Chapter 41

217K 6.7K 1.1K
                                    

Warning SPG!



Chapter 41



Kasabay nang paghalik niya sa aking mga labi ay ang pagluha ng aking mata. Bakit parang sobrang linaw nang nangyayaring ito? Ang paraan ng paghalik niya, ang mabibigat niyang paghinga ang bumaba niyang mga kamay. Buhay na buhay sa panaginip na ito si Tristan.

Pakiramdam ko ay parang nilalagnat na ako, lalong tumitindi ang pag iinit nang buong katawan ko. Napakagat labi na lang ako nang maramdamang bumababa na mula sa aking mga pisngi ang mga kamay niya sa aking mga leeg, pababa sa aking mga balikat. Ang init ng mga kamay niya at sa tuwing lalapat ito sa aking mga balat para na akong nalalapnos sa sobrang init nito.

Every touch of his hands brings fire on my skin. Damn.


Pinaglalabanan ko ang nagpupumilit na pagbagsak na talukap ng aking mga mata sa tindi nang init na dinadala sa akin ng mga titig, halik at haplos ng lalaking may pinakamagandang mata. I am not sleepy, hindi ka inaantok Lina.

Mabilis kong hinuli ang dalawa niyang mga kamay. Napatitig siya sa akin dahil sa ginawa ko.


"You're un..fair.. maghubad ka" bakit katawan ko lang ang nakikita dito? I am fully naked under the moonlight. Wala na akong itinatago sa kanyang mga mata. Samantalang siya ay balot na balot pa rin, bakit hindi naman yata tama ang nangyayaring ito? I want to see my Tristan's naked body.

Mabilis niya muna akong hinalikan sa aking mga labi bago siya ngumisi at tumayo sa harapan ko. Pilit kong ikinurap ang mga mata ko, kailangang sumang ayon sa mga nangyayari ang talukap ng aking mga mata. Hindi siya pwedeng bumagsak sa mga oras na ito. It can't be, not now. I am not sleepy.


Mabilis niyang hinubad sa harapan ko ang itim niyang v neck shirt at basta niya na lang ito inihagis. My god! Mas lalo yatang gumanda ang katawan niya sa panaginip kong ito. And those mouth-watering abs, fvck! Ito na yata ang sinasabi ng mga baklang 'yummy' Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko, bakit nagkakaganito ang utak ko? My god! I want to touch it so badly.

Napapatulala na lang ako habang mabagal niyang tinatanggal ang kanyang belt. At tulad ng tshirt niya ay inihagis niya na rin ito. Lalong nanunuyo ang lalamunan ko nang butones naman ng pantalon niya ang tinatanggal niya ngayon.


"Mind helping me Lina?" ngising tanong niya sa akin. Pakiramdam ko ang sobrang pag iinit ng mukha ko. Fvck. Kahit panaginip lang ito, alam kong malinaw ko rin makikita ang bagay na 'yon. Ano ba itong ginagawa ko? Bakit sobrang lakas ng loob ko sa panaginip na ito? Dahil alam ko ba na hindi naman ako mapapahiya? Dahil ako lang naman ang makakatanda nito?

Muli akong sumulyap sa nakangising mukha ni Tristan, bakit lalo yata siyang tumangkad? He's quite matured too. Ibang iba ang Tristan na nakangisi ngayon kumpara sa Tristan na napapanaginipan ko noon.

Narinig ko siyang tumawa nang ilihis ko ang mga mata ko sa kanya.


"Now you're shy? Nahulasan ka na ba Lina?" hindi ko na siya nasagot. Sa halip ay unti unti kong inaabot ang kurtina ng bus. Ano ba ang pumasok sa isip ko?

Hindi ko na tuluyan pang naabot ang kurtina nang nakalapit na siyang muli sa akin. Sa pagkakataong ito ay inihiga na niya ako sa upuan ng bus at marahan siyang pumangibabaw sa akin na sinusuportahan pa rin ang kanyang bigat.


"I didn't expect this to happen tonight, you're so wild Lina.." inirapan ko siya sa sinabi niya. Am I? Wala akong matandaan.  Bahagya na naman siyang natawa sa ginawa kong pag irap sa kanya. Akala ko ay hahalikan niya akong muli pero pinakatitigan niya lang ang mukha ko habang marahang hinahaplos ng kamay niya ang buhok ko.


Infinite Eyes (Book 1 of Eyes Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon