindi na kita papakawalan,kaya wag mo ng subukan Jessica." Hinigpitan nya yung kapit nya sa kamay ko at ngumiti.

Wait!! Hindi panaginip to? 

Pinisil ko ang muka ko, mariin akong pumikit pikit pero nasa harap ko pa rin sya habang hawak ang kamay ko at naka ngiti!

 "Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!! OH MY GOSH! JES !!!" 

Napalingon ako sa mga tumili at nakita kong tumatakbo palapit samin yung mga kaibigan ko. 

 "Kyaahhh!!!!! Oh my!! kelan pa to??? grabe kayo ! bakit hindi kayo nagsasabi na my something kayong dalawa! grabe kayong manggulat!! bigla-bigla na lang namin makikita ng magkaholding hands kayo?? wahh!! ang sweet nyo!! grabe! kinilig naman ako bigla!!" sabi ni Andy with matching kilig factor talaga!

"h-uh .. ano.. mali yung akala mo.. ano - ano kasi......" hindi na ko nakatapos magsalita at napatingin ako sa kamay ko kasi hinigpitan ni Jed ang pagkakahawak nya dito, tapos nagsalita sya kaya napatingin ako sa kanya.

"Liligawan ko pa lang kasi sya, kaya wala pa syang nababanggit sa inyo" tumingin sya sakin tapos ngimiti..

Gahd !!! kanina pa sya ngiti ng ngiti sakin, natutunaw na talaga ako!! ang bilis pa ng tibok ng puso ko at feeling ko mas mapula na ako sa macopa dahil sa init ng muka ko!! Shet lang talaga!!! tama na JED!!! baka mamatay ako sa sobrang pagkakilig!!!!

Pero???  teka .. teka... ano daw yung sinabi nya?? LILIGAWAN???? AKO???????

wehhh??? di nga???

"H-huh??" epic fail!! wala akong masabi!!! >.<

"maka-huh naman toh! hahaha.. Girl ! ang pula mo! yiiiieeee.. kinilig ! hahaha.. ang cute nyo tingnan!" sabi ni Diane sabay hampas sa may balikat ko.

napahawak ako pisngi ko sandali, tapos pinipilit ko talagang alisin yung kamay ko sa pagkakahawak nya. pero wala!! ayaw nyang bitiwan!

"sige na. sige na.. sabi nga namin aalis na kami eh, hahaha... Sige Daniel, masosolo mo na sya. haha.. nagets ko naman yang mga senyas mo eh. hahaha.. OOOppppsss!! sorry, nadulas . ^__^ Bye Jessica!!!" sabi ni Andy tapos hinila na nya sila Diane paalis. iniwan ako!!!!

"Oii !! teka !! " sigaw ko, pero hindi nila ako pinansin at tumakbo pa palayo!!

hinatak ko yung kamay ko para makasunod sa kanila pero hindi nya binitawan.. >,< 

JED's POV

ay takte!  pasaway na Andy yun, sinabi pa talaga na sinesenyasan ko sya. nakakahiya tuloy kay Jessica. >.<

 kinakabahan ako. Woo!!  Pero Atlast! eto na oh! hawak ko na yung kamay nya kahit na kanina pa nya gustong tanggalin yung pagkakahawak ko sa kanya. Pero ayoko. Ayokong bitawan. Ayoko na syang pakawalan. Nangyari naman yung sign na hiningi ko eh, eto na yon.

"ahh.. Jed... yung .... yung kamay ko" mahina nyang sabi at hindi nakatingin sakin.

JED???????

Bigla akong may naalala..

I Got Caught [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang