Chapter 2: Yuan Buendiola

26 2 0
                                        

Billie's POV

"Ma nandito na po ang nag-iisa nyong magandang anak!" Sigaw ko habang papasok ng aming munting bahay, hindi kami mahirap. Hindi din naman mayaman, kumbaga sakto lang haha. And yes, you read it right. Nag-iisang anak lang ako ng aking butihing ina, kung itatanong nyo kung may tatay ba 'ko, sa palagay ko wala. Wala talaga. Kaya 'wag na kayong magtanong.

"Oh anak sakto ang dating mo. Luto na ang tanghalian, halika na."

"Mabuti na lang ma, gutom na 'ko eh. Nagutom ako sa pesteng bwiset na lalaking 'yon!" Sabay upo sa harap ng hapag at kumuha ng plato at nilagyan ng pagkain, malamang.

"Bakit? Ano bang nangyari, at kumusta naman pala ang pag-eenroll mo?"

"Nako Ma, may aroganteng lalaki lang akong na-encounter kanina sa school, ang yabang! Akala nya naman aatrasan ko sya? Tss, asa! Ano pang silbi ng pagiging muai thai player ko." Mayabang kong sagot.

Oo tama ulit kayo ng basa, sports ko ang muai thai. Natuto ako no'n nung first-year highschool pa 'ko. May muai thai club no'n sa school, naging interesado ako kaya sumali ako.

Kaya ko nasabing, 'Babae ako, pero hindi lang ako basta babae.'

--

Fast-forward...

Sa tatlong araw kong paghihintay, sumapit na rin ang first day of school, nakaready na 'ko... di naman ako masyadong excited 'no?

"Ma, baon ko, aalis na po ako!" Sigaw kong paalam kay Mama na kasalukuyang naglalaba.

"Nasa ibabaw ng drawer 'nak! Allowance mo na 'yan for the whole week." Sagot nya.

Pumunta ako sa drawer namin at do'n ko nakita ang 1000php. 'Ayos na 'to matipid naman ako eh!' Natawa pa ako dahil sa naisip. "Thank you, Ma. Alis na po 'ko!" Sigaw ko at hindi na hinintay ang sagot ni Mama.

Nag-bike na 'ko papuntang BU, at maaliwalas naman akong nakarating. 15-20 minutes lang naman ang layo. Basic lang sa'kin 'to.

Ang ganda ng mood ko ngayon. First day, be good to me.

Kinadena ko malapit sa guard house ang bike ko. Tahimik akong naglalakad sa hallway ng school, ang gara talaga nito, hindi nakakasawang tignan.

Narinig kong tumunog ang bell at napansing iisa ang pinupuntahan ng mga tao, ang quadrangle. Jeez, here comes the flag ceremony thingy. Akala ko sa highschool lang may ganito, tsk!

Nagsimula na ang flag ceremony at ibang paalala tungkol sa school, akala ko tapos na pero hindi pa pala, tss! Ang init kaya dito! Sana air-conditioned na lang din pati quadrangle eh 'no?

"Wait a minute students, may gusto lang sabihin ang anak ng may-ri ng school na 'to at ang susunod na tagapagmana ng Buendiola University." Sabi ng emcee at malawak na nakangiti.

"Good morning everyone." Cold na sabi ng boses ng lalaking sinasabing heir ng school na 'to, I didn't throw a look, I don't care anyways. "As the heir of this school, only one rule I want for your own sake, students..." Tumigil sya saglit. "DON'T.MESS.UP.WITH.ME. That's all." Napalingon ako agad sa stage at halos lumuwa ang mata ko ng bago pa sya makababa ay nakita ko ang mukha nya, ang lalaking peste! This can't be!

"And oh, the idiot girl I called. If you're here, I'm YUAN BUENDIOLA. Just so you know." Mayabang nyang ipinakilala ang sarili nya habang nakatingin sa'ming lahat.

Kanya-kanya namang bulungan ang ibang tao at tinatanong ang bawat isa kung sino yung special mention nya.

I'm dead! Did I just really mess with the wrong person? Aba malay ko ba! Sana hindi nya ako mamukhaan sa susunod. Kainis! Gandang bungad naman ng first day na 'to!

After no'n pinapunta na kami sa kanya-kanya naming rooms. Naglalakad ako to find my room when someone bumps into me, AGAIN. Don't tell me...

"Hey, are you blind?!" 'Yang linya nanamang 'yan?! Pero iba ang boses eh, nung nagtaas ako ng tingin, nakahinga ako ng maluwag. Hayy, salamat naman sa'yo ah.

"I'm sorry, may iniisip lang. " Paalis na sana ako ng magsalita pa sya.

"Oh you're the cool girl from the enrollment day, right?" Tinitigan ko ang mukha nya, mabuti nalang mabilis ako makatanda ng mukha.

"Ah, isa ka do'n sa mga lalaking nakatitig sa'kin." Walang gana kong sabi.

"Yeah, you're so cool that time so that's why."

Ngumiti ito ng malaki, killer smile mo na 'yan?

"I didn't ask though, got to go."

"Woah, you really are cool... Interesting." Narinig ko pang sinabi nya na hindi ko na rin naman pinansin.

Nagpatuloy ako sa paghahanap ng room 143, funny room number, jeez. Nang makita ko ito, deretso akong pumasok.

--

"Goodmorming Ma'am." Magalang kong sabi pagkapasok ko, naghahanap ako ng uupuan ng magsalita ang teacher namin.

"Sit in the first row, second to last..." Kaya sinunod ko naman, malamang. "Proceed." Sabi nya, what is she talking about? Tas may isang student na pumunta sa harap at nagpakikala. Ahh, introduce yourself. How boring.

"Next." Rinig kong sabi ng teacher, nakatingin lang ako sa bintana dahil parang nando'n ang utak ko ngayon. "Second to the last, first row!" Sigaw nito, bago pa 'ko mapahiya ng tuluyan tumayo na ako, ba't ba nakalimutan ko, tsk.

"Sorry Ma'am." Tumayo agad ako at pumunta sa harap. "Morning, I'm Billie Gonzales." 'Yon lang ang sinabi ko at paalis na sana ako sa harap ng magsalita ang teacher namin.

"You're not paying attention Ms. Gonzales, hindi lang pangalan ang sinasabi sa harap." Ha? "Sports is included." Dagdag pa nya.

Ah 'yon lang pala eh, tumayo ulit ako sa harap pero bago pako makapagsalita bumukas ang pinto at niluwa no'n ang kinaiinisan kong tao.

Fvck!

Is destiny playing with me?! Kasi sa totoo lang, hindi po nakakatuwa!

"Sorry, I'm late." Sabi nito.

"It's okay, Mr. Buendiola. You may sit now." Sagot naman ng teacher. "Continue, Ms. Gonzales."

Bigla akong kinabahan sa presensya nya. Kaya ko 'to. Breathe in, breathe out.

Eh ano naman kung anak sya ng may-ari ng school? Sa kanya ba ako magpapasa ng requirements? Sya ba magbibigay ng grades sa'kin? Sya ba teacher ko? Hindi naman 'di ba?!

Kaya okay lang, okay lang kung magkaaway kami. Pag-away, away lang... walang personalan.

'Sige, okay lang 'yan, Billie. Kumbinsihin mo lang ang sarili mo. I-gaslight mo pa sarili mo.'

Kainis talaga!


**

WAY TO FOREVER (UN-EDITED)Where stories live. Discover now