26

92 4 0
                                    

Nakasandal sa balikat ko si ayanna habang nakaakbay ako sa kanya habang tulog na tulog sya. Kanina pa kami sumisigaw pero wala talaga eh.

Pinahiram ko sa kanya jacket ko dahil malamig lamig na din ang gabi.

Peste naman! Ipapagawa ko tong pinto na to bukas na bukas din!

Nakarinig ako ng mga susi at bumukas na ang pinto. Napatayo naman ako at nagising na si ayanna. Yung manager pala andito na.

"Nako ilang beses ko ba sinabi sayo ayanna na wag isasara tong storage room?!" Galit na sigaw nung manager.

"Ako po nagsara. Di ko po kasi alam." Nagsorry naman ako sa manager at pinauwi muna kami ni ayanna.

"Hatid na kita sa inyo ayanna." Offer ko sa kanya pero umiling sya. Bakit?

"Magkikita kami nila da yen at in jeo ngayon kaya hindi kita masasabayan. Sorry. Ingat ka ha" at umalis na sya. Wala man lang good bye kiss.

"Okay bye" at sumakay na ako sa sasakyan. Something's not right i can feel it. I really can. Sundan ko kaya sya? No no. I look like a stalker. Maybe i am.

Inistart ko na ang engine at sinundan si ayanna. Stalker ninja mode on! Di ko to gawain pero kailangan kasi para talagang may hindi tama.

Nakita kong sumakay sya ng bus. Malapit lang ang mall dito at walking distance lang yun. Bakit kailangan nya mag bus? Teka wala naman syang sinabi na kikitain nya yung mga kaibigan nya sa mall. Tanga ka talaga suwoo.

Sinundan ko ang bus hanggang sa huminto ito sa isang bus stop na kung saan malayo layo na sa city namin. I want to text her but it will blow my cover. Ay yes spy kunyari.

Bumaba sya at naglakad sa parang isang eskinita. Maayos naman ang eskinita na iyon at puro lumang bahay ang nandun. Pinatay ko ang makina ng sasakyan at bumaba para sundan sya.

Ano kaya gagawin ni ayanna dito? Bakit dito pa? Ang layo na nito ah! Tapos di man lang nya sinasabi sa akin?

I could give her a ride.

Pumasok sya sa isang bahay, lumang luma na ito at halatang hindi na naaalagaan ng maayos.

Pumasok din ako para sundan sya.

"Sung oh?!" Tawag ni ayanna sa paligid. Kaya pala parang may hindi tama! Magkikita sila ni sung oh! Eh bakit hindi nya sinabi sakin?!

Nagagalit na naman ako.

"Sung oh andito na ako ano na gagawin natin?!" Sigaw nya ulit.

"Nasa taas ako ayanna!" Sigaw ng hinayupak mula sa taas. Umakyat si ayanna at oras ko na para umakyat din, nang tahimik shempre.

Nagtago ako sa isang likod ng pintuan dahil nasa isang silid sila, nag pipintura lang pala.

"Pasensya ka na talaga ayanna. Alam ko namang ikaw lang yung papayag na tulungan ako dahil yung mga ugok alam mo naman yun mga tamad." Nakita kong ngumiti si ayanna sa kanya. Abat! Lagot ka sakin sung oh!

"Para saan ba kasi at inaayos mo to?" Tanong ni ayanna.

"Dito na ako lilipat. Ancestral house namin. Para di na ako makagulo sa inyo ni suwoo. Kahit naman na gusto kita tropa ko padin si suwoo. Bros before hoes nga eh. But i dont really refer you as a hoe ayanna. " ay wow. Ganun? Sabagay, it's a boy's rule. It's our rule. I'm glad na nagising si kumag.

"Well buti na lang sinundan ko si ayanna. Kumag ka talaga!" Bigla na lang ako lumabas sa pinagtataguan ko at sinuntok si sung oh ng mahina sa braso.

"Aray! Kaya pala naaamoy ko baho mo!" Niyakap naman nya ako at tinap ko ang likod nya. Aba bading ata to sakin eh.

"S-suwoo.. sorry di ko sinabi yung totoo baka kasi magalit ka.." kiniss ko ang cheeks ni ayanna.

"It's fine. Okay na nga eh. Dadrama ka na naman." At tinawanan kami ni sung oh.

"Marami pa namang babae dyan sung oh. Malay mo dito mo pala makita yung one and only bebe mo pakilala mo samin ha!" Napangisi si sung oh.

"Ayoko nga. Aasarin nyo lang ako eh. Tutal andito ka naman tulungan mo na ako!" Binato nya ako ng painting materials at wala na ako nagawa kundi tulungan sya.

"Pasalamat ka talaga. Nako." At sinimulan ko na magpintura. Nagkakatinginan kami ni ayanna minsan habang may ginagawa.

Nang matapos namin ang isang kwarto, lumipat naman kami sa isa pa. Marami rami tong kwarto.

"Sung oh marami pa ba?" Napaisip naman sya.

"Yung isa lang muna siguro. Magpahinga muna tayo" sabi nya sa amin at niligpit ang pinag gamitan namin.

Kailangan palang umuwi muna ni ayanna at baka nag aalala yung mga magulang nya.

"Ayanna di ka pa ba uuwi?" Umiling naman sya.

"Oo nga pala ano nangyari sa inyo kahapon?" Tanong ni sung oh.

"Natrap kami sa storage room."simpleng sagot ko di ko na sinabi kung bakit kami na trap.

"Ah ganun ba."  inabutan ako ni ayanna ng tinapay na syang kinain ko na din agad dahil gutom na ako.

"Why not stay here for the night?" Tanong ni sung oh.

"We cant. Di pa kami nakakauwi sa mga bahay namin. Next time na lang? Sorry sung oh." Sabi ni ayanna. Wala na nagawa si sung oh.

Maya maya nagpaalam na kami kay sung oh para umuwi na. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Di naman ako galit sa kanya kahit di sya nagpaalam sa akin.

Kanina lang yun.

"Suwoo sorry talaga." Tumango tango lang ako sa kanya.

"It's fine. Wag mo na alalahanin yun okay?" Hinawakan ko ang kamay nya.

Maya maya nakatulog na din sya sa pagod. Buti na lang malapit na kami sa bahay nila kaya ibinilin ko na sa mga kuya nya na buhatin na lang sya papasok sa bahay nila dahil ayoko gambalain tulog nya.

Sinabi ko naman ang dahilan kung bakit ngayon ko lang sya inuwi. Mukhang di sila convinced at first pero napatunayan ko yun nung tinawagan ko yung manager.

Ipapagawa ko pala yung lesheng pintuan na yun. Baka matrap si ayanna na mag isa lang sya di ako kasama.

Nang umuwi ako sinapak ako ni yoo min sa balikat.

"San ka galing? Aba isang araw ka nang di nauwi?!" Parang nanay naman tong si yoo min.

"Chill! Mahabang kwento! Basta ang importante andito na ako tyaka ayos na kami ni ayanna pre. "  pinat naman nya ang balikat ko.

"Mabuti naman kung ganun. Mababaliw na ako kung di ka pa uuwi ngayon. Ayokong kasama yung galadriel na yun sa bahay na to." That girl. I have to deal with her.

"Papalayasin natin yan pre. Kung ano ginawa ko kay ayanna gagawin ko sa kanya. Basta wag ka maaawa!" Binatukan naman nya ako.

"Oo na oo na!"

I'm The Little Evil Man's SonWhere stories live. Discover now