Kabanata 1

72.2K 1.3K 22
                                    

[The location of this story are the same with, 'The CEO's Maid'. Bicol and Manila]

Kabanata 1

Hot and Sexy

"Miss. Jacob, this will be your new office"

I smiled back to Mister Cha nang ngumiti siya habang pinapakita sa'kin ang magiging opisina ko.

"And this will be your table, Miss. Jacob , since nalipat na ng ibang college ang dating gumagamit ng table nato. Later on, I'll introduce you to your new faculty members. Wala pa sila dahil may kanya kanyang klase."

"Thank you, Mister Cha."

Ngiting pasasalamat ko dahil imbes na sekretarya niya ang sumama sa'kin dito ay siya na mismo ang nagkusa.

Pinaglandas ko ang daliri ko sa salamin na nakapatong  sa aking lamea.  Hmm. No dust. Mukhang nakakahiyang lagyan ng kung ano mang gamit dahil sa tingkad ng salamin.

"I'm just in the next room, beside this office. Just knock when you need anything. And oh, you can fix your stuff. So, you can start tomorrow already."

"Salamat, Mister Cha."

I shook his hand.

Nang makaalis si Mister Cha ay naupo lang ako at pinagmasdan ang buong opisina. Wala pa naman akong dalang gamit ngayon dahil bukas pa naman ang simula ko. Madaming table sa gilid maging sa gitna. Mga school paper na nakapatong sa bawat table ng aking co faculty. Tumayo ako at humarap sa malaking salamin na
naka pwesto sa bandang may pintuan ng opisina. I stared at my self at hindi ko namamalayan na napakalaki na pala ng ngiting sinusupil ko mula sa aking mga labi.

This is the start, Eleyna. You can do this.

"Hi! Are you new here? Ikaw yung sinasabi ni Dean, kanina?"

Nilingon ko ang nagsalita at isang chinita girl na nakangiti ang lumapit sa'kin. May kasama siya sakanyang likuran at mga estudyante ito base na din sa unipormeng suot.

"Hi. Yes. I am Eleyna Jacob."

I extend my arm at her na agad din naman niyang inabot. Sandali niyang pinaupo sa sofa ang mga kasama niya kanina. Hinila niya ako sa may bandang table niya at doon pinaupo.

"Yan. Dito kana lang pumwesto para may katabi akong maganda."

"Pero doon ako pinapwesto ni Mister Cha."

"Hayaan mo na. Wag kana doon. Ma didistruct ka lang sa mga dumadaan d'yan. Lalo na yung mga lalake. Hindi mo lang alam pero itong department natin ang may pinakaworst na estudyante."

I gulped. Damn. Hindi pa nga ako nakakapagsimula sa pagtuturo at may nabalitaan na ako kaagad. Hindi ko tuloy maiwasan mapaisip. Nakapagtapos ako sa kursong nursing at nakapasa na din ako sa board exam pero mas pinili ko ang pagtuturo.

Nilingon ko ang pwestong binigay sa'kin ni Mister Cha kanina at ngayon ko lang napansin ang glass window nito. May mga lalakeng estudyante doon na nakakasilip dahil nakalihis ang kurtina. Iniiwas ko na lang ang tingin ko doon nang maabutang kumindat sa'kin ang isang lalake na may hikaw na itim sa kanang tenga niya.

"Kita mo na? That's Kiefer Medina. The captain of the basketball team. Playboy din ang isang 'yan. Halata naman diba? He just winked on you. Damn. He thought you're a student. A transferee student indeed."

I gulped again.

"D-do I look like one?"

She chuckled at iminuwestra ang kanyang kamay upang palapitin ang dalawang estudyanteng babae. May ibinigay siyang coupon dito.

The PrisonerWhere stories live. Discover now