A simple yet very sweet gesture.

Nginitian pa siya nito pagkatapos.

Pqgtingin niya sa paligid ay napansin niya ang makahulugang tingin sa kanya ng mga naroroon, partikular na ang mga kababaihan. Gusto niyang mang-asar dahil waging-wagi siya sa pagtrato sa kanya ni Arq. Kaya tinaasan niya ng kilay ang mga iyon na kaagad din namang nag-iba ng direksyon ang mga mata.

Nais niyang mapangiti nang nakakaloko pero pinigilan niya ang sarili nang hindi magmukhang tanga sa harapan ni Arq.

"Lara, here's yours." Greco interrupted as he handed her another cup.

She takes it while mouthing "thanks." to him.

Siyempre, inamoy muna niya ang inuming inabot sa kanya. Alam niyang malalagot ang mga ito kay Arq kapag sinubukan ng mga itong painumin siya ng alak nang pasikreto kaya kailangan niyang maniguro.

"Trust issue?"

Napalingon siya kay Greco, seryoso pala itong nakatingin sa kanya. "Huh?"

"Walang alak 'yan. Kapag sinabi ni Arq na hindi pwede, hindi pwede. Just so you know, you can also trust the three of us." Dagdag nito.

It's true that she's having a trust issue. It's just embarrassing that she made it obvious in front of Greco. But how can she not? She's aware that Arq's friends are always up to some shenanigans even if they seem friendly.

Nonetheless, she takes his words when she sips on her cup.

Hindi naman niya naramdamang galit si Greco pero nahiya siya dahil pinag-isipan niya ito nang hindi maganda.

Ilang sandali pa ay ikinabigla naman niya ang pag-akbay ni Arq. Napalingon siya rito dahil akala niya ay may problema. Nang makita niyang sa iba ito nakatingin, kaagad ding naglakbay ang kanyang mga mata sa direksyong iyon.

May problema nga.

Shakira has now entered the crib, showing off her stunning curves.

Sa totoo lang, kahit bitter siya sa mga babaeng GGSS kung may karapatan naman kagaya ni Shakira ay kaya niyang tanggapin ang katotohanan.

Shakira is undeniably alluring in her sexy dress. She's a no-match, to be honest. She can't compete even with her height. She's such a loser who solely believes that she's beautiful, especially in front of the mirror.

"Hi, Arqui!" Shakira called, waving her hand out at Arq.

Nakangisi ito na para bang may matinding plano na ito kung paano siya maaasar ngayong gabi. Bago ito lumapit sa kanila ay may nag-abot pa rito ng inumin.

Elijah disappears quickly as she follows Shakira's movement towards Arq. If Elijah didn't go away, Shakira wouldn't have had the chance to sit beside Arq. That is the very reason why she can't avoid having doubts towards Arq's friends. They seem to be very fond of the ex-girlfriend.

She's about to blow a fuse when she notices that Arq is already on it. She even did a facepalm to show her frustration but Shakira won't budge.

"So.." Shakira paused momentarily then placed her hand on Arq's lap.

Naka-imagine siya ng chainsaw para sa maharot na kamay na iyon. Na-imagine niyang pinuputol ang magandang kamay ni Shakira at napakaraming dugo ang tumatalsik sa maganda nitong mukha habang ito'y walang pakundangang sumisigaw.

°Morbid. Hindi ko alam na may pagka-psycho ka pala, Lara.° Animo'y natatakot na sabi ng kanyang ego.

Tumingin si Shakira sa kanya na hindi pa rin nawawala ang pagngisi. "Mabuti naman nakapunta ka, Lara."

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now