Chapter 11

259K 9.4K 1.7K
                                    

Chapter 11


Isang linggo ko nang hindi pinapansin si Tristan katulad nang kung anong pinag usapan namin ni kuya. Ano pa ang dapat naming pag usapan? Lalong ayokong magtanong sa kanya ng mga bagay na nalalaman ko. Para saan pa? Para ipamukha niya sa akin na ginagamit niya lang ako?

Nananatili akong kaibigan ni Florence, siguro naman ay sa takdang panahon ay magsasabi siya sa akin ng totoong sitwasyon niya. Magsasabi siya sa akin ng mga itinatago niya. We're friends at alam kong naghihintay lang siya ng tamang panahon para sabihin niya ito sa akin. Kung natatakot siya na baka layuan ko siya dahil sa banta sa kanyang buhay na sinasabi ng kuya ko, hinding hindi mangyayari 'yon. Dahil hindi na ako nagugulat o nababaguhan man lang sa mga bantang ganyan. Dahil higit na mas madaming banta na ang buhay ko simula nang isilang ako sa mundong ito.


Muli na naman akong napabuntong hininga sa harap ng Gyro Nella, ilang beses pa kaya ako papasok sa loob ng campus na ito na may ganito kadaming iniisip?


"Pagkatapos ng klase, umuwi ka na agad" tumango na lang ako sa kuya ko bago niya pinaandar ang kanyang sasakyan.

Nang makarating ako sa classroom namin ay agad nangunot ang aking noo nang makitang may taong nakaupo na sa aking pwesto. Si Tristan Ferell lang naman na nakataas pa ang paa sa lamesa habanhg diresto ang titig sa akin na parang ako lang ang nakikitang tao sa dami ng mga matang nakatitig sa kanya ngayon.

Sa lahat ng kababaihan sa loob ng classroom na ito ay si Florence lamang ang hindi nakatitig sa kanya na prente lang nakaupo at nakapangalumbaba habang nakatingin sa labas ng bintana.


Mabilis kong inilihis sa ibang direskyon ang aking paningin. Damn his eyes. Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba ay pinabayaan niya na ako? Sa loob ng isang linggong hindi ko pagpansin sa kanya ay ngayon lang siya muling nagtangkang lumapit. Damn.

Bakante ang unahang upuan kung saan nakaupo si Tristan. Dahil wala naman akong mapapagpipilian ay dito na ako dumiretso, pilit kong iniiwas ang aking mga mata sa kanya habang nagsisimula na akong maglakad papunta sa aking upuan.

At napahinga na lang ako ng maluwag nang tuluyan na akong nakaupo na walang nangyayaring aberya. Hindi na maganda ang pakiramdam ko, kahit hindi ko siya nakikita ngayon alam kong mariin niya akong pinakatititigan mula sa aking likuran. Ano ba talaga ang gusto niya?


"May bago tayong kaklase, Florence?" nawala sa pagkakatulala si Florence nang biglang umupo si Ashong sa kanyang lamesa habang bahagyang sumusulyap kay Tristan Ferell na nananatiling tahimik sa aking likuran.


"Hindi ko alam" maiksing sagot ni Florence kay Ashong habang may makahulugang pagtaas ng kilay sa akin.


"Lina, kanina ka pa?" tanong niya sa akin.


"Ngangayon lang" maiksing sagot ko.


"Walang upuan?" narinig kong sabi ni Tristan. Kahit si Florence ay naagaw rin ang atensyon, kasalukuyan lang namang kinakausap ni Tristan si Ashong na nakaupo sa lamesa ni Florence.


"What about your manners?" mabilis na sagot ni Ashong. Sigurado ay nakataas pa rin ang paa ng mayabang na Ferell sa lamesa.

Napaismid na lang ako sa aking narinig, masyado naman pala akong nag iisip na ako ang ipinunta niya dito. He's here because of Florence.

Hindi siya sinagot ni Tristan at nanatili itong tahimik na lalong nagpagasumot sa mukha ni Ashong, sa huli nagkibit balikat na lang ito at bumalik na sa kanyang pwesto. Hanggang sa abutin kami ng klase ay hindi pa din umaalis si Tristan na ipinagtataka na rin ng mga regular na estudyante sa section na ito.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon