Billie's POV
Pinipilit ko talagang hindi magpaapekto sa presensya ng bagong dating. Kahit hindi ko sya tignan, ramdam ko ang titig nya.
"I play guitar, piano and drums." Tumigil ako saglit. Yes, mahilig ako sa music kaya pinagsikapan kong pag-aralan lahat 'yan. "I also play chess and--"
"Sports ang tinatanong hindi ang hobby mo." Putol ng moron na 'yon sa speech ko at kitang-kita sa mukha nya ang pagkadisgusto sa'kin. Ah, ganyan pala gusto mo ah.
"That's what I always do so I called it my sports, 'wag kang pakialamero... you moron. " Hah! Serves you right. I don't care kung ikaw pa ang magmamay-ari ng school na 'to 'no. Bish please.
Pagkasabi ko no'n, nagulat ang halos lahat ng estudyante na para bang ngayon lang nangyari na may pumilosopo ng gano'n sa kanya.
'Woah! what a brave girl.'
'Di ba nya kilala kung sinong kausap nya?'
'She's dead.'
Rinig kong bulungan ng mga classmate ko na hindi ko naman inintindi, tsk! Mga bubuyog.
"Class, stop. Okay proceed Ms. Gonzales."
"Aside from all of that, I also love playing basketball." Rinig kong marami ang napasinghap sa sinabi ko. Boys and girls are looking straight at me, annoying looks. "Tss, quit staring like that. It annoys me."
"You're very cool, babae ka ba talaga? If yes, let me court you then." Kumindat pa ang lalaking nagsabi no'n at ngumiti. Nakakaasar ang ngiti nya.
"Stop it, Jairo." Sabi ng teacher namin.
Hindi ko pinansin ang lalaking nakabunggo ko kanina at pinagpatuloy ang pagsasalita.
"At ang pinaka-gusto ko sa lahat ay ang..." Inaabangan ng buong klase ang sasabihin ko. "Muai thai." Pagtatapos ko sa speech ko. Bago pa 'ko makaalis sa harapan, nagsalita nanaman ang moron na 'to.
"Tapos kana bang magyabang?" Aba't talagang, 'di ka titigil?
"Hindi ako nagyayabang. Nagtanong ang teacher natin so sinagot ko lang. So hold your words and shut up, moron." Pagkasabi ko no'n dumeretso na 'ko sa upuan ko.
Ramdam ko ang titig ng mga kaklase ko, naiilang ako kaya nagsalita ako.
"Anong tinitingin tingin nyo?" Deretso kong sabi sa kanila, napaiwas sila ng tingin at hindi na ako pinansin.
'She's scary, girl.'
'Yeah you're right. Always remind me na don't mess up with her, okay?'
'She's unbelievebable, bro.'
'And she's interesting, really.'
Sunod-sunod nilang bulungan. Napalingon nanaman ako sa buong classroom at hinanap ang matang ramdam kong nakatitig sa'kin, ang moron na kinaiinisan ko.
Great, whole year yata akong maiinis sa kanya. Good luck to me then.
--
Natapos ang first day ng medyo smooth naman, hindi na 'ko bwinisit ng moron na 'yon, mabuti naman.
"Okay class, by tommorow, voting for class officers tayo and next day after that, sitting arrangement. Class dismissed."
Mabilis akong tumayo sa upuan ko at deretsong nilalakad ang pinto pero sabay kaming nakarating ng pintuan kaya naggigitgitan kami sa paglabas.
"Step back, ako ang nauna." Supladong sabi nya at masamang tumitig sa'kin.
"Don't wanna, ako ang nauna kaya ikaw ang umatras." Matapang naman akong sumagot.
"Bro, let her out first, ladies first right."
Napalingon ako sa likod at hinanap sa mga kaklase ko ang nagsalita, it's Jairo.
"Umalis kana bago pa kita masaktan." Cold kong sabi tapos ay tinitigan sya ng masama.
"Dare me." Umangat ang gilid ng labi nya at parang hinahamon talaga ako. 'Ah, gusto mo ng pisikalan ah!'
"If that's what you want." I twisted my foot to his dahilan para mapatid sya patalikod at bago pa sya matumba, nahawakan na sya ni Jairo sa braso. Nagulat sya pero agad din namang nakabawi.
"Woah, chill! What a damn quick reflexes, ni hindi man lang namin nakitang gumalaw ka." Hindi ko sya pinansin at binalingan ng tingin ang moron na 'to.
"Told ya'." Deretso akong lumabas ng pinto at iniwan silang nakatanga ro'n.
--
Naglalakad na 'ko sa hallway ng campus ng mapansin ko ang malalagkit na tingin ng mga schoolmates ko, may lumapit sa 'king babae at mataray na sinuyod ang buong pagkatao ko, bakit may clown dito?
"Billie, right?" Mataray nyang tanong, tinaasan ko lang sya ng kilay. "Well, bakit ginawa mo 'yon kay Yuan? 'Di mo ba sya kilala?!"
Galit sya at sinisigawan ako sa harap ng mga tao. "Yung moron ba na 'yon ang tinutukoy mo? Wala akong pakialam sa kanya kaya umalis ka sa harap ko at nang makauwi na 'ko." Nakaismid kong sagot.
"They're right, nakakatakot ka, pero ibahin mo 'ko bitch." Nakataas pa ang dalawang kilay nya habang sinasabi 'yon.
Bahagya akong lumapit sa kanya at tinapatan ang mukha nya. "Bitch? Wag mong tawagin ang sarili mo, mahiya ka naman. School 'to hindi birthday party kaya hindi kailangan dito ang clown na tulad mo."
Narinig ko ang tawanan sa crowd, mukha ba kaming sinehan dito?
"How dare you?! 'Di mo ba ako kilala?! You bitch!" Galit nyang sigaw at akmang sasampalin ako pero mabilis kong nasalo ang kamay nya. Hindi ang isang tulad ng clown na 'to ang mananakit sa mukha ko.
"Wala akong paki sa'yo, kaya tigilan mo 'ko kung ayaw mong baliin ko na sa susunod 'tong kamay mo, maliwanag?" Ibinagsak ko ang kamay nya aniwan ko syang nakatanga do'n na akala mo naman ay nag-aapoy sa galit pero wala namang binatbat.
First day pa lang ang dami ng asungot na bwisit sa'kin. Para sabihin ko lang sa inyo, hindi ko ugali ang magpatalo, magpadaig sa mas mataas sa'kin o sa kahit na kanino. Nanay ko lang ang kinakatakutan ko kaya wala akong paki sa mga taong makakabangga ko, magsama-sama pa kayong lahat.
Mabait ako, pero pag ako inunahan nagiging demonyo ako. Cold yet sweet, 'yan ang ugaling meron ako bukod sa pagiging cool ko 'daw' sabi ng marami.
Yung mga sinabi ko sa harap ng classmates ko? Totoo 'yon, talented nga daw ako ika nga ni Mama, hindi ako nagyayabang lang.
Yung ugaling pinapakita ko sa kanila? Totoo rin 'yon, hindi ako plastic na tao. Prangka ako magsalita, maraming na-o-offend but hell I care. Truth hurts 'di ba? Wala silang choice kundi tanggapin ang mga salitang lalabas sa bibig ko, madaldal ako pero mabibilang lang sa daliri ko ang mga taong nakakakita ng ibang side ko.
Kung anong mangyayari sa susunod na pagpasok ko ay hindi ko alam at wala akong pakialam, gano'n pa rin ang ugali ko at hindi na magbabago 'yon.
**
Yuan Bryle's POV
I'm Yuan Bryle Buendiola, ang susunod na magmamana ng school kung saan ako pumapasok. Kung saan nakilala ko ang bukod tanging babae. As in, BUKOD TANGI.
Billie Mara Gonzales. Una palang hindi ko na feel ang tulad nya. Boyish kung pumorma, kung magsalita, kung kumilos, nagtataka nga ako kung totoo bang babae ang idiot na 'yon.
Sya lang ang nakakagawa ng mga bagay na 'yon sa'kin, wala nang iba. SYA LANG. Dati pag sinabi kong 'DONT MESS UP WITH ME', no one would dare... until she came.
She's brave, aaminin ko. Kung sigaw sigawan nya ko parang hindi ako nagbanta, kung barahin nya ko parang hindi ako anak ng may-ari ng school na 'to. Para syang walang kinakatakutan, napaka talented pa nya. Bihira sa babae ang may sport na muai thai ah.
Taekwondo black belter ako, kaya hindi ko lubos maisip kung bakit muntik na akong mapatumba ng babaeng 'yon... she's strong and quick. Hanggang sa paglabas nya ng campus sinundan ko sya kaya napanuod ko ang munting eksena nila ni Bea, one word.
AMAZING.
**
YOU ARE READING
WAY TO FOREVER (UN-EDITED)
Teen Fiction"WAY TO FOREVER" By: Elisayne Hons :(: PROLOGUE Forever ba kamo? Isa 'yan sa hindi pinaniniwalaang salita pero marami ang gustong makaranas, pitong letra pero bago mo pa makuha 'yan, katakot-takot na sakit muna ang pagdadaanan mo. Paano? Eh ikaw...
