"Talaga bang kailangan mo pang sumama kapag reresbak? Kababae mong tao."

Paglingon sa kanya ni Arq ay nakataas na ang isang sulok ng kilay nito. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi niya. "I'm their Queen, Lara. Keep that in mind." Anito sabay turo pa sa kanyang sentido.

Napalunok siya. Medyo nagiging marahas na naman ito sa kanya. Gaya ng naisip niya kanina, walang magandang patutunguhan ang ganitong pag-uusap nila.

Ngunit tila ayaw namang tumigil ng kanyang bibig. "So, okay lang talaga sa'yo na mapahamak ka para lang sa ikabubuti ng mga miyembro mo?"

°Tigas talaga ng ulo. Tsk!°

"Can't help that I was bestowed with a great responsibility. In fact, when my father got to know about our organization, he tried to take me away from Georgetown. But then, I came back because some infamous shitheads were trying to rule over our well-disciplined organization and slowly making it subversive. And— and that's it." Arq disclosed with a bit of hesitation.

Nabitin man siya sa nais pang sabihin nito hindi na rin naman niya nagawa pang magtanong muli. Ayos na sa kanya ang paliwanag nito kahit papano. Nag-aalala lang siya dahil hindi patas kapag babae ang nakikipaglaban sa lalaki gaano man ito kalakas.

"Ano naman ang sabi ng pinsan mong doktora? May malala ka bang injury?" Pag-iiba niya nang magbalik ang pag-aalala rito.

Umiling-iling ito. "Wala naman pero babalik ako sa dentist ko after three days kasi may nag-crack akong ngipin."

Tiningnan niyang mabuti si Arq. Doon niya nakumpirmang may bakas pa ito sa mukha ng naging away nito kahapon. Siguradong naglagay lang ito ng concealer kaya hindi kapansin-pansin kanina. Pero dahil medyo napagpawisan na ito, lumilitaw na ang nangingitim na bahagi sa bandang panga nito. Napansin rin niyang medyo namamaga iyon.

"Kailangan ko ba talagang sanayin ang sarili ko sa mga pakikipag-away mo?" Nag-aalala niyang tanong.

Tila naman natigilan si Arq sa tanong niyang iyon at matamang tumitig sa kanya.

"Why are you so worried about it, Lara? We're not even a real couple."

°One point goes to Arq! Whew!°

Kung iniisip man nitong wala siyang karapatan, marahil ay tama ito at ang kanyang ego. Gusto niyang i-stapler na lang ang bibig dahil sa pagiging madaldal.

On the other hand, she silently wishes for something that would somehow make Arq consider her emotions. Even though she knows that it's impossible unless they become a real couple.

Regardless, she still can't keep herself from being concerned.

°Concern lang ba talaga? O may iba pang gusto?°

Naiinis siya sa sarili dahil ganito ang nararamdaman niya. Hindi na yata tama. Masyado na siyang nag-aalala kay Arq. Mukhang ibang klaseng pag-aalala na at ayaw niyang mahulog nang husto sa bagay na hindi niya kayang panindigan.

"...unless you want to make it real this time." Tudyo nito.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Alam mo ganito na lang, why don't we make a contract... r-rules and regulations? What do you say?"

Natawa ito. "Contract? Why do we need to do it? Hindi mo ba kayang panindigan 'yong mga salita mo kaya kailangan mo pa ng patunay, or better say, paalala na 'yong ganitong bagay ay hindi naman talaga totoo? C'mon, Lara. That's so old school."

"Hindi naman kasi sa ganon. Gusto ko lang malaman kung hanggang saan lang ba ang pwede kong pakialaman sa'yo and vice versa. Para naman kapag nagkakaroon tayo ng conversation, hindi tayo nagtatalo." Paliwanag niya.

Caught by a Beast [GxG]Where stories live. Discover now