Kabanata 5

39.1K 869 75
                                    

Ang tagal kong hindi nag update. Dahil bukod sa nagkaroon ng problema yung left eye ko, nawalan din ako ng focus sa nobel na 'to. Anyways, may nag babasa pa ba? haha.

Kabanata 5

Reasons

"T-trevor, please put me down."

Wala nang tigil sa pag agos ang aking luha nang hablutin ako ni Trevor at iuwi sa private resort.

Nanginginig ako sa takot dahil sa nakikita kong galit sa mga mata niya.

"Shut it Eleyna! I didn't marry you para lang maagaw ng iba!"

Padabog nitong binuksan ang pintuan ng kwarto at pabalibag akong inihiga sa kama.

"Trevor, maniwala ka. Hindi ko kilala ang lalake kanina."

Umiling ako at niyakap siya.

Sa kabila ng takot ko ay pinili ko pa rin pakalmahin siya. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib niya.

Maya maya pa, ang mabilisang pag hinga nito ay bumalik na sa normal. He heaved a sigh at kinalas ang aking brasong nakayakap sa kanya.

"Trevor," Tiningala ko siya.

Pumikit ito at umiling.

"I'm sorry. I'm sorry, wife."

He kissed my forehead at niyakap ako ng mahigpit.

Ngunit akala ko ay maayos na. Nagulat na lamang ako sa sunod niyang ginawa. May kung ano siyang kinuha sa aparador at nanlalaki ang mata ko nang makitang kadena ito.

"T-Trevor," umiling ako at inihakbang ko ang aking mga paatras dahil sa takot na nararamdaman.

"I have a visitor tonight. I want you to stay here in our room. After what I saw kanina, wala na akong tiwala sa iba."

Simpleng anas nito at tinulak ako paupo sa kama. Hinila niya ang isa kong binti at doon niya itinali ang kadena.

"Trevor, wag mong gawin to."

Pagpupumiglas ko ngunit pinukol lamang ako nito ng masamang tingin.

"Stay still Eleyna. Pakakawalan lang kita kapag nag tanda ka na. May asawa ka na, ngunit nakikipag-usap ka pa sa ibang lalake. Ayoko ng ganun. Gusto ko nasa sa akin lamang ang iyong atensyon. Ako lamang ang kakausapin mo.  Bear that in your mind, wife."

Oh my God. What have I done? Hindi ko kilala ang Trevor na kasama ko ngayon.

Tuluyan na akong napahagulhol nang marinig ko ang pag tunog ng lock ng seradura ng pintuan.

I tried to unlock it. Sinubukan kong kalasin ang kadena ngunit nakakandado ito. Namumula na din ang binti ko dahil sa higpit ng pagkaka tali dito.

"You're impossible, Trevor! Hindi ko akalaing magagawa mo to sa'kin."

NAGISING ako nang maramdaman ang marahang pag haplos sa aking pisngi.

Unti unti kong idinilat ang aking mata at tumambad sa aking paningin ang seryosong mukha ni Trevor.

Naka-unan ako sa hita niya habang marahang hinahaplos niya ang aking pisngi at buhok.

"Ipinag-luto kita ng hapunan. Let's eat?"

I averted my gaze. Ayokong tingnan at pagmasdan ang maamo niyang mukha.

His angelic face that deceived me once.

Beyond his mask; he's a devil.

"Hindi ako gutom," mahinang usal ko at bumangon mula sa higaan.

"I didn't asked you if you are hungry or not. I said, ipinagluto kita ng hapunan at dapat ng kainin mo 'yon. Don't waste my effort, Eleyna."

The PrisonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon