"Tignan nalang natin kung matanggap kayo sa gagawin ko," bulong ko.

Nagderetso na nga ako sa pagpasok sa loob nito. Pinagtinginan ako pagdating ko rito sa 13th floor. Maging sa paligid nito ay mukhang sikat na talaga ako. Bakit kasi hindi? Dahil sa angas ng dating ko ngayon at nagkalat kong mga magazine. Agad kong nakita 'yung dalawang bruha na kausap 'yung lalaking Manager kaya bahagya akong nagtago.

Tigilan nga nila ako sa pautot nilang 'yon, ang galing nilang manguto. Ngayon, ipaparanas ko sa kanila kung gaano mawalan ng importanteng bagay sa sarili nila. Ngayon, sisimulan ko na.

Agad akong lumapit sa lalaking Manager at hinila ang necktie niya papasok sa loob ng office niya. 'Yung itsura ko parang nang-aakit ako kaya nang makita ako nung dalawa gulat na gulat sila.

"Hey! I'm Miss Sophia Zamora," pagpapakilala ko nang makapasok kami rito sa loob. Nakikipagkamay pa nga ako sa kanya. Medyo nagulat siya sa una pero nang makilala niya ako ay tuwang-tuwa na siya. Nawala 'yung atensyon niya kina Moira at Nana.





NANA'S POV

"Anong ginagawa niya rito?!" sigaw ko sa inis nang makita naming nandito rin si Sophia.

"Oh, my gosh! Girl, hindi kaya bawiin nung Manager 'yung pagtanggap niya sa atin sa trabaho?"

"Ano ka ba! Hindi ka dapat pumayag kapag nangyari 'yon!"

"Eh, bakit kailangan mong sumigaw?! Tingin mo ba papayagan kong mangyari 'yon? Humanda siya sa akin paglabas niya riyan!"

"Ginagalit niya talaga ako! Inagaw na nga niya 'yung Shining Company sa akin, si Darren, at pati ba naman dito? Hindi ako makakapayag!"

Halos pagtinginan kami ng mga tao dahil inis na inis kaming dalawa ni Moira. "Oh, ano?! Meron bang movie para tumigin kayo sa amin, ha?!" sigaw niya ro'n sa mga itchusera.

"Omg! Ang gaganda nga nila pero ang papangit naman ng mga ugali."

"Oo nga. Ano ba 'yan!"

"Hoy! Anong sinabi n'yo?!" Sigaw ko rin nang marinig ko 'yon sa dalawang babae tapos binato naman sila ni Moira ng coke 'n can. Pero 'di sila natamaan no'n pero dali-dali silang umalis. Napaupo nalang kaming dalawa sa Bench dahil sa sobrang inis.




SOPHIA'S POV

Gotcha! Ang dali lang naman palang kausapin 'tong Manager dito. Nakipagkamay ako sa kanya bilang pagbati at pasasalamat na hindi nila tatanggapin sina Moira at Nana rito sa kompanya nila dahil sa maruming record nila sa Modeling Industry kaya pumayag ito.

Tama lang naman siguro ang ginawa ko para makarealize sila sa ginawa nilang pagkakamali.

Pag labas ko rito nakita ko sila sa bench na nakaupo. Pero alam kong kukuyugin nila ako kaya nag-iba ako ng daan para 'di nila magawa sa akin 'yon.





NANA'S POV

"Ayan na 'yung Manager," sabi ni Moira kaya agad kaming tumayo pero ang pinagtataka namin hindi na niya kasama ang pangit na si Sophia.

"I'm sorry pero makakaalis na kayo. Hindi namin kailangan ng katulad ninyong mga modelo rito."

Nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabi nito. Nagpigil lang kami ng galit namin. Sigurado kaming may ginawa ang pangit na 'yon para hindi kami matanggap dito.

Napatikom ang mga daliri ko. Humanda siya sa akin.

"Umalis na tayo rito! Bilisan natin dahil gustong-gusto ko na siyang sabunutan!" Nagmadali kaming bumaba ni Moira.

"Humanda siya sa akin. Makakatikim talaga sa akin 'yung babaeng 'yon!"

Pagbaba namin sa elevator agad namin siyang nakita na papalabas sa front door kaya nanakbo kami papalapit sa kanya.

Pinagtulungan naming hablutin 'yung buhok niya kahit na nakatalikod siya. Wala kaming pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao rito sa labas ngayon.

"Napakawalang hiya mo talaga!"

"Inagaw mo na nga sa akin si Darren, tapos ano, ha?! Ano pang gusto mo?!"





SOPHIA'S POV

Sabi na nga ba atmangyayari 'to. Pero ayos lang lalaban ako sa kanila kahit dalawa pa sila. "Mgabruha rin kayo! Mga mamamatay tao kayo! Hindi dapat kayo mabuhay sa mundo!"bulyaw ko rin sa kanila at nagsabunutan kami. Walang nakakaawat na mga guard saamin.

"Hoy! Tama na 'yan! Bitiwan n'yo siya!" Nagulat naman ako nang may isang babaeang tumulong sa akin at pinaghahampas niya sina Moira at Nana ng tray na hawakniya.

Natulala ako kasi hindi ko expected na may tutulong sa akin. Tingin ko sa kanyakasing edad ko lang siya. At sa suot niyang 'yon, mukha siyang service crewdito sa kabilang restaurant.




Ehdrey Mae Zapata POV:

"Your fired Miss Zapata!"

Ito lang naman 'yung sigaw ng Manager ko sa akin kaya lumabas na ako para kuhain 'yung bag ko na ibinato niya kanina sa kalsada. Nakakaiyak naman. Wala naman kasi sigurong masama kung tumulong ka sa may nangangailangan.

Napaupo nalang ako rito sa labas ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko sabay tingin sa kawalan. Napabuntong hininga ako.

"Hi!" Nang bigla akong lapitan ng isang babae kaya tumingala ako sa kanya. Siya 'yung babaeng tinulungan ko kanina na pinagtutulungan ng dalawang babae sa kabilang building. "Ako nga pala si Sophia Zamora. Anong pangalan mo? Gusto kong magpasalamat sa pagtulong mo sa akin kanina."

Nakikipagkamay siya sa akin at sa tingin ko mabait naman siya. Maganda siya at magara ang suot. Mukha siyang model sa itsura niya. "Tawagin mo nalang akong Ehdrey," hayag ko nang iabot ko ang kamay ko sa kanya habang nakangiti. Nagkangitian kaming dalawa.



Votes & Comments are highly appreciated.

Author's Note: Bawat chapter ay maiksi lamang. Hindi kasi expected noon ni Author (MsjovovdPanda) na sisikat ang mga akda niya at magiging libro kalaunan. Salamat! 

Campus King meets Miss Pangit (Book 2)Where stories live. Discover now