Huminto saglit si Arq sa tapat ng guardhouse at binuksan ang bintana ng sasakyan. Nakipagbatian ito sa naroroon na hindi niya malaman kung mga gwardya ba o sundalo sapagkat iba ang suot na uniporme ng mga ito sa tipikal na gwardiya. Napaisip siya kung gaano ka-ekslusibo ang exclusive subdivision na kanilang pinuntahan na pati mga tagapagbantay ay tila hindi basta-basta.

Hindi nagtagal ay huminto sila sa tapat ng isang napakalaking bahay. Sa katunayan ay maihahanlintulad iyon sa mansyon. Napakaganda at mukhang bigtime ang nakatira. Pansin niya, gaya sa La Rivas ay hindi rin uso ang gate roon kahit pa sabihing exclusive subdivision iyon.

Nang bumaba si Arq ay tinanggal niya kaagad ang kanyang seatbelt para sumunod dito. Pero para itong si The Flash sa bilis umikot. Ito na ang nagbukas ng pinto ng sasakyan at hindi na niya natanggihan ang pag-alalay nito sa kanyang pagbaba.

"Thanks." She mumbles.

Ngiti lamang ang naging tugon nito.

Mas nasiguro niyang hindi basta-basta ang mga taong kanyang makakasalamuha lalo nang mapansin ang mga magagarang sasakyang nakahilera sa harapan ng mansyon. Lalong umusbong ang kaba sa kanyang dibdib.

She has been to her friends' houses before. They were all rich but not as rich as what she sees right now.

Naglakad sila papunta sa front door kung saan napansin niya ang malaking tiger door handle. Hindi pa man din iyon nahahawakan ni Arq para kumatok ay bumukas na ang pinto. Iniluwa no'n ang isang lalaking kasing-tangkad ni Arq. Kaswal lang ang suot nito na baka nga pambahay lang para sa mga mayayaman pero ang lakas ng dating— gwapo parang si Yuan.

"Arq!" Pagbati nito sa kanyang kasama atsaka nagkamay ang dalawa. Sa tingin niya ay signature handshake ng grupo. "...I heard about what happened yesterday. Damn, those kòlos are really annoying. They need to learn the difference between fraternity and gangster." Dagdag pa nito.

"Indeed. Are we complete already?" Sabi naman ni Arq o mas nakasanayan ng mga itong tawagin na Arqui.

Naisip niya kung maaari rin ba niyang tawagin sa ganong palayaw si Arq. Hindi kaya ito magagalit?

Tumango 'yong lalaki at kapagkuwa'y siya naman ang binalingan. "Oh, hi, Arq's girlfriend! I'm Darius by the way." Magiliw na pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay.

Lalo lang siyang nahiya sa pahayag nito subalit kinailangan niyang kalmahin ang sarili para makipagkamay. "Lara."

"Welcome to Silver Hawk's burrow." Ngiti nito na ginantihan din niya ng pagngiti. Agad din nitong ibinalik ang atensyon kay kay Arq. "...they're already upstairs. Why don't you take Lara to the entertainment room in the meantime while we're on the meeting?"

Okay lang sa kanya kung saan siya tatambay habang may importanteng ginagawa si Arq kasama ang mga kaibigan nito. Basta ba wala siyang ibang makakasalamuhang tao. Pakiramdam niya kasi'y wala siya sa mood para mag-entertain lalo pa't mga kaibigan ni Arq ang naroroon. Natatakot siyang maging katawa-tawa.

Pero mukha namang malabong ring mangyaring may makakasalamuha siya dahil lahat naman siguro ng mga naroroon ay nagpunta para makipag-meeting.

Napatingin sa kanya si Arq. "You okay with that?"

"Y-yeah. Of course."

"All right. I'll just follow you upstairs." Baling ulit nito kay Darius.

Sinamahan siya ni Arq sa entertaiment room na sinabi ng kaibigan nito. Bumaba pa sila ng hagdan para lang marating iyon. Tila basement man iyon ng mansyon, maganda ang area at pwedeng-pwedeng magpa-party dahil napakalaki. Hindi iyon katulad ng nakakatakot na basement sa mga palabas na napapanood niya.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now