(5)

89 4 0
                                    

(Ayanna)

"Soonie, wait lang mag c-cr ako." Tumayo si suwoo. Letche, ang dami nyang pinapagawa sakin. Pwede naman nyang gawin to. Puro kalandian ginagawa!

Gustong gusto ko na ibato to sa kanya eh. Nang makapasok si suwoo sa banyo, tumayo ako at nag unat unat.

"Did he said na tumayo ka?" Napatingin ako dun sa babae na ngayon nakatayo na. Sino ba kasi to?!

"Hindi. Pero gusto ko. hindi ikaw ang boss ko so sit there and don't mind me." Naparolyo ang mata nya.

"I'll be your boss too, soon. Suwoo and i are getting married." Nakangiti na sya sa akin. Aish! Sa kanya ko to mababato eh.

"Oh, suwoo, alis na ako. See you later sa house." Hinalikan nya si suwoo sa pisngi at sinimangutan ako tyaka umalis.

The nerve! Bakit ba ako naiinis? Wala na dapat ako pakeelam diba? Umayos ka nga ayanna.

"Meron pa ba suwoo? May ipapagawa ka pa ba" napaisip naman sya at tumingin sa office nya.

"Wala naman na... sige bumalik ka na dun." Sabi nya ng hindi tumitingin sa akin. Tong... tong lalaking to eh.

Andun padin yung ugali nya eh.

"May itatanong ako." Humarap ako sa kanya. Nakaupo na sya sa chair nya at may ginagawa sa laptop nya.

"Hmm?"

"Sino yung babae?" Napakasarkastiko ng ngiti nya. Wag nyang isipin na nagseselos ako. Uncertain padin tong nararamdaman ko no.

"She's soonie. Why did you ask?" Umiling ako. Ugh suwoo hindi yun!

"Nevermind. I'll go back" at umalis na. Hindi ko gusto ang attitude ng babaeng yun.

And bakit sya pa? Nung kelan lang parang nag heart to heart talk kami ni suwoo tapos meron na palang bago?! Ano yung "hindi kita nakalimutan" part?! Suwoo nakakainis ka na!

Wrong move talaga to. Wrong move na nagsabi pa ako kay yoo min na jobless na ako. Na hindi ko alam na may pag aari na pala si suwoo ng kompanya. Na dito ako iaapply ni yoo min!

"Huy miss. Yung ballpen mo baka mabali na." Sabi nung katrabaho ko. Tyaka ko na lang nalaman na hawak ko na yung ballpen.

"Ah sorry. Hehe" di ko naman mabawian si suwoo kasi sya ang boss ko. Mahal ko sarili ko ayoko magutom.

--------------------------------------------------

"He is so full of himself!" Nasa lunch date kami ni yoo min ngayon. Malapit lang sa office.

"Bakit ano ginawa nya?" Tanong nya.

"Basta! Nakakainis sya. Bakit ba sya ganyan sakin?!" Humarap ako kay yoo min at nakangiti na sya sakin. Isa pa to eh. Di ko maitindihan bakit sila magkaibigan eh. O magkaibigan pa ba.

"You are cute when you are mad. Tara na, baka hinahanap ka na dun." Tumayo na kami at nagbayad ng bill. Ihahatid nya pa sana ako sa building pero tumanggi na ako.

Besides, di lang ako ang may trabaho, sya din naman.

"Bye yoo."

"Bye yanna." Naglakad na ako papunta sa elevator at pinress ang up button.

"..yeah see you later." Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si suwoo na may kausap sa phone. Nagkatinginan kami pero agad ako umiwas.

Tahimik lang kami nag aantay sa elevator. Sana may dumating pang empleyado para di awkward. Please.

Bumukas ang elevator at nauna na syang pumasok. Di pa ako makapasok kasi dalawa lang kami dun nag hahanap pa ako ng makakasamang iba.

"Are you going to get in or not? You are wasting time here, ms. Isidro. I hate employees like that." Nakakainis naman. Seryoso na kasi yung tono pati mukha nya at talagang bad trip sya. Ganyan na ganyan sya pag may pinoproblema.

Pumasok na ako sa elevator at pinress nya ang 37th floor. Bakit ba kasi nasa taas pa tong office nya. Ang daming floors.

Feeling ko ang haba na ng oras na nanatili kami sa elevator. Nakakasuffocate.

