20

108 2 1
                                    

Hinayaan ko muna si ayanna makipaghalubilo sa mga pinsan kong babae. Mukhang magkakasundo naman na sila kaya wala akong problema. Pwera dun sa sung oh na yun.

Nasa may sand lang ako nakaupo habang pinapanood sila. Mamaya na ako magswiswimming. Buti pa yung ibang lalaking kasama namin nakakapagtopless pwera sa akin.

Di ko alam, insecure ako kasi payat ako? May abs kaya ako. Ah ewan basta. Baka pagnasaan ako ng girlfriend ko.

"O bakit nag iisa ka dito?" Tanong ni yang sa akin. Kanina nasa dagat to ah? Ambilis naman ata.

"Wala naman. Wala pa ako sa mood mag swimming." Sabi ko sa kanya.

Maya maya dumating ang mga ugok at sinira ang tshirt ko. Mga walanghiya.

"BAKIT NYO SINIRA TSHIRT KOOO!" nagtawanan naman sila at sabay sabay nila akong binuhat at inihagis sa dagat.

Sabi ko na pagtitripan ako ng mga walanghiya. Umahon na ako pagkatapos sinabuyan sila ng tubig.

"Hala suwoo pikon!" Inismiran ko lang sila at umalis na sa tubig.

"Holy-- dude! You got abs?!" Sabay sabay na tanong ng mga to. Napanganga na lang sila ate miwoo at tinakpan ang mata ni ayanna.

"Oo naman!" Ano akala nila sa akin walang abs?!

Nakakita ako ng twalya. Nakita ko to dito nagpupunas ng mukha si asher kanina hihiramin ko muna. ibinalot ko iyon sa katawan ko pero pilit na nakikipag agawan ang mga sira sa akin. ano ba problema ng mga to at gusto ako hubaran?!

"nababakla na ba kayo at gusto nyo ako hubaran?!" sigaw ko sa kanila. natawa naman sila hanggang sa tuluyan na nila natanggal sa akin ang twalya.

"hindi suwoo, isasali lang namin kayo ni sung oh dun sa contest na "who's the hottest" sa kabilang station, tutal kayong dalawa lang naman ang mapipilit namin eh sige na. tyaka isa pa alam mo ba kung magkano prize? 20,000! kasya na tayo dun! pang pagkain nga lang." sabi ni yang. sarap nilang sakalin ngayon.

"at kayo lang ni sung oh yung may alam nyo yon, kapal ng mukha." singit naman ni dawon. kung andito lang talaga si yoo min.

"tse! ewan ko sa inyo! edi kayo ang sumali dyan! basta ayoko! no no no!" tatalikod na sana ako pero nabuhat na nila ako papunta sa kabilang station. pwede naman si byuhui ah? mas may abs pa nga sakin yun eh.

takot na lang nila hawakan si byuhui. malaki pa sakin yun eh.

"ibaba nyo ko! sasakalin ko kayo!"sabi ko sa kanila. asan na ba mga pinsan ko kung kelan kailangan ko sila?!

"andito na tayoooo!" ibinato nila ako dun sa isang babae na maganda but i don't mind. mas maganda padin ang ayanna ko, wala nang iba pa.

 mas maganda padin ang ayanna ko, wala nang iba pa

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

"ouch. ano ba problema nyo." masungit na tanong nya sa amin, lalo na sa mga kaibigan kong nakanganga lang sa kanya. who wouldn't? eh maganda nga sya sabi ko nga, may S line, hindi ako manyak ha. sila lex lang yun.

"sorry miss pagpasensyahan mo na yung mga ugok ha? nagkamali lang kami ng napuntahan, babalik na kami." tumalikod na ako sa kanya ngunit tinapik nya yung balikat ko kaya naman napaharap sya sa akin.

"sasali kayo contest? o ikaw?"umiling ako at tinulak na pabalik yung mga kasama kong nakanganga padin sa kanya.

hay kahit kailan naman talaga tong mga to.

nang makalayo kami, dun na sila natauhan na di ako sumali at nalinlang sila nung babae. salamat ate.

"woah ang hot nya!"sigaw ni seungyeun.

"dude bakit naman agad tayo umalis dun di ko pa nga nahihingi contact number nun."reklamo ni hwi young. ang lalandi.

"okay lang yan mga pare, andyan pa si sung oh para makabalik tayo dun. isasali natin sya. KJ kasi nitong suwoo na to eh. sige na bumalik ka na sa ayanna mo!"tinulak naman nila ako at tumakbo na sila pabalik dun. hay kahit kailan talaga.

naglakad ako mag isa para bumalik na dun kay ayanna. lumapit naman agad ako sa kanya nang makarating ako at niyakap sya.

"kung maglalandian lang kayo wag sa harap namin."tinakpan ni miwoo noona at unice noona ang mata ni nayoung at sana.

"inggit lang kayo." sagot ko sa kanila. napaharap naman sa akin si ayannapero bigla na lang sya tumili at tinakpan ang mata.

"hala bakit baby?!"may humagis ng twalya sa uluhan ko. si juyien hyung.

"takpan mo katawan mo, ayaw ni ayanna ng ganyan."dagdag pa ni adrian hyung kaya naman itinapis ko iyon sa katawan ko.

"okay na baby. better?"unti unti nyang tinanggal ang mga palad sa mata nya at ngumiti.

"better." ano problema nito sa topless? eh halos nakabalandra na nga mga katawan ng pinsan at mga ugok kasama mga kuya nya tapos ako hindi nya kaya makitang ganun? ang hot ko talaga. ngayon alam ko na weakness ng girlfriend ko.

maya maya umuwi na din ang mga ugok, magdidilim na kasi, nasa loob na kami at nagpapahinga na. mga halatang pagod at nanlulumo.

"o ano nangyari?"ngumisi ako sa kanila.

"talo si sung oh. IKAW KASI DAPAT YUN EH! tyaka hinahanap ka nung babae kanina! ikaw pala ang type kainis. pinahirapan pa kami nun! edi ikaw na gwapo." panghihimutok ni chani at umakyat na sila. kinalabit naman ako ni ayanna.

"sino yung babae na sinasabi nila?" nakita ko pang napahinto ang mga ugok hinahantay ang sagot ko.

"ah yun ba? kanina kasi ibinato nila ako dun sa babae, balak nila ako isali dun sa contest sa kabilang station. eh napanganga naman sila kaya kinuha ko na ang chance na umalis at wag na sumali." paliwanag ko naman sa kanya. biglang sumama ang tingin nya sa mga ugok.

"mag uusap tayo sa labas ngayon na."sabi nya sabay lumabas. napatingin ako sa mga ugok.

"hala kayooo!" inasar ko naman sila at mga halatang takot.

"kayo kasi eh."

"sino ba nakakita nun? ikaw kaya?"

"eh bakit pinilit nyo pa"

nagsisisihan pa eh pare pareho namang may kasalanan. isa isa silang lumabas para kitain si ayanna at pinakahuli ay si sung oh. diba dapat nangunguna sya dahil patay na patay naman sya sa girlfriend ko.

"may malalaman si ayanna suwoo."ngumisi sya at pagkatapos nun lumabas na. ano pa ba dapat alamin ni ayanna eh inamin ko naman na sa kanya ang lahat?

ano pa ba gusto ni sung oh?

I'm The Little Evil Man's SonUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum