4

252 12 1
                                    

Monday na naman at ako na mismo ang gumising kay yoo min na kinagulat nya.

"Yung totoo suwoo? Ano nakain mo?" Ayos na sya ngayon habang hinahantay ko sya sa loob ng sasakyan.

"Wala naman. Excited lang pumasok." Tumingin sya sa akin na may halong paghihinala bago tuluyang isara ang sasakyan.

Binilisan ko ang pagdadrive. Ayoko malate. Ayoko maabutan nya ako, wait scratch that, gusto ko maabutan nyang pinupuno ko locker nya ng mga warning stickers ko.

Inabot ko kay yoo min ang papel at marker.

"Isulat mo dyan "you will be dead" ha? I-bold mo yung dead." utos ko sa kanya. Magtatanong pa sana sya pero sinunod nya din naman ako.

Nakapasok na kami sa parking lot at agad ko na syang iniwan.

Dumiretcho ako sa locker room na hawak na ang sticker at nakadikit na dun ang papel.

Nahanap ko naman ang locker nya, may mga pangalan kasi, at tinadtad ko na ng mga warning stickers ko.

Tama to. Ibully mo sya nang umalis na sya dito at di na sya gugulo sa utak mo suwoo.

Agad naman na ako pumasok pagkatapos ko tadtadin yung locker nya.

Umupo ako sa upuan ko na para bang walang nangyari. Tinitigan ko sya habang nakaharap sya sa blackboard.

Just wait sa lunch break. paniguradong magwawala ka pag nalaman mong ako ang naglagay nyan. sabagay, what are you going to do about it huh? ayanna?

"o bat ang laki ng ngiti mo dyan ha? alam mo nung linggo ka pa, kakaiba kinikilos. simula talaga na pumasok si ayanna dito eh ganyan ka na." napairap na lang ako sa kanya. masama ba ngumiti? porket ba wala akong sinasabi sa kanya na nakakatuwa eh dapat nakasimangot na ako? ganun ba yun?

pumasok na ang teacher namin at saktong napatingin sa gawi ko si ayanna. nawala ang ngiti nya sa akin, naalala nya siguro yung dinikitan ko sya sa noo nung sticker.

excited na tuloy ako mag lunch break para makita kang nadidismaya o naiinis tapos umalis ka na dito!

nakinig lang ako sa mga teachers ko attentively. shempre, hindi talaga ako ginaganahan ngayon, sadyang masaya lang.

dumating na ang inaasahan kong oras, ang lunch break. ang inaabangan ko. nagpaiwan ako sa classroom kahit na niyayaya na ako ni yoo min mag lunch kasama nung mga ugok. balak ko pa kasi silipin yung sa locker room, hahahaha.

"ano ba suwoo tara na! alam mo namang di kakain yung mga yun kapag wala ka. pabebe ka ba?"napairap na lang ako sa kakulitan ni yoo min kaya sumama na ako.

sakto madadaanan namin yung locker room kaya lumapad na naman ang mga ngiti ko. nawiwirduhan na sa akin si yoo min pero wala akong pake. masaya ako.

nakarinig kami ng tili kaya agad ako sumilip sa locker room to find na si ayanna ang sumigaw at pilit na pinagpupunit ng mga stickers na nilagay ko. napahalkhak ako ng mahina.

"huy pakana mo to no? "siko sakin ni yoo min.

"ano naman ngayon? gusto ko na umalis yan dito. basta may dahilan ako bawal ishare."umalis na kami sa lugar na yun na may ngiting tagumpay sa mga labi ko.

nakarating na kami sa canteen, nakapwesto na ang mga ugok dun at kami na lang ang kulang. lumapit kami sa kanila.

"o, tara na kain na tayo."yaya ko sa kanila. pansin ko wala pa palang pagkain sa la mesa.

"sino tatayo para bumili ng pagkain."tanong ni rowoon.

lahat sila napatingin sa amin ni yoo min. napasapo na lang sa noo si yoo min. alam na nya ang ibig sabihin ng mga tingin nila.

"kung sino ang nahuli" sabay sabay nilang sabi kaya naman tatayo na sana ako kaya lang..

"HOY!"sigaw ng isang babae mula sa likod ko pero di ko pinansin dahil di naman ako ang tinatawag nun.

naramdaman kong may bumato sa likod ko. agad ko kinapa iyon at yung mga stickers na dinikit ko sa locker nya. aba. sinusubukan ako.

agad ako napaharap sa harap kanya, kay ayanna na mukhang galit na galit.

"ano ba ginawa ko sayo ha?! bakit mo to ginagawa sakin?! nung linggo ka pa ha!"napangisi na lang ako at idinikit sa kanya yung binato nya sa akin. sa mukha para mas nakakainsulto.

"gusto ko umalis ka dito sa neoz school. di ka bagay dito."matalim ko syang tinitigan bago umalis.

"consider that as your third warning ayanna!"sigaw ko mula sa kalayuan.

--------------------------------------------------------------------------------------------

"suwoo, nabalitaan ko kay yoo min na ang ganda ng mood mo today"bati ni eomma sakin habang nasa hapag kainan kami nila yoo min at appa.

"ah eh....maganda lang talaga araw ko eomma"sabi ko.

"ang sabihin mo may nagaptripan ka."bulong ni yoo min

"what yoo min?"tanong ni appa kay yoo min. tinignan ko ng masama si yoomin at ngumiti kay appa.

"nothing appa. it's nothing." sagot ko kay appa. nagkatinginan kami ni yoo min at sinamaan ko sya ng tingin. lintek to magsusumbong pa.

"okay then, by the way i invited your cousin over here tyaka yung mga tito and tita mo kasi it's yoo min's birthday on wednesday. your cousins will stay here tonight. please wag kayo mag aaway."not, today. nasira ang mood ko.

"can you please invite dawon too?" i pleaded. di pwedeng wala si dawon.

"no we can't sa wednesday na talaga sila pupunta dito"sagot ni eomma.

"but eomma, sino pupunta?"

"cousins mo plus soonie."

"but why can't dawon stay here but soonie can?"

"kiddo wednesday na nga lang diba?"kiddo padin tawag sakin. i just hate it na puro girls ang mga cousins ko tapos onti lang ang boys.

maya maya dumating na sila. alam ko yon dahil umingay sa sala. sumilip sila sa dinning area kung asan kami at nagsipuntahan ang mga girls dun at nakipag bro fist sa amin ni yoo min si zhu tzu, juyien hyung, byunhui tyaka asher.

andito na naman si ate miwoo. nagsawa na agad ako sa pagmumukha nya eh sorry na. shempre kasama na naman nya yung bestfriend nyang pinsan namin na si unice noona. habang si sana at si nayoung nananahimik sa gilid katulad ni soonie.

"di you eat na ba kids?"eomma, we are not kids anymore.

"ne!"sigaw nila. umakyat na kami ni yoo min kasama sila zhu tzu. shempre sa iisang kwarto lang kami, sa kwarto ko.

"it's been a long time since nakita ko kayo ah"sabi ni juyien hyung.

"oo nga eh hyung."narinig namin ang tilian dun sa girl's room. ang aarte. well pwera kay nayoung, wala naman lagi ekspresyon yun eh.

"laro tayo sa court ngayon?"yaya ni byun hui at lahat kami pumayag.

"tara!"

I'm The Little Evil Man's SonМесто, где живут истории. Откройте их для себя