"This is taking too long..." tinignan ko si suwoo na nakatingin sa relo nya at nagmamadali.

"May kikitain ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Meron. And this is very urgent. Bakit ba kasi nasa taas tong office natin." Inip na inip na sya. Nasa 17th floor pa lang kami.

"suwoo-"

"Don't call me on my first name ms. Isidro, mind you, we are still at work." Nakakainis naman tong suwoo na to! Itatanong ko lang naman kung naglunch na sya.

"Fine. Mr. Lee, did you ate lunch already? I could phone the cafeteria." Umiling sya.

"I don't have time for that." Napansin kong nangangayayat na syam unlike noon kasi normal lang sa age namin na payat kasi tumatangkad. Pero ngayon kasi.. di naman sobrang payat ni suwoo pero payat padin.

"Nangangayayat ka. Ano ba ginagawa mo suwoo. Nasa elevator naman tayo at walang nakakarinig." Tinapat ko sya pero mukha wala syang balak sumagot.

"Suwoo-"

"Why do you still care, ayanna, huh? May yoo min ka naman na. Tell me, meron pa ba kahit kakaunti para sakin ayanna? Kasi kung wala then stop worrying about me. Kasi pinapaasa mo ako." Di namin namalayan na nasa 37th floor na kami. Nagbukas ang elevator at naunang lumabas si suwoo. Sumunod na lang din ako at pumunta sa cubicle ko.

I swear this will be hard. Very very hard.

Andami kong ginawang paperworks after that and i immediately forgot kung ano nangyari sa elevator. I can't believe na sobrang busy nga talaga dito and sobrang hirap ng ginagawa ni suwoo. Stress na sya, dumadagdag pa ako.

i'll just do my best matulungan sya. Then i'll try to talk to him again. Sana wag na sya magalit kasi kailangan nya din marinig side ko. Di lang basta akala ko hindi nya ako hinahanap. No.

It's because he didn't even try harder. He just said "try" walang "harder" tyaka bakit pa ako nag iinarte eh di naman ako nageffort para hanapin sya. It happens na di sinasabi sakin ni yoo min.

And i never bother to ask too.

Kaya ganito kami. Work kung work, wala nang iba pa. It's like mas malala pa kami sa strangers.

I feel like he's loathing me now because i am dating his bestfriend. Ang lumalabas pa ang landi landi ko. Kaya ba ganyan yung kinikilos nya simula nung first day ko dito?

"You, girl, need a break." May nag abot sakin ng kape. Si galadriel.

"Ah, salamat."

"Tara sa may balcony. Iwan mo muna yan ako bahala kay suwoo." Tumayo ako at kinuha ang kape.

Pumunta kami sa sinasabi nyang balcony. May coffee table dito at dalawang upuan at kitang kita mo ang establishments sa baba ng building at sa malalayong kalsada pa. Mahangin dito pero okay lang.
Tinulungan ko umupo si galadriel bago ako umupo.

"Hey, okay ba sa buntis ang kape?"

"This is a hot choco. It's nice to see you again, ayanna." Ngumiti ako sa kanya at ganun din sya.

"How's the baby?" Kinapa nya ang tyan nya.

"Okay naman, sana di magmana sa ama nyang maharot." Natawa na lang ako.

"Hindi naman maharot si sung oh ha?" Umiling sya.

"Basta. Anyway, ako naman ang mangangamusta sayo." Uminom sya ng kaunti. Bigla naman ako kinabahan dun.

"H-ha?"

"How are things going on with suwoo, ayanna?" Natahimik na lang ako.

Di ko alam isasagot ko. Parang nanuyo lalamunan ko. Wala pa naman kasi kasiguraduhan, mukhang di pa nya tanggap, at ako eto, nalilito.

"Di ko alam. I'm trying to talk to him pero kasi-"

"Kasi sa bestfriend nya pa ayanna. Any way, di pa nasabi sayo ni suwoo, may team building tayo next next week, malapit lang dito, but it's a cool place. Don't be late." Tumayo na si galadriel.

"Ayanna, if i were you, iiwan ko ang dapat iwan para maging maayos ang lahat." Iniwan na nya ako sa balcony. Aish. This is confusing me. I was doing okay with yoo min until i saw him again.

I'm The Little Evil Man's Sonजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें