She's so damn mysterious.

Hindi na ako muling nagsalita hanggang sa makarating na kami sa kanyang kwarto. Unang paghakbang ko pa lamang sa kwarto niya ay sumisigaw ng nang karangyaan pero hindi mahahalatang babae ang may ari ng kwarto dahil sa sobrang kasimpehan ng ayos nito.

Nakahanda na sa napakalaking kama niya ang mga damit na susuotin namin. Typical agent outfits. Hindi ko mapigilang hindi muling itaas ang aking kilay nang walang pakundangan maghubad sa harapan ko sa Savannah.

She has the body to flaunt, kaya malakas ang loob niya. Kahit alam kong mas maganda ang katawan niya sa akin ni kaunti ay wala akong maramdamang kahit anong inggit sa sarili ko. Maganda rin naman ang katawan ko, bakit pa nabaliw ang magmiminang Ferell na 'yon sa akin kung wala akong maipagmamalaki?


"Are you just going to envy my body? Get change we need to hurry.." napairap na lang ako sa sinabi niya bago ako nagsimulang maghubad at magbihis. Hindi nalingat sa mga mata ko ang pag iling niya nang makitang marami pang naiwang pulang marka sa akin si Tristan. Wala akong pakialam.

Pareho lang ang disenyo ng suot namin ni Savannah. A black fitted all over with complete set of holster, from handgun, grenade, knife, rope and an electroshock. Mas ibinaba niya nga lang ang zipper sa parte ng dibdib niya dahil siguro sa sobrang kalusugan.

Sinipat ko ang dibdib ko, kung ibaba ko rin kaya? Muli na lang akong napairap at piniling itaas ito nang makitang may pulang marka ako na makikita. Damn Ferell and his digging marks. Hindi ko na ipinusod ang buhok dahil maiksi naman ito.


Kasalukuyan akong nakatungo habang inaayos ang sintas ng sapatos ko nang may maramdaman kong may kung anong tatama sa akin.

Sa nanlalaking mga mata ko ay mabilis akong gumulong papalayo sa posisyon ko dahil sa malaking flower vase na basag na sa sahig na muntik nang tumama sa akin. Shit!


"What the fuck is wrong with you Savannah!?" malakas na sigaw ko habang pinagmamasdan ko siyang pinapagpagan ang kanyang dalawang kamay na siyang may hawak ng vase kanina.

Paano kung tinamaan ako?


"Sayang, hindi tumama" muli na naman akong napamura sa sinabi niya. Nagmadali akong tumayo at inihanda ko ang sarili ko, agad kong ipinuwesto ang dalawa kong kamay sa aking harapan para maprotektahan ang sarili ko sa anumang gagawin niya. What the hell is happening with her?!

Napansin ko na may hawak na itong itim na latigo na mukhang handang handa nang ihampas sa akin. Fuck!


"Savannah, hindi ako nakikipagbiruan sa'yo.." madiing sabi ko habang nagsisimula na akong humakbang na tinatansa ang bawat paggalaw niya. We're like a two lions making circling path while calculating each other's move.


"Hindi rin ako nakikipagbiruan, you good for nothing heiress" pakiramdam ko ay kumulo ang lahat ng dugo ko sa aking katawan dahil sa sinabi niya. Alam ko talagang hindi kami magkakasundo ng babaeng ito.


"Now, lumabas na ang totoong ikaw. So you wanted me dead? Alam ko namang si Tristan lang ang gusto mong tulungan simula't umpisa.." patuloy lang kami sa pag ikot dalawa na kapwa kinakalkula ang pagkilos ng bawat isa.

Pinakikiramdaman kong mabuti kung kailan niya na ihahampas ang kanyang latigo sa akin. Yes, I have my handgun with me but I don't want to use it. I'll give her a goddamn fair play. At kahit alam kong magaling siya lalo na at nakasama siya ni Tristan at Gray noon, hindi kayang tanggapin ng pride ko na hindi ko sinubukang makipagsabayan sa kanya. I have trained for years, have countless missions and played with death in several times. Hinding hindi ko siya aatrasan.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Where stories live. Discover now