Billie's POV
Dali-dali akong lumabas ng classroom matapos kong magsalita, kailangan kong makalabas agad bago pa nila makita ang luha na kanina ko pa pinipigilang pumatak.
Masakit parin talaga. Kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang hindi masaktan. Kung sana lang gano'n lang kadali kalimutan at hayaan na lang lahat, ginawa ko na.
Pumunta ako sa rooftop at doon na tuluyang bumagsak ang mga luha ko. Nakakairita na palagi na lang akong magkakaganito sa tuwing mati-trigger ang past ko.
"Aahhh!" Sumigaw ako. Isinigaw ko na dahil hindi ko na kaya. Napatingala ako sa ere na para bang nando'n ang kausap ko. "Ayoko na! Ayoko nang umiyak nang ganito! Bakit kailangang kong masaktan ng ganito?! Ano bang naging kasalanan ko?!" Sumigaw lang ako ng sumigaw at hindi ko na inisip kung may makakarinig ba sa'kin. Humigpit ang hawak ko sa railings ng rooftop. "You're so unfair! Why do you have to leave me, why do you have to leave Mama?! How I wish na mahal mo parin si Mama and so we could be a happy family again... kasi ang sakit-sakit na, gustong-gusto ko nang mawala 'tong sakit na 'to pero hindi ko alam kung paano." Iyak lang ako ng iyak at medyo nahihirapan na akong huminga pero hindi no'n napigil ang sakit na nararamdaman ko. "I want this pain to stop pero ayaw eh... Ayaw nyang mawala! Hanggang kailan mo ako sasaktan, Papa? Hanggang kailan ako iiyak dahil sa'yo?!" Lalong humigpit ang hawak ko sa railings dahil sa bigat ng dibdib ko.
"No'ng unang punta mo rito ang tapang tapang mo ah. Bakit ngayon para kang batang umiiyak dyan?" Napatingin ako sa sulok at nakita si Yuan Carl.
"K-kanina ka pa dyan?" Pinahid ko ang luha ko at deretsong tumingin sa kanya.
"Yeah. Rinig na rinig ko lahat ng hinanakit mo." Tumayo sya at bahagyang lumapit sa'kin. Nakapako sa'kin ang bilugan nyang mata. Malamlam ang mga matang 'yon. "Hindi ko sasabihin sa'yo na patawarin mo ang taong nanakit sa'yo para makawala ka sa bigat dahil hindi gano'n kadali ang magpatawad. As for now, the only thing you can do is to vent out... let it out, and cry. Iiyak mo lang. Darating ang araw na mapapagod ka rin hanggang sa hindi mo namamalayan na wala na 'yong sakit."
"Stop talking na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Magkapatid nga kayo ni Yuan, tss." Umismid ako at nagbawi ng tingin. Pinahid ko ang mga pisngi ko.
"Alam ko, ramdam kita. Dahil napagdaanan na namin 'yan. Tapos na kami r'yan, no'ng una masakit talaga. Pero sa huli wala ka namang magagawa kung hindi pag-aralan kung paano magpatawad. Mahirap kasi takot ka na baka maulit ulit, pero anong magagawa ng takot mo? Maaalis ba ng takot mo yung sakit? Di ba hindi? So hihintayin mo na lang na mapagod ka hanggang sa maramdaman mo na ayaw mo nang magalit at gusto mo na lang na mawala yung sakit." Pagkatapos nyang sabihin 'yon, tumalikod na sya. Tanaw ko na ang likod nyang papalayo sa'kin.
Napagdaanan na nila? Kaya ba gano'n na lang ang sinabi sa'kin ni Yuan kanina?
Paano? Paano ko mahahanap ang pagpapatawad sa puso ko? Puro sakit at galit ang laman nito, puro bigat dala ng sama ng loob. Napaiyak nanaman tuloy ako, nahihirapan parin ako huminga at medyo nahihilo na nga ako dahil sa kakaiyak. May narinig akong mga yabag pero di ko na inintindi kasi baka bumalik lang si Yuan Carl.
"Billie?" Nanlalabo na nga ang paningin ko at para na 'kong babagsak nang lingunin ko ang nagsalita. Bago pa 'ko tuluyang bumagsak ay nasalo na ako ng mga kamay nya.
'Yuan.'
**
Yuan Carl's POV
Lumakas ang kaba ko nang makita ang babaeng ginugusto ko mula sa malayo. Tama, gusto ko nga si Billie. The moment I saw her, nagustuhan ko agad sya.
May kung ano sa kanya na hinahatak talaga ako hanggang sa hindi ko na naiwasang hindi sya magustuhan. I know it's so cliché to say this but I really do like her since day one.
YOU ARE READING
WAY TO FOREVER (UN-EDITED)
Teen Fiction"WAY TO FOREVER" By: Elisayne Hons :(: PROLOGUE Forever ba kamo? Isa 'yan sa hindi pinaniniwalaang salita pero marami ang gustong makaranas, pitong letra pero bago mo pa makuha 'yan, katakot-takot na sakit muna ang pagdadaanan mo. Paano? Eh ikaw...
