Chapter 72

180K 6K 838
                                    

@ClaireCoz  


Chapter 72


Napatitig na lang ako sa sinabi ni Savannah. Is she damn serious? Sa tingin niya ba ay magpapakababa ako para maging isa sa mga alipores niya?

I am Lieutenant Isabella Valentine Satchel, the heiress of the formidable Sous L'eau agency. There is no million ways for me to accept her insanely invitation.


"Excuse me?" nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. Hanggang kailan niya susubukang ubusin ang pasensiya ko?

Agad humarang sa unahan ko si Tristan at humarap ito kay Savannah. Alam kong hindi rin nagustuhan ni Tristan ang narinig niya mula sa babaeng ito.


"Are you insulting me Savannah? She won't join your group.." matigas na sabi ni Tristan na siyang inaasahan ko. Tanging kibit balikat lang ang isinagot sa kanya ni Savannah.

She's damn annoying.


"Did you prepare everything Savannah? Or just the car, guns and your oh so good plan?" pagsingit ni Gray sa amin na parang hindi niya nararamdaman ang tensyon sa pagitan naming tatlo.


"I did, napahanda ko na rin ang susuotin nyo ni Matteo. And you Isabella, follow me. We need to get change already.." sagot niya na parang hindi niya pinainit ang ulo namin ni Tristan. Ayoko man sumunod sa mga sinasabi niya ay wala na akong magagawa. Damn.


"Alright, see you in 5 minutes. Nasa pangalawang kwarto sa kanan ang mga gagamitin nyo" maiksing paliwanag ni Savannah kay Gray at Tristan bago ito tumalikod na mabilis ko namang sinundan.

Gustong gusto ko nang makaalis sa bansang ito, ayoko nang sumunod pa sa mga salita nitong si Savannah. She's too bossy and damn annoying.

Nagsisimula na kaming umakyat sa hagdanan at kung hindi ako nagkakamali ay mukhang sa kwarto niya kami pupunta.


"Are you afraid of death Isabella?" natigilan ako sa tanong niya. Sinong hindi matatakot sa kamatayan? Lahat ng mga tao ay dadating sa puntong ito.


"Sinong hindi?" sagot ko sa kanya habang nanatili akong nakasunod sa kanyang paglalakad.


"Well, I am not" mariin akong napatitig likuran niya. She's just wearing a blue velvet strap top revealing her sexy back.


"Why not? Don't tell me you're in a relationship with Satan.." hindi ko maiwasang hindi magpalipad sa kanya ng mga insulto. Bakit hindi? Maaari ba na siya lamang?

Napatigil ako sa paghakbang nang mapansin ko na bahagya rin siyang tumigil. Wow, hahanga na ba ako sa sarili ko? Naapektuhan na ba siya sa sinabi ko?

Muli pa sana akong magbabato ng insulto sa kanya nang pinili ko na lamang itikom ang aking bibig dahil sa mga salitang hindi ko inasahang magmumula sa kanya.


"I was once inlove with a Satanic man.."


Nang marinig kong sinabi niya ito sa kanyang napakaseryosong boses ay pinili ko na lamang manahimik. Who is this guy? Isa kaya ito kay Tristan o Gray? May koneksyon kaya ang lalaking ito kung bakit siya mayroon ganitong klaseng organisasyon? Kilala kaya ni Tristan o Gray ang lalaking ito?

Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Where stories live. Discover now