Chapter 5

66 10 0
                                    

Habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin, hindi ko mapigilang hindi maisip, ang dami na palang nagbago sa’kin mula nung maghiwalay kami. Hindi ko alam kung naging mas okay siya o naging miserable din kagaya ko.

Naisip ko tuloy, pa’no kung habang ako eh malungkot at nasasaktan dahil sa pagkawala niya, eh siya naman pala masaya na sa buhay niya ngayon. Eh di lugi naman ako dun. Pero kasi parang may mali eh. Ang alam ko lang ang unfair ng mga nangyayari.

Hay naku naman…pero….

 Kamusta na kaya siya?

Ano na kayang ginagawa niya??

Naiisip din kaya nya ako?

Namimiss?

Hay ewan ko. Ang daming tanong sa utak ko ngayon tungkol sa kanya… sa akin… sa amin… kaso hindi ko naman masagot at hindi ko alam kung mabibigyan pa ng kasagutan.

Minsan, kahit pigilan ko ang sarili ko na wag siyang isipin, minsan talaga bigla ko na lang siya naaalala. Parang ngayon…

Pero  pangako ko sa sarili ko, hindi na ako ulit iiyak.

Hindi na ako ulit magpapakatanga.

Hindi na ako pwedeng masaktan.

Tama na yung apat na taon na nabuhay ako sa alaala naming dalawa.

 Hindi na’ko dapat umasa.

Panahon na para mag move on.

Oras na para sarili ko naman ang isipin ko.

Hindi ko pagsisisihan kahit anong nangyari sa amin o lahat ng mga ginawa ko para sa kanya, gagamitin ko ang mga yun para maging mas matapang ako… para mas matuto… para hindi na ako ulit masaktan.

Basta alam ko lang, minahal ko siya sa paraang alam ko. Kung kulang pa din yun, sana naman kahit pa’no, kahit minsan, naiparamdam ko kung gaano siya kahalaga sa’kin at kung ga’no ako nasaktan nung mawala siya.

“Miguel… hindi ko alam kung bakit nasasaktan pa din ako kahit matagal na tayong wala.  Oo, siguro nga, umaasa pa din talaga ako hanggang ngayon. Pero sa isang bagay lang ako sigurado at gagawin ko yun… Hindi ko pipiliting kalimutan ka, hayaan mo lang akong mahalin ka, hanggang maramdaman kong wala na….”

TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon