Chapter 4

77 12 0
                                    

Kunot noo akong napatingin sa kanya.  Maya maya pa ay nagsimula  na’kong maglakad papuntang pintuan para makaalis na kami. Alam ko na kasi kung saan ang bagsak ng usapang to. Pero nagsalita siya ulit nung makalapit na’ko sa pinto.

“Hindi ka talaga makakamove on kasi ayaw mo”  Hindi ako agad nakaimik sa sinabi niyang yun pero patuloy siyang nagsalita.

Bakit ba pinipigilan mo ang sarili mong kalimutan siya?” Bakit nga ba? Eh kahit ako hindi ko nga din alam eh. Hay…

“Ayoko ng pag usapan to, okay?? Kaya halika na”.

“Trust me. Wala namang masama kung susubukan mo eh”

“Tara na… alis na tayo” Hindi ko pinansin ang sinabi niya.

 “Okay lang naman na may makilala kang iba o kaya magkaroon ka ng mga bagong kaibigan”.Ayaw niya talagang magpaawat.

“Pero madami na akong kaibigan, I don’t need another one.”.

“Althea…  hanggang kailan ka ba magkakaganyan?”  Natigilan ako. Nag iba na ang tono ng pananalita niya. Alam kong naiinis na siya sa’kin at nagtitimpi lang.

“Hmmmm... siguro pag hindi ko na siya mahal”  mahinang sagot ko sa kanya habang nakatalikod dahil may nagbabadya ng tumulong luha anumang oras sa mga mata ko.

“Kailan naman yun?” may inis pa din sa tono ng pananalita nya.

“Hindi ko alam… Hindi naman kasi gano’n kadali eh.”  Hindi ko na mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

“Sissy, alam ko namang mahirap talaga makalimot eh… pero kasi, wala ng magandang ibinubunga sa’yo yung nangyayari”.

“Sorry sissy… hindi ko naman kasi alam kung bakit ganito pa din ang epekto nya sa’kin hanggang ngayon”.

“Gusto kitang tulungan… pero pano ko naman gagawin yun kung kahit ikaw mismo ayaw mong tulungan ang sarili mo?”

“Pakiramdam ko kasi may part pa rin sa’kin na ayaw siyang pakawalan. Parang lalo akong magiging kulang”

“Umaasa ka pa din kasi… Tignan mong sarili mo, nasasaktan ka na... at nasasaktan din akong makita kang ganyan”.

“I’m so sorry sissy…Gulong gulo pa din kasi talaga ako. Masyado pa ding masakit”

“Naiintindihan naman kita eh… Kaya nga minsan hinahayaan na lang kita kasi alam kong yang mga pinagpipilitan mo sa’kin, yan mismo ang nakakapagpasaya sa’yo”

Tuluyan na akong napaiyak sa sinabi niyang yun. Pero mas lalo lang akong niyakap ng mahigpit ni Cindy.

“Tahan na…”sabi niya habang hinahagod ang likod ko.“Pero sana pag isipan mong  mabuti yung  sinabi ko…Tumingin lang ako sa kanya.“Just give it a try… please??”

Tumango na lang ako sa kanya. Siguro nga kasi tamang sundin ko siya kahit ngayon lang. Baka sakaling maging okay na’ko.Wala naman kasi talagang masama kung susubukan ko. Ayoko lang talagang gawin.

Umalis din kami agad after ko mag ayos. Nagulo na kasi ang buhok ko at naging halata ang pamumula ng mga mata ko dahil sa pag-iyak ko.

Pagdating namin sa mall, kumain kami, nanood ng movie, nag shopping at kung anu-ano pa. Tawa lang kami ng tawa ni Cindy. Halata namang nililibang niya kong mabuti. At para suklian ang lahat ng efforts ng bestfriend ko, nagpakaenjoy ako.

Kinalimutan ko muna lahat… kahit ngayon lang.

Ang sarap pala sa pakiramdam ng wala kang inaalala. Hindi ko na maalala kung kailan ko huling naramdaman to.

Kaya pangako ko sa sarili ko na magiging masaya na ako… Hindi man sa ngayon pero alam ko, mangyayari din yun…

TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon