Chapter 21

256K 8.5K 1.8K
                                    

Thanks @KhyMhy0918 :)


Chapter 21


Pauwi na kami at nakatigil ngayon ang sasakyan namin sa tapat ng isang maliit na tindahan dahil bigla kaming nauhaw at nakalimutan naming magdala ng mineral water para sa mahaba naming biyahe. Kanina lang ay tumigil din kami sa isang tindahan para bumili naman ng candy. Bakit ba pakiramdam namin ni Florence ay sinasadyang patagalin ng mga Ferell ang aming biyahe?



"Bilisan mo Tristan" sabi ni Owen na siyang driver ng sasakyan namin.

Bumaba na si Tristan para bumili ng tubig, mabilis naman akong sumunod sa kanya para samahan siya. Sa harapan ng tindahan ay may ilang mga tambay na naglalaro ng chess na nagtatawanan at nagbibiruan. Bakit hindi na maganda ang pakiramdam ko dito?

Nilampasan namin sila ni Tristan at sumilip na kami sa tindahan.



"Tristan, parang walang tao. Wag na tayong bumili" bahagya kong hinila si Tristan lalo na nang mapansin ko na nakangisi sa akin ang isang lalaki.

Bumaling si Tristan sa kumpulan ng mga tambay na siyang pinagtaka ko.



"Excuse me? Alam nyo po ba kung nasaan ang nagtitinda dito?" magalang na tanong ni Tristan sa mga naglalaro ng chess.



"Aanhin namin ang magtitinda dyan? Iluluto?" halos mapanganga ako sa sagot ng lalaki. Maayos kaming nagtanong!

Hahawakan ko na sana si Tristan para umalis na lang kami nang manlaki ang mata ko dahil basta na lang sinipa ni Tristan ang nilalarong chess board ng mga tambay.



"Tang ina! Bastos ka!" sigaw ng isang lalaki. Nagtayuan na ang mga tambay. Agad akong inilagay ni Tristan sa kanyang likuran. Mabilis din na nabuksan ang van na sinasakyan namin at agad na bumaba ang mga pinsan ni Tristan. Napasigaw na lang ako nang mabilis nahila ni Owen ang balikat ng nakatalikod na lalaki at inumbagan niya ito ng isang malakas na suntok sa mukha na nakapagpatumba dito.

What the hell? Nauna pa siyang sumuntok kay Tristan?



"Anong nangyayari?" tanong ni Owen pagkatapos niyang makasuntok ng isa. Hindi ba dapat itanong niya muna kung ano ang nangyayari bago siya sumuntok? Napansin ko na may humawak na sa magkabila kong balikat.



"Pumasok ka na sa loob ng van Lina" si Nero pala na nasa likuran ko na agad. Nang marinig ni Tristan ang boses ng pinsan niya ay tumango ito sa akin bilang pagsang ayon sa sinabi ni Nero.

Nakaalalay sa akin si Nero hanggang sa makarating kami sa van na hindi nahaharang ng mga tambay. Sumalubong sa akin si Florence na kunot na naman ang noo. Pagkapasok ko sa van ay malakas nang isinara ni Nero ang van.



"Bakit ba ang tatapang ng magpipinsang 'yan?" iritadong sabi ni Florence. Napasulyap ako sa bintana. Kasalukuyan na silang nagtutulakan at hindi malayong uuwi ang mga itong may putok na kung ano sa kanilang mga mukha.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon