Aaminin ko.. Oo pogi siya ngayon. Nagpagupit ata siya,basta! Bagay kay Jarren yung buhok niya. Ibang-iba yung itsura niya. Tss.. pero yung ugali hindi. 

"Oy san mo ko dadalhin?" tanong niya pero naglalakad ako palabas. 

Ng makalabas na kami bigla kaming huminto. 

"Sa madilim na lugar!" sigaw ko at hinablot ulit yung braso niya at naglakad ulit para hanapin si David. 

"H-hoy! Ayoko pang maging tatay." ANONG SABI NITONG G@GONG TOH?!?! 

Nag-middle finger ako sa kanya at tinapat sa mukha. 

"HOY! Wag kang makapal mukha okay? *nagsmirk ulit siya* Hahanapin natin si David wag kang ngumingiti-ngiti diyan!" 

May napansin ako habang naglalakad kami. Tumigil kami at sinampal si Jarren. 

"Hoy! Saan mo dinala si David?!" malakas siguro yung pagkasampal ko. Mukhang nasaktan siya ng sobra! HE! Wala akong pakialam! 

"Ha?! Anong ibig mong sabihin? Na ako yung may kasalanan kung bakit nawala yung mokong yun?!" ha?! Mokong pala ah! 

"Oo! Dahil sabi ko magvest siya na parang ganyang style," tinuro ko yung vest niya. 

"At ewan ko kung nasan na siya! Baka ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala siya dahil suot mo ang vest na sinabi niya sakin!" sinabi ko ito sa kanya ng pagalit pero yung expression lang niya ay parang may naalala. 

"AHH! Kaya pala nakipag-agawan pa sakin si David ng vest sa mall! Kasi masquerade party nga eh! Tapos may plano kayo tsss.." sinabi niya ito.

"E-eh w-wala kang pakialam!" sinabi ko na lang ito. Syempre interested naman kasi ako sa sasabihin nung crush ko na si David. Malay mo sabihin na niya sakin na mahal niya ko? Or papakasalan niya ko? Or baka ibibigay lang niya yung gift niya? Basta! 

Habang hinahanap namin ni Jarren si David, may narinig kaming umuungol. 

"Hala sino yun?" tanong ko sa kanya,tumigil kami sa paglalakad. 

"Ewan ko.. Wait lang.. HOYY! WAG NGA KAYO DITO MAGLANDIAN DUN KAYO SA KWARTO!" huh? anong pinagsasabi nito? Maya-maya nagload na sa isipan ko ang gusto niyang iparating. Natawa ako ng konti at pinalo siya sa braso. 

"Aray! Ano ba? Wag kang tumatawa tawa diyang jejemon ka!" sigaw niya sakin. Maya-maya may umuungol na naman. 

*Urgh* 

Nalaman na namin kung saan nanggagaling ang tunog. Binukas ko ang Fire Exit at nakita kong may lalaking nakahiga at mukhang sugatan at nakatali siya. 

"DAVID!" sigaw ko. Lumapit agad ako at tinanggal ang mga tali. 

"Huy anong nangyari sayo? Sinong may gawa sayo nito? Ano? Sumagot ka!" hindi ko na napigilan na umiyak at itinayo ko siya. Tinulungan din naman ni Jarren ito sa pagtayo at naglakad kami. 

David's P.O.V. 

Nandito ako ngayon sa isang kwarto ng hospital. May mga bandages na nakalagay sa mga sugat at pasa ko. Hindi ko alam ang mga nangyari,ang natandaan ko lang ay nabugbog ako ng mga grupo ng lalaki at merong isang babaeng nakasuot na black na dress na long sleeve. Hindi ko nakita ang mukha niya pero mukhang pamilyar yung boses niya. Parang narinig ko na sa mall nung bumibili ako ng vest. 

Tumingin-tingin ako sa paligid ng kwarto at hindi ko napansin na natutulog pala si Suzzane. Nakapatong ang ulo niya sa braso niya na nakapatong sa kama. Iba na yung damit niya,hindi na siya naka-gown. Nakasimpleng shirt nalang siya. Hindi ko napigilang igalaw yung kamay ko at ilagay sa ulo ni Suzzane,hinimas himas ko ito at napangiti ako. 

Sayang,hindi ko na sabi sa kanya na mahal ko siya. Sayang sana kung nasabi ko sa kanya,mag syota na siguro kami ngayong araw. Hayy sino ba kasi yung bumugbog sakin. Bwisit! Hindi ko napansin na sa sobrang inis ko na dun sa bumubog sakin ay sinasabunutan ko na pala si Suzzane.. 

"Hmmm!! Aray! T*ngi--" tinanggal ko agad ang kamay ko ng bigla siyang nagising at tumingin sakin. Haha,ang cute ng itsura niya. Parang inaantok pa rin talaga.

Maya-maya lumaki ang mga mata niya ng makita niya ko. 

"Oh gising ka na pala! Sandali tatawag muna ako ng doktor.!" sinabi niya at nagmadali siyang lumabas pagbalik niya may kasama siyang doctor. 

Ininterview lang naman ako ng doctor at binigyan ng gamot. Pagkatapos nun umalis na siya at lumapit sakin si Suzzane na kakahilamos palang,medyo malaki rin yung room. 

"Oh David,sino ba kasi may gawa sayo niyan?" tinanong niya sakin 

"Ah basta di ko kilala basta nakablack na dress. Hindi ko nakita yung mukha niya dahil hindi abot nung light yung mukha niya kundi yung ulo lang niya. Pero alam ko mga 3 lalaki yung bumugbog sakin." mukhang nagworry si Suzzane sakin dahil sa mukha palang niya. Hinawakan ko yung kamay niya at sinabing .. 

"Wag kang mag-aalala. Oh! Meron nga pala akong sasabihin." Ish,kailangan ko na ba talagang sabihin ngayon? Bahala na si God. 

"Oo nga pala,ano ba kasi sasabihin mo? Pasensya na kundi kita nalapitan or nahanap,si Jarren lang kasi nakita kong nakavest." GRR. That guy. Ngumiti nalang ako ng pilit at nagsalita.

"Uhm,i just want to say my feelings for you. Suzzane... Alam kong ang bilis,alam kong hindi kapani-paniwala .... Suzzane.. Mahal na kita." sinabi ko ito at parang nagulat si Suzzane.. 

"Hayy ako rin may sasabihin sayo David,simula kasi nung nagmall tayo. Nagkacrush narin ako sayo. Pero wag kang mag-alala! Gagawin kong baguhin ang nararamdaman ko sayo. Crush into Mahal. Bigyan mo muna ako ng time." sinabi niya ito at nakangiti siya. Syempre ako nakangiti rin. Medyo natawa rin ako dahil namumula siya. 

"Suzzane? Pwede bang manligaw?" nakatingin siya sakin at sinabing... 

"Oo naman." 

My Jeje PrincessWhere stories live. Discover now