Chapter 17

25 4 0
                                    

Althea’s POV

“Happy Birthday Althea”

“Salamat…”  sabi ko kasabay ng isang tipid na ngiti. Hindi ako mapakali. Ang awkward kaya.

Aaarrrghh!

Ano ba kasing pumasok sa utak ko at pumayag akong magpahalik sa kanya? Tapos waaaaaaaa! Gumanti pa ako ng halik sa kanya! Grabe na’to!

Pero bakit parang sa kanya wala lang? Parang walang nangyaring ganon eh. Hay naku! Kung anu-ano naiisip ko.

Stop it Althea! Grrrr!

“Hey! May problema ba?” sabi niya habang matiim na pinagmamasdan ang mukha ko.

“Ahh… Wala naman. May naisip lang ako”

“Do you mind telling me?”

“Ah… Eh… Hindi naman gano’n kaimportante yun eh… Hmmm…  Kain na lang tayo”

 'Althea..."

"Hmmm... Yes??"

“Sana nag enjoy ka sa surprise ko sa’yo…”

Kasama ba dun sa surprise nya yung kiss??

Waaaa! Ano ba! Bakit kasi di maalis sa isip ko yung nangyari kanina eh.

“Oo naman. Pero hindi mo naman na kailangan gawin lahat to eh… I mean, alam mo naman na kahit anong gawin mo maaappreciate ko yun diba?”

Pati na yung kiss?? -.-

Ngumiti siya sa’kin bago sumagot. “Alam mo din naman na kahit ano gagawin ko para sa’yo diba? Saka minsan lang naman to eh”

“Salamat Charles…Salamat sa lahat”

"Gusto ko lagi kitang nakikitang masaya. Hmmm.. Kung kaya ko lang sana, eh di lagi kong gagawin” sabi niyang titig na titig sa’kin at nakangiti pa din. Nararamdaman ko kung gaano siya ka sincere sa sinabi niya.

Pero kunsabagay, kahit naman hindi niya gawin ito, walang araw na hindi niya ako napapangiti kahit pa sa malilit na bagay, kaya pa’no pa kaya sa mga surprise niyang katulad nito?

 Hindi ko nga naalalang birthday ko dahil sa dami ng ginagawa ko sa trabaho. Kung hindi lang niya ako binati kanina, malamang nalimutan ko na talaga.

Pero…

Ayoko dito…

Ayoko sa lugar na’to….

Ayoko dito magsimula ng magandang alaala naming dalawa ni Charles…

Kasi kahit anong pigil ko…Bumabalik lahat ng sakit na naramdaman ko nung araw na yun…

Dito mismo sa lugar na’to…

Dito kung saan ako sobrang sinktan ng taong minahal ko….

TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon