Chapter 14

47 6 0
                                    

Althea’s POV

Nakita ko agad si Charles na nakasandal sa kotse niya pagkalabas ko ng bahay. Parang model lang ang peg kung makasandal dun eh.

Niyaya niya kasi ako ulit makipagdate. Yes, we’re exclusively dating. ^__^

At heto na naman siya, parang natutunaw na’ko sa mga ngiti niya sa’kin lalo na at hindi ko alam kung sadya ba niyang inilalabas ang mga malalalim na dimples para magpacute sa’kin.

Grabe! Bakit ba ubod ng gwapo ang lalaking to? Gising ba siya buong araw nung magsabog si God ng kakisigan? Para kasing walang kapintasan sa katawan lalo na sa mukha eh. Hahaha!

“You look so pretty… as always…” Nakangiting sabi niya sa’kin nung makalapit ako sa kanya.

“Thank you” nahihiyang sagot ko naman.

Waaaa! Tae! Para akong teenager nito eh! Dahil ang totoo niyan kinikilig pa din ako kahit paulit ulit naman niyang sinasabi sa’kin yan tuwing magkikita kami. Eeeee! Naman kasi eh! Bakit hindi pa ako nasasanay? Parang laging bago.

Hala! Ano bang nangyayari sa’kin??

May ilang buwan na ding nanliligaw si Charles sa’kin. Nagpapasalamat naman ako sa kanya dahil naiintindihan niya ako. Walang pressure kahit na inamin ko sa kanyang hindi pa talaga ako ready makipagrelasyon. Hindi naman daw siya nagmamadali. Basta mapatunayan lang niya sa’king sincere siya ay okay na yun sa kanya.

Maswerte pa rin pala ako dahil may magmamahal pa din sa akin ng totoo.

Pinaparamdam niya lagi na seryoso siya sa’kin at pinapakita kung gaano siya kadeterminado na mapasagot ako. Makakapaghintay naman daw siya hanggang kaya ko na siyang mahalin eh.

Tama lang naman itong ginagawa ko diba?

Ayoko lang naman kasing maging unfair sa kanya eh.

Ayokong masaktan siya ng dahil sa’kin dahil alam ko kung gaano kahirap yun.

At sa totoo lang, nagsisimula na din kasi siyang maging mahalaga sa’kin.

Sana huwag siyang magsawa.

Sana maantay niya nga ako hanggang makaya ko na.

Sana huwag din niya akong iwan.

Minsan nga naiisip ko, pa’no kaya kung mas nauna ko siyang nakilala at minahal? Masasaktan din kaya ako gaya ng nangyari sa’kin noon?

Pero imposible naman kasi diba? Pag nagmahal ka kasi kasama na din dun ang masaktan.

At natatakot akong maramdaman ko ulit ang sakit na yun.

“Shall we?”nakangiting sabi niya sa’kin habang inilalahad ang kamay niya para alalayan ako Tumango naman ako at humawak sa malambot niyang kamay.

Sana naman, kung gaano niya kahigpit hawakan ang mga kamay ko ngayon ay maging ganyan pa din ang hawak niya sa’kin sa susunod na mga araw o panahon.

Hindi niya sana ito bitiwan ng gano’n gano’n lang kagaya ni Miguel.

TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon