Chapter 36

201K 6.7K 2.5K
                                    

Thanks @dosaeyung :)


Chapter 36


After 3 years.


Ilang beses akong napairap habang nakikitang nagsisimula nang maglabasan ang mga katrabaho ko. Damn. Bakit ang bibilis nilang kumilos?

Nagmamadali kong pinatas nang maayos ang mga pending documents na siyang kauna unahan kong aasikasuhin sa lunes. I glanced at my wristwatch, it's almost 9. Damn, how I missed my bed. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog.



Halos tumakbo na ako sa elevator para maabutan ko lamang ito. Pero agad akong nagsisisi nang makitang, makakasabay ko na naman ang katrabaho kong ilang beses ko nang binasted. Bakit napakaswerte mo ngayon Lina?

Pasimple akong dumistansya sa kanya. Shit, ito ang pinaka ayaw ko sa mga elevator. Kapag ayaw mo sa kasabay mo parang mahigit isang oras ang tagal nito para makarating lang sa floor na pupuntahan mo.



"Kamusta Lina? Matagal na tayong hindi nakakapag usap ah" tipid akong ngumisi sa kanya.



"Masyado tayong busy sa trabaho" maiksing sagot ko sa kanya.



"Ahmm, pwede ba n—" hindi ko na siya pinatapos dahil itinaas ko na ang aking kamay sa ere.



"Clint, please? Ilang beses na nating pinag usapan ito. Wa—" ako naman ngayon ang hindi natapos dahil bigla nang nabuksan ang elevator. Agad kong nakita ang isang babaeng may napakapulang lipstick na malapad na nakangisi sa akin. Sa akin nga ba? Nang lingunin ko si Clint ay nakangisi na rin ito.



"Fatima!" nasagi pa ako ni Clint dahil sa pagmamadali niyang makalabas sa elevator para yakapin ang girlfriend niya yata. Good for me and good for him. Pero ang malaking ipinagtataka ko ay ang pag ismid sa akin ng babae nang lampasan ko silang dalawa ni Clint.

Nagkibit balikat na lang ako pero hindi pa man ako nakakailang hakbang palayo sa kanila ay narinig kong tinawag ni Clint ang pangalan ko.



"Makikitext sana ako sa'yo Lina. Salamat!" sa halip na mapatingin ako kay Clint ay masyadong naagaw ang atensyon ko ng nakataas na kilay ng babae.



"No problem" sagot ko na lamang. Akala niya siguro mapapahiya ako? Haist, people nowadays. Wala akong panahon ngayong kumagat sa mataas na kilay ng mga babaeng parang aagawan ng lalaki. I am damn tired for the whole week. Masyado ko lang papagurin ang sarili ko kung hahayaan ko pang masira ang gabi ko.

Napatigil ako sa paghakbang palabas ng building nang naramamdaman kong parang umuulan. Napatingin ako sa madilim na kalangitan. Bakit ngayon pa? I don't have my umbrella with me at coding pa ang sasakyan ko.

Una ay maliliit na patak lang ng ulan pero hindi rin nagtagal ay malalaking patak na ng tubig ang pumapatak sa mula sa kalangitan. May bagyo ba?


Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon