IKALAWANG KABANATA: Mga Detalye

Start from the beginning
                                    

Akmang maghahubad na ng short si Rain kaya mabilis siyang pinigilan ni Xander. “Hindi na, hindi na. Okay na. Basta labhan mo ‘yan ng maigi bago mo ibalik!”

“Oo naman! Teka penge palang plastic, lalagyan ko nitong mga damit ko.”

“Oo na.”

Nang nakatapos na sa pag-aayos ng gamit at sarili si Rain ay bumaba na silang dalawa pero wala na ang mga magulang ni Xander.

“Asan na sila?”

“Si Mommy nagma-majong, si Daddy nagto-tong-its. Ang saya no?”

“O? hindi sila nagtatrabaho? Paano kayo nagkakapera?”

“Ako. Working student.”

“Hala parehas pala tayo eh. Napatalsik ako dun sa isa kong pinagtatrabahuhan kasi palagi daw akong late. Eh malamAng! Nag-aaral din naman ako. Tapos ngayon, saktong wala akong pasok kaya maghahanap sana ko ng trabaho. Kaya lang nanakaw ‘yung bag ko, eh nandun ‘yung resumē ko. Pero okay lang, babalik din naman sakin ‘yun.”

“Ang dami mong kwento, nakakatuwa.”

“Ganun talaga para masaya.”

Papalabas na sana ng gate ang dalawa nang biglang nagtanong si Xander, “Gusto mo ba magtrabaho sa pinagtatrabahuhan ko? May bakante dun, kaya nga lang Janitress.”

“Sige ba! Ayos lang sa’kin! Sanay ako sa gawing bahay! Tara na!”

“Agad-agad? Bukas na lang.”

“O, sige! Pupuntahan kita dito bukas nang maagang-maaga ha? Uulitin ko na lang ‘yung resumē ko.”

“Sige.”

Pinagbuksan ni Xander ng gate si Rain at lumabas na silang dalawa.

“Ay teka lang pala. Sabi mo dati mas malaki pa ‘yung bahay niyo dati kesa dito? Anong nangyari? Bakit kayo lumipat?”

“Paano kung ayokong sabihin say’o? Paano kung ayokong magkwento?”

“Eh’ di ‘wag! Sige uuwi na ko. Babay!”

Parang wala lang na tumalikod si Rain at naglakad palayo. Napangiti na lamang si Xander at hindi nagtagal ay nagsalita rin ito. “Dati kaming mayaman.”

Napalingon sa kanya si Rain at ngumiti. “Magkekwento ka rin pala, pakipot ka pa.”

Muling lumapit sa kanya si Rain at ipinagpatuloy lang niya ang pagkekwento. “Ayun nga, mayaman kami dati. Kaya lang si Daddy biglang naadik sa sugal, tapos nalaman ni Mommy na may babae si Daddy. Ayun, nagkalabuan ‘yung pagsasama nila at naapektuhan ang negosyo namin. Simula nun, bumagsak na kami kaya na-transfer din ako sa Public School at napilitan kaming lumipat dito at napilitan din akong magtrabaho.”

“Ang drama! Hiyang-hiya ang mga teleserye!”

“Sira! Ikaw naman magkwento.”

“Hmm.. Bukas na lang. Magkikita rin naman tayo diba? Dadalhin din kita sa bahay ko at ikaw ang humusga kung ano bang kwento ng buhay ko. Alis na ko ha? Baka hinahanap na rin ako ni Inay.”

“Teka lang. Anong buong pangalan mo?”

“Ako po si Rain Angelica Jewel Santos. Labing Walong taong gulang at nag-aaral ng Culinary Arts sa St. Joseph Academy! Ayun lamang! Paalam!”

Sumaludo pa si Rain kay Xander bago ito umalis. Paatras siyang naglalakad, nakangiti at panay ang kaway.

Nang nakalayo na siya ay napangiti muli si Xander. “Magkaparehas pala kami ng school na pinapasukan. Ibang klaseng babae. Napakalayo ng ugali sa totoong pangalan.”

“Hoy! Anong nginingiti-ngiti mo diyan?”

Napalingon si Xander sa lalaking kumausap sa kanya.

“Kagulat ka naman, Lance.”

Si Lance ang kauna-unahan niyang kaibigan sa lugar na iyon simula nang lumipat sila nang tirahan. Madali silang nagkasundo dahil pareho lang sila ng interes at magkakapit-bahay lang sila.

“Eh para kasing siraulo na ngiti nANg ngiti diyan. Ay teka! Asan na pala si Rain?”

“Ha?”

“Si Rain! ‘Yung nahulog sa manhole. Sabi kasi nila sinamahan mo daw siya eh.”

“Bakit mo siya kilala?”

“Ay naku, Pre! Kung alam mo lang! Kilalang-kilala dito si Rain. Palibhasa kasi bago ka pa lang dito kaya hindi mo alam. Madaming kaibigan ‘yun dito, pwede na nga siyang tumakbong chairwoman eh. Saka bukod pa dun, madaming nagkakagusto sa kanya! Madaming pumapantasya sa kanya!”

“Ha? Paano mangyayari ‘yun? Eh daig pa ang lalaki kung kumilos, napakapilya at saka basta! Hindi siya ‘Yung tipikal na babae.”

“Ayun na nga Pre. Hindi siya ‘yung tipikal na babae kaya madaming nagkakagusto sa kanya. Ibang-iba siya kung ikukumpara mo sa iba, nangingibabaw. Pero kahit na ganun ‘yun, malaki ang respeto sa kanya ng mga tao dito. Napakabait at napakamatulungin kasi.”

“Talaga? Halata naman eh. Saka teka, bakit ka nga pala andito? Saka bakit mo siya hinahanap?”

“Nahuli na kasi ‘yung magnanakaw kaya naibalik na ‘yung bag niya. Eto nga o, dala ko.”

“Paano ‘yan? Nakaalis na siya, pero magkikita pa naman kami bukas.”

“Eh di sa’yo muna, bukas mo na lang ibalik sa kanya.”

“O, sige.”

Umalis na si Lance at pumasok na sa loob ng bahay nila si Xander at nagdere-deretso sa kwarto. Umupo siya sa kama at pinagmasdan ang bag ni Rain.

“Ano kayang laman nito? Bakit sobrang halaga ng bag na ito? Siguro madaming pera dito?”

Kinuha niya ang bag at pinag-isipan kung hahalwatin niya ba o hindi. “Paano kung may bomba pala dito? O kaya pugot na ulo? Paano kung kriminal pala ang babaeng iyon? Naku po!”

Dahil sa mga naisip ay hinalwat ni Xander ang bag ni Rain at laking gulat niya sa mga nakita.

_______________________________________________________

VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED <3

SI RAIN PO, NASA MULTIMEDIA SECTION, SA GILID :)))

When Rain FallsWhere stories live. Discover now