22

91 4 0
                                    

Pagkatapos ng bakasyon namin, bumalik na si ayanna sa trabaho sa music store na yun. Full time pa nga kasi summer kaya hatid sundo ko sya parati. Shempre no, kailangan bantayan ko ang girlfriend ko. Baka may ahas na umaligid at tuklawin na lang sya sa akin.

Nasa isang fast food chain ako, across lang sa music store na pinagtatrabauhan ni ayanna. Hindi naman sa naghihigpit ako, i just want to keep an eye on her.
Nagvibrate ang cellphone ko ag chineck kung sino ang nag text. Si eomma lang pala. Pinapauwi ako. Bakit kaya?

Babalikan ko na lang si ayanna mamaya.

Lumabas na ako ng fast food chain at sumakay sa sasakyan ko para makauwi na.

Pagkauwi ko, pinark ko na sa garage yung sasakyan ko at pumasok sa back door ng kusina. Naabutan ko naman si eomma dun.

"Eomma bakit nyo ko pinapauwi?" Humarap sya sakin.

"Andun sa sala ang appa mo anak may ipapakilala sayo." Napakunot naman ang noo ko at pumunta sa sala. Nakita ko pang natatawa si appa sa kasama nya. Dalawa sila. Sino sila?

"Appa?" Tawag ko sa kanya. Humarap sya sa akin at pinaupo ako sa tabi nya.

"This is my son, suwoo. And suwoo, this is mr. Fajardo and his daughter galadriel." Napakunot naman ang noo kay appa.

"So?" Sagot ko sa kanya. Nabatukan naman ako. Aba't-...

"Don't "so" me. you will tour galadriel around the city since she will be staying with us dahil iiwan sya ng parents nya dito. Since palabas labas ka this past few days, siguro naman magagawa mo pinapagawa ko?" Napakamot naman ako ng noo.
"Eh appa shempre hatid sundo ko si ayanna." Napansin ko naman napatakip ng bibig yung babae. Psh.

"You have a girlfriend?" Tumayo ako at nagbow na sa kanila. Bakit gulat sya? Type nya siguro ako. At ano bang pake nya di ko naman sya kilala bukod sa pangalan nya shempre.

Umakyat ako sa kwarto ko at bago ko buksan ang pinto napansin kong may maleta na sa tabi ng kwarto ni yoo min, geez ano bang plano ng mga magulang ko? Foster home?

Naparolyo na lang ang mata ko at tuluyan nang binuksan ang pinto at isinara yun. Shempre ilalock ko yun at baka basta na lang pumasok yung babaeng yun.

Pwera kay ayanna, shempre girlfriend ko si ayanna at mahal ko yun, yung babae sa baba ay nakakainis. May pakiramdam ako sa kanya na hindi maganda. Parang masama.

Basta ganun!

Kinuha ko ang cellphone ko para itext si ayanna na mamaya na lang ako babalik dun sa music store. Buti di nasasakal si ayanna sakin. Pwede na din tong wag muna tumambay ngayon dun nang makahinga naman sya ng kahit konti.

May kumatok sa pinto ko. Pinagbuksan ko naman yun at yung babaeng mahadera ang nasa harap ko. Tinaasan ko sya ng kilay. Magbakla baklaan muna ako ngayon.

"O ano kailangan mo?" Inipit ko ang boses ko. Geez, kung nakikita lang to ni yoo min, pagtatawanan nya ako.

Buti wala.

"A-ah eh, hindi ko kasi alam kung saan yung room ko." Napasapo na lang ako sa noo ko. Di nya ba nakita na may maleta dun sa tapat ng pinto sa kabila?

"Ayun lang oh. Di mo pa nakita?" Tinuro ko sa kanya ang pinto ng kwarto nya. Kailangan pa ako katukin.

"Pwede ba tigilan mo yang pagbabakla baklaan mo?" Naparolyo na lang ang mata ko at sinaraduhan sya ng pinto. Bahala sya sa buhay nya.

Gagawin kong miserable ang pagste-stay nya dito.

Lumabas na ako ng kwarto ko para puntahan si eomma sa kusina. Makikipag kwentuhan muna ako sa kanya.

"Eomma" nagsalita ako sa likod nya kaya naman nagulat sya.

"Ano ka ba namang bata ka!" Sigaw nya sa akin. Natawa na lang ako. Kahit kailan talaga si eomma magugulatin.

"Asan si ayanna?" Tanong ni eomma.

"Nasa trabaho." Kumuha ako ng apple sa counter at kumagat dun.

"Ikaw? Bakit hindi ka magtrabaho para nasasamahan mo girlfriend mo?" Aba! Magandang ideya yun! Kaya lang kasi..

Tamad ako. Likas na tamad. Baka matulog lang ako sa oras ng trabaho.

"Nako suwoo. Magtrabaho ka nga." Sermon ni eomma sa akin.

"Ne" at tuluyan nang inubos ang apple.

dumating na ang hapon at out na ni ayanna. Kailangan ko na sya sunduin kaya naman nasa tapat na ako ng fast food chain at tatawid na lang ako para masundo si ayanna.

Lumabas na ako ng fast food chain at tumawid na. Sinalubong naman ako ng yakap ni ayanna.

"Uwi na tayo" yaya ko sa kanya pero pinigilan nya ako.

"Kakasweldo ko lang gusto ko sana ilibre ka.." hinawakan ko ang kamay nya.

"Baby, keep it." At hinalikan ko sya sa noo.

"Let's go?" At tumango tango na sya.

Pinagbuksan ko sya ng pinto at pumasok na sya. O ano? Idol nyo na naman ako? Gentleman ako. Ano ha ano.

Ano ngayon ang oppa nyo na gusto din oppa?

Hinatid ko na sya sa bahay nya at umuwi na sa amin. Ayoko itour yung impktang namamahay sa bahah namin. Baka magselos ayanna ko.

Nagulat ako dahil pagbukas ko ng pinto andun na si yoomin sa kama ko.

"YOO MIIIIIN!!!!!" Sigaw ko at dinaganan sya.

"Ano ba suwoo!" Taboy nya sa akin.

"Nababakla ka na naman" sabi nya nang matanggal nya ako sa kanya.

"Nagouting kami sa rest house nyo." Sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata nya.

"BAKIT DI NYO KO HINANTAY! PAGKAKARINIG KO NAKABASAG DAW KAYO HA!" inalog alog nya pa ako at tinulak ko sya.

"Oo babayaran naman namin ni sung oh yun" sabi ko naman sa kanya at naginh masama ang timpla ng mood ko.

"Balita ko nag away kayo ha?"

"Wala yun. Ang chismoso mo eh no." At umalis na sa kama at pumunta sa la mesa ko para buksan ang laptop at ichat si ayanna.

"Sino yung nandun sa katabing kwarto ko?" Nagkibit balikat na lang ako. Wala ako pake dun.

"Sino nga..." pilit nya pa kaya nainis ako.

"Edi itanong mo sa kanya mismo! Ang kulit mo! Dun ka na nga mag uusap kami ni ayanna." Napairap naman ako sa kanya at pilit nya pang tinitignan ang convo namin ni ayanna.

"Ano ba! Dun ka na nga" tinulak ko naman sya.

"Bading!" Sigaw nya sabay labas sa kwarto ko. Kahit kailan talaga.

I'm The Little Evil Man's SonWhere stories live. Discover now