11

155 9 0
                                    

Pasingit ha. Natuwa kasi ako sa pagkakaedit ko kay gyu /since ngayon ko lang nakilala si picsart/ sorry kakalabas ko lang ng bundok tralala. AJUJUJU ayon. Sige.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Sinumbong ako ni yoo min na may girlfriend na ako kay eomma at appa. Minsan gusto ko na talaga sya suntukin eh.

Ngayon, pinapayaya nila sa akin si ayanna na pumunta dito. Shempre ang eomma tuwang tuwa.

Paano pag nalaman nilang sya yung binully ko nung nakaraan? Panigurado babatukan nila ako.

Tinawagan ko si ayanna para ipaalam sa kanya na susunduin ko sya at mag ayos na agad sya. Dahil na din sa nalaman nila appa na may girlfriend na ako, ibinalik ang sasakyan ko. Buti naman.

Pumayag naman sya kaya maya maya susunduin ko na sya.

Nakahiga padin ako sa kama habang nilalaro yung bola sa mga kamay ko.

Para sakin, si ayanna ang bolang ito. Pinapaikot ko sya sa kamay ko. Bibitawan ko sya pag sawa na ako.

I mean pag gusto ko na sya alisin sa buhay ko.

"Ang lalim ng iniisip mo ah?" Puna ni yoo min. Nakasandal sya sa door frame ng kwarto.

"Wala lang to wag mo ako pansinin" sabi ko sa kanya. Lumakad sya papunta sa kama at umupo.

"Alam mo, wala namang masamang umamin ka na lang na meron din kahit papaano nararamdaman ka para kay ayanna." Ito na naman tayo sa usaping ito.

"Wag mo na ipilit yoo min. Di mangyayari yun." Bumangon ako at itinabi na ang bola. Kailangan ko na sunduin si ayanna.

"Ikaw din. Malay mo isang araw magising ka na lang marealize mo na di mo kaya na wala si ayanna." Kinuha ko na ang jacket ko at ang car keys ko.

"Dami mong alam. Una na ako." At lumabas na ng kwarto.

Nagpaalam na ako kay eomma na susunduin ko na si ayanna.

Para akong tanga diba. Tatlong kanto lang layo sa amin ni ayanna naka kotse pa ako. Ayoko na kasi maglakad. Tyaka para akalain ni ayanna na malayo bahay namin.

nang marating ko yung tapat ng bahay ni ayanna nag text ako sa kanya na lumabas na. Nakita ko syang lumabas na agad at hinahanap hanap ako.

Bumaba ako ng sasakyan para pagbuksan sya ng pinto. That's the best way to make the girls fall for you, be a gentleman.

"Hi ayanna." bati ko sa kanya. Ngumiti naman sya sa akin at sumakay na sa sasakyan. Isinara ko na ang pinto at lumipat naman ako sa driver's seat para makaalis na.

"Sayo tong sasakyan? Di kasi kita nakikitang nagmamaneho" tanong nya. Tumango tango naman ako. Di ba obvious na akin to. Ano ba pinapalabas nito?

"Niyaya kita ngayon kasi gusto ka makilala ng mga magulang ko." Sabi ko sa kanya sabay ngumiti ng pilit.

"Hala bakit di mo sinabi? Sana nakapag handa man lang ako." Sabi ni ayanna. Tama yan para di ka nila tanggapin muwahahhaa.

"It's fine. Ikaw lang gusto nila makita." Pag aassure ko sa kanya.

Shempre agad naman kami nakarating. Saglit lang kami no. Parang pinatikim ko lang yung balat nya ng aircon.

Bumaba na kami at hinawakan ko sya sa balikat. Kahit labag sa loob ko ginawa ko. Para realistic.

Sinalubong kami ni eomma at appa kasama si yoo min.

"Nakatira dito si yoo min?"
"Mahabang kwento. Pasok na tayo sa loob." Yaya ko sa kanila habang nakayakap pa si eomma kay ayanna.

"Babe that's enough hugging. You dont hug me like that" sabi ni appa. Ayan na naman sila.

"Manahimik ka dyan jihoon."
Pumunta kami sa dinning room. Shempre katabi ko si ayanna at hindi si yoo min. Nakita ko pang ngumingisi na mapang asar sakin si yoo min. Kahit kailan naman talaga oh.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko. Message galing sa katapat ko ngayon.

"Mukhang sumeseryoso na ahhh~"

Lakas mang asar. Sumama ang tingin ko sa kanya at agad ko tinap ang 'reply' button.

"Gago! Mang asar ka pa sasabihin ko din kay uncle yoongi na lumalandi ka din dito sa pinas!" at sinend ko sa kanya yang message ba yan. Aba ako pa aasarin mo ah.

Hindi naman kasi ako seryoso pinagpipilitan pa nya.

"Tara kumain na tayo ano? Marami rami pa tayo pag uusapan ayanna. Nakakatuwa naman at nakilala ka ng anak ko. " sabi ni eomma. Ako hindi natutuwa. Gustong gusto ko umirap pero di ko magawa.

Puro pagkwekwento ang ginawa ni eomma kay ayanna. Shempre yung mga nakakatawang experiences ko like kagaya ni appa nastuck ako sa ibabaw ng lababo at di na makababa. Tawa lang ng tawa si ayanna habang ako nakatungo na kagaya ni appa.

"Enough eomma. Nakakahiya." Sabi ko kay eomma.

"That's not embarassing! That's funny!" Napailing na lang ako.

"Eomma!!! Hajimaaaa!" Reklamo ko. nakakainis kasi.

"Okay okay i'll stop. Sige na pumunta na kayo sa sala. Ayanna dear help mo naman ako" tumayo kami at naiwan si ayanna sa dinning room kasama si eomma.

Nasa sala kaming tatlo ni appa at yoo min.

"Son, your halmeoni told your mom stuffs like that so i know what you feel. That was" tinuloy ko ang sinabi ni appa.

"Embarassing." Narinig ko ang malakas na tawanan ni eomma at ni ayanna.

"Sigurado ka bang itutuloy mo pa tong plano mo suwoo? You could just forget the plan and start being serious with ayanna." Bulong ni yoo min.

"Itutuloy ko to. bahala na." Sabi ko sa kanya kasabay ng pagdating ng dalawa.

Eomma seems to like her as well as appa.tumayo ako para kuhain ang kamay nya

"Alis muna kami eomma appa." At lumabas na kami ng bahay.

"Saan tayo?"

"Sa park"

I have to get her to say she loves me.

Pumunta kami sa park, di naman kalayuan dito kaya naglakad na lang kami. Hawak ko ang kamay nya habang masaya syang nagkwekwento sakin.

Ayoko mahalin ka ayanna. Hindi kita mahal. Gusto lang kita pero di kita magagawang mahalin.

Di ko kaya. I think?

Umupo kami sa isang bench at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Suwoo. Thank you for being serious with me." Sorry ayanna. I just like you.

"Ayanna. Do you love me?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at hinawakan ang pisngi ko sabay humalik sya sa akin.

Wait. Bakit parang may paru paro sa tyan ko. Bakit ganito. Bakit lumalakas tibok ng puso ko. Bakit pumipikit ako? Bakit niyayakap ko sya? Ano ba nangyayari sakin?!

This is crazy!

Bumitaw sya sa akin pero nakayakap padin ako sa kanya.

"I love you suwoo. I really do."

I'm The Little Evil Man's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon