(10)

72 2 2
                                    

Lumapit si ayanna sa akin at tinulungan akong tumayo. Ang sakit ng likod ko dahil kay yoo min!

"Ano ba ginagawa mo dito yoo min! Nag usap na tayo ah!" Sigaw ni ayanna at sinara ang pinto ng condo nya.

"Bakit sya na naman ayanna?!" Napatingin kaming pareho ni ayanna. Ano ba talaga nangyari sa kanila ni dayen at nagkakaganyan si yoo min kay ayanna?

"Yoo min di kita maitindihan-"

"Di mo talaga malalaman suwoo!" Bakit ba to nagagalit sa akin? ako nga dapat na magalit eh. Kasi inaagaw nya sa akin si ayanna.

"All those years ayanna ako ang nasa tabi mo, pero bakit sya padin?" Nakakunot na ang noo ko.
"Tinago mo sya sa akin yoo min." Yun ang isinagot ni ayanna. Maya maya umalis na din si yoo min. Naiwan kaming nananahimik dito. Di ko alam sasabihin ko

I don't like to see my best bud crying. But i don't like his attitude towards me now.

"Ayanna. I should get going." Nagpaalam na ako kay ayanna. Wala naman syang sinagot pero lumabas pa rin ako ng apartment nya at pumasok na ako ng akin.

Pagkasara ko ng pinto, napaisip ako, ano kaya ang sinabi ni ayanna? Is it bad? Hindi mag rereact ng ganun si yoo min nang basta basta kung mababaw lang yun.

I sighed. Ewan ko na lang, basta ang mahalaga ang desisyon ni ayanna.

Nag ring ako phone ko. Pagkatingin ko, si galadriel. Anong oras na tatawag tawag pa ito.

"Oh? Bukas na team building natin, tulog na." Dire diretcho kong sinabi yan.

"Eh suwoo teka lang. Aish bukas na nga lang! Babye na. " hala baliw. Tatawag tawag tapos di sasabihin. Nagsasayang ng load hahaha.

Nagpalit na ako ng pantulog at natulog na para sa bukas. Kailangan ko ng maraming energy para bukas.

Kinabukasan, dala dala ko na ang gamit ko nang lumabas sa condo ko. Naka hoodie lang ako at jogging pants, alam ko namang oa ang activity ngayon.

Nakasalubong ko si ayanna, kalalabas lang din at ngumiti sa akin. Sumabay sya sa akin sa lakad.

"Akin na bag mo" pilit kong kinuha ang bag nya pero inilayo nya sa akin yun.

"Ako na. May kamay naman ako." Tumigil kami sa may elevator. Hindi ko na sya tinapunan ng tingin at hinantay na lamang yung elevator na umakyat.

"Suwoo about last night i'm-" biglang tumunog ang elevator at bumukas ito. andaming tao ngayong umaga..

Pinauna ko na si ayanna sumakay pagkatapos ay ako na. Nang nakababa na kami, may humawak sa mangas ko para pigilan ako, pagkalingon ko, yung dati kong kaklase nung college ako.

"Suwoo?" Napangiti naman ako sa kanya bilang bati.

"Oh, chae il!" Napangiti din sya sa akin at niyakap ako.

"Kamusta na! Grabe what a small world, dito ka din nakatira ngayon!" Tumawa naman ako sa kanya.

"Oo nga eh, eto maayos namin, i'm managing my dad's company now, medyo mahirap but i'll handle it." Tumango tango sya at tinignan ang oras nya.

"I have to go, i hope na magkaroon ng time na makausap ka pa, bye suwoo!" At tumakbo na sya palabas para mag abang ng taxi.

Papunta na ako ng parking lot nang maalala ko na kasama ko pala si ayanna, paano ko sya makakalimutan? Aish, masyado ako naoccupied sa usapan namin ni chae il.

"Ayanna.." tawag ko sa kanya. Agad naman syang lumapit pero masama ang tingin sa akin.

"Sino yon? Tapos kakalimutan mo pang may kasama ka!" Inirapan nya ako. Hahaha selos.

Inakbayan ko sya at bumulong.

"Ikaw naman. Ikaw padin naman ayanna di magbabago yun" nakita kong namula sya at tinulak ako.

"Tara na nga!" Hinila ko na sya papuntang parking lot.

------------------------------------------------------

"Suwoo! Ikaw pa naman ang naturingang boss ikaw pa late?! Hala sige! Tumulong ka dun! Di porket ikaw ang boss ikaw ang may special treatment! Walang special treatment! Hala sige kilos!!" Pagkarating na pagkarating ko kasi sa venue, nagluluto na sila. Binati naman ako ng mga tauhan ko pero tong buntis na to, high blood.

"Aga aga galadriel" puna ko sa kanya at inilapag ang bag ko sa tabi. Ganun din ang ginawa ni ayanna.

"Hoy buntis ano pala sasabihin mo kagabi?" Napatingin sya kay ayanna pagkatapos ay sa akin.

"Sumugod si yoomin sa office after mo umuwi, hinahanap ka at eto." Nguso nya kay ayanna.

"Okay lang, nagpunta sya sa condo ni ayanna. Medyo nagkagulo ng onti, hayaan muna natin sya." Umupo ako sa harap nya at nagsimula magbalat ng patatas.

"About that suwoo.." umupo sa tabi ko si ayanna.

"May hindi maganda akong sinabi kay yoo min actually.. kaya ganun na lang ang nireact nya." Tumingin kami sa kanya ni galadriel.

"Like what?" Tanong ni galadriel.

"Like for a friend, you are useless, traitor. I wonder why suwoo trusts you..mga ganun..nagalit ako sa kanya kasi di nya sinabi sa akin ang totoo...sana...sana matagal na tayong ayos suwoo..." it's over board but, may point padin sya. But still..hay.

"Hayaan mo na muna ayanna, kilala ko si yoo min, bigyan mo lang ng space yun magiging okay din ang lahat." Hinalikan ko ang pisngi nya.

"Asus..nung kelan bitter na bitter tapos ngayon..magkakadyabetis ako sa inyo!" Sigaw ni galadriel. Pareho kaming natawa ni ayanna sa inasta ni galadriel.

"Malapit na ako manganak, pero tanginang sung oh to, di mabigyan ng matinong pangalan ang anak nya!" Reklamo bigla ni galadriel.

Oo nga, isang buwan na lang. Magiging ninong/ tito na ako. Napangiti ako.

"Anong gender ng baby" napapoker face si galadriel.

"Suwoo, ano? Bingi ka lang ata nung sinabi ko eh. BABAE!" napairap sya sa akin.

"Hmm ano kaya maganda..." napaisip na din si ayanna. Biglang nagtaas ng kamay si buntis. Hala weird.

"Ano ginagawa mo?" Tanong ko.

"Alam ko na! Alam ko na!" Tuwang tuwa sya habang nakatingin sa aming dalawa ni ayanna.

Nagkatinginan kami ni ayanna. Siguro pareho kami ng iniisip nito na ang weird ni galadriel.

"Ayanna + suwoo = yan woo! Tama! Thanks guys at nagkabalikan kayo, dahil dyan kayo ang ultimate super godparents ni yan woo!" Napasapo na lang ako sa noo.

I'm The Little Evil Man's SonWhere stories live. Discover now