Chapter 14

250K 9.6K 3.5K
                                    

Chapter 14


Nagsisimula nang magdatingan ang mga estudyante na may kani kanilang mga dalang props at custome na gagamitin sa performance. Dahil ang aming section ang unang sasalang kanina pa kaming tapos mag ayos kaya nakaupo na lang kami ni Florence dito sa likuran para makapanood.

Halos magbulungan ang mga kababaihan nang pumasok na ang mga Ferell sa auditorium sa napakayabang na paraan. Agad kumaway sa akin si Tristan nang makita niya ako sa dagat nang mga tao habang ang kanyang mga pinsan ay nanatiling mga seryoso at mukhang mga kinakabahan.

Narinig kong nagpipigil na nang tawa si Florence.


"Shit. They're all nervous" hindi na napigilan ni Florence ang mapatawa.


"Hindi ko nga akalain na kinakabahan din pala sila. They love attentions, bakit kailangang kabahan?" naiiling na sabi ko.

Nagsimula nang magperform ang section namin. Dahil nauuso ang Romeo and Juliet, ito ang napili ng buong klase. At habang nanunuod kami, hindi ko kayang hindi humanga sa mga kaklase namin sa galing sa pag arte.

Napansin ko na nagpapahid nan g luha si Florence sa gilid nang kanyang mga mata.


"I hate death. I really hate it" inabot ko sa kanya ang panyo ko.


"Lahat naman ng tao ayaw kay kamatayan Florence. Pero kailangan nating tanggapin na lahat tayo dadating dyan" malumanay na sagot ko.


"Yes, alam kong dadating tayo diyan. Sabihin mo na akong makasarili, pero sa sandaling muli kong makaharap ang salitang 'yan. Mas pipiliin kong mauna sa kanya.." nangunot ang noo ko sa sinabi ni Florence.


"I don't like it Florence" tipid lang siyang ngumiti sa akin.

Nawala kami sa aming pag uusap nang mabingi kami sa lakas ng palakpakan. Tapos na ang section namin at halos lahat ng manunuod ay nakatayo sa paghanga.


"Kahit kailan hindi ko nagustuhan ang Romeo and Juliet" matabang na sabi ko.


"Okay lang naman" maiksing sagot niya sa akin.


"Who's next?" tanong ko kay Florence.


"Ang alam ko pangalawa sa bunutan ang victory" kung ganun ang mga Ferell na ang sasalang. At halos mapangisi na kaming sabay ni Florence habang hinihintay ang pagbubukas ng kurtina ng stage. Siguro ay nagseset up pa sila, pagbigyan baka sobrang ganda ng performance nila.

At nang sandaling mabuksan ang ilaw, unang nakita sa stage si Nero na kunot na kunot ang noo habang may dalawang sangang hawak na punong puno ng mga dahon. Malakas tumawa si Florence sa nakikita sa boyfriend niya na hindi na maipinta ang mukha.

Pero hindi pa rin mawala ang pagtili nang mga kababaihan kay Nero kahit mukhang tanga na ito sa mga hawak niya.


"Ang gwapo naman po ng puno!" sigaw ng isang babae mula sa unahan. Lalo lang lumakas ang pagtawa ni Florence.


"I'm so proud of you Nero!" malakas na sigaw ni Florence na utas pa rin sa katatawa. Lalo lamang nangunot ang noo ni Nero sa malakas na sigaw ng kaibigan ko.

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon