Oh si kuya Chad?

"Ano? Ngayon na talaga?"

Ano kayang problema?

"Sige." Sabi nya at ibinaba nya na ang cellphone.

"Sarah, I'm sorry ayos lang ba kung ihatid na muna kita sa bahay nyo dati? Kailangan ko lang kasing bumalik ng mansion ngayon." Sabi nya.

"B-bakit? May nangyari ba kay Dad?" Pag-aalala ko.

"Hindi, ayos lang si Dad. Si Tito Alfred matalik na kaibigan ni Dad naroon siya ngayon at mayroon daw kaming importanteng bagay na dapat pag-usapan. I think tungkol ito sa kumpanya. Kaya huwag kang mag-alala."

Ganon ba.

"Sige, ayos lang. Naiintindihan ko naman."

Kung importante nga, I think introducing Erik to Aling Lorna can wait.

"Thank you talaga Sarah." he sincerely said.

"Ano ka ba. Maliit na bagay."

And he just chuckled.

At nakarating na rin kami sa harap ng bahay namin dati.

"Dito na lang ako huwag mo nang ipasok ang sasakyan sa gates." Sabi ko.

Para madali nalang siyang maka-alis.

"Okay sige. Take care." He said.

Lalabas na sana ako ng bigla ny namang hinawakan ang isa kong kamay at hinalikan nya saglit.

"Sorry ulit kung hindi kita masasamahan. Susunduin nalang kita." Sabi nya.

"Sure. No problem. Ingat din Erik." Sabi ko at ngumiti ako sakanya.

And with that pumasok na ko sa gates and likewise his car left.

*sigh*

Though sayang at hindi ko masasabi kay Aling Lorna na engaged nako na kasama si Erik.

Habang sinamahan naman ako ng isang guard papunta sa entrance ng mansion dahil wala akong payong and he insisted on carrying one for me.

Napansin ko naman ang ilang mga sasakyan at mukhang may mga karagdagang bantay sa paligid.

"Manong may bisita po ba sa mansion ngayon?" Tanong ko.

"Naku Ma'am hindi ko po alam wala po kasi kong duty kahapon at kanina lang pong umaga ang shift ko." Sagot nya.

"Ah sige, ganon ba."

At nasa harap nako ngayong ng dalawang malaking pintuan ng mansion.

"Maiwan ko na po kayo Ma'am" paalam ni Manong guard at nginitian ko nalang din siya.

Something's not right.

*sigh*

At pumasok nako.

Kagaya nga nang naisip ko mukhang may panauhin ngayon dito.

Pansin ko ang mga abalang kasambahay dito ngayon.

Natigilan naman ang ilan ng makita ko.

At umalis pa agad yung isa.

Saan ba yon pupunta, mukha ba kong nakakatakot?

*sigh*

At di nagtagal bumalik siya kasama na si Aling Lorna.

"Aling Lorna!" agad kong bati at niyakap ko agad ang matanda ng makalapit ako sakanya.

"Sarah buti naman at na dalaw ka muli dito. Miss na miss na kita ija." Sabi nya.

MFSBI II: Eyes Of LifeWhere stories live. Discover now