(16)

46 2 1
                                    

"Suwoo! Pahabol, pakibigay naman to kay nayoung." Napataas ang kilay ko kay aries hyung. Seryoso ba tong magkakapatid na to?

"Hoy ano ba kayong mga magkakapatid ha? Bakit mga pinsan ko?!" Napakamot na lang sa anit si aries hyung.

"Basta suwoo sige na. Ikaw naman, ngayon lang hiningan ng pabor." Pinaalis ko na sya sa window ko para makaalis na kami ng girlfriend ko.

Girlfriend ko na sya, maayos na kami ni yoomin kaya wala na ako problema.

At sana wala na talaga.

"Bakit kaya andun si unice noona no?" Tanong ko kay ayanna.

"Di ko alam eh, nagtataka nga rin ako. Nag kaayos na siguro sila o baka something deep." Maissue din tong girlfriend ko eh.

Gabi na nung nakarating kami sa condo namin. Niyaya nya ako kumain sa condo nya muna pero tumanggi ako, masyado na akong pagod, kaninang umaga pa ako nagdadrive.

Nagshower muna ako bago ako nahiga sa kama. Wala na ako problema, so far. Kailangan ko na lang ipaalam sa parents ko na okay na kami ni ayanna. Bukas na bukas din. Leave muna kaming dalawa sa opisina.

Ako ang boss wala sila magagawa.

*ding dong*

Sino naman yun? Nakakainis naman ano? Kung kailan nakahiga ka na eh.

Pumunta ako sa pintuan at binuksan iyon. Nakita ko si yoo min na may dalang maleta.

"Ano ginagawa mo dito..." tanong ko sa kanya habang humihikab.

"Ayaw mo ba ako makita? Makikitulog ako dito." Pinatabi nya ako at pumasok na sya.

"Istorbo ka patulog na ako eh." Tumawa lang sya at iniwan ang maleta sa kusina tyaka sya nagbukas ng pag kain galing ref.

"Kapal nito oh. Bakit ka andito? Anong oras na kaya." Umupo kaming dalawa sa upuan, magkaharap kami ngayon.

"Inamin ko kay dad na nakabuntis ako, ayun, nandun sa bahay nyo, tumakas lang ako." Napakamot na lang ako sa ulo.

"Napagalitan ka ba?" Tumango tango sya.

"Lumayas daw ako, abnormal sya eh, di naman nya bahay." Tawa tawa pa sya habang kumakain.

"Abnormal ka din eh, umalis ka naman." Ngayon ako naman ang tumatawa.

Pareho lang sila mag ama eh, parehong abnormal.

"Sige dito ka muna. Pero bukas aalis ako, punta ako bahay, ipapaalam ko lang kela mama na okay na kami ni ayanna at isasama ko sya." Tumango tango sya at iniwan ko na sya sa sala.

Humiga na ulit ako sa higaan ko at natulog na, bahala na sya maghanap ng hihigaan nya.

Pagkagising ko, nangangamoy sunog ang kusina. Agad ako napatayo.

"Yoo min?! Amoy sunog ang kusina!" Sigaw ko pero wala ako marinig na sagot kay yoo min.

Nakita kong bukas ang pinto ko.

Ano ginawa ni yoomin?!

Chineck ko ang kusina at nakita ko si ayanna at yoo min na pinapatay yung apoy sa oven. Napasapo na lang ako sa noo.

"Ano nangyayari dito?" Unti unting napaharap sa akin ang dalawa at nagsikuhan.

"Kasalanan mo talaga to yoo min. Maiwan ko muna kayo dyan." Umalis na si ayanna, kaya ang naiwan si yoo min.

"E-ewan ko! Hehe." Pinatabi ko sya at ako na lang ang nagluto.
"Ano nangyari sa oven?"

"Nilagay ko yung itlog sa pan, tapos nilagay ko sa oven, tapos naligo muna ako pagkabalik ko ayan na. Sorry na dude." Napailing na lang ako.

I'm The Little Evil Man's SonWhere stories live. Discover now