Chapter 11

6 1 0
                                    

Medyo lumilinaw na ang lahat sa akin dahil narin sa mga kwento ni Miranda. Sa simula pa lang ay naghihinala na ako kay James. Isa syang taong maraming lihim, maraming itinatago.

"Gusto ko sanang malaman Miranda, anong nangyari sayo? Bakit ka naasksidente at na-coma?" tanong ko sa kanya.

Sandali syang natahimik bago sumagot.

"Marami akong nalaman tungkol sa mga transaksyon nila James sa ibat ibang sindikato dahil madalas ko syang sundan. Hindi ko alam kung hindi ba nya yon nahahalata o talagang hinahayaan nya lang ako dahil iniisip nyang wala naman akong magagawa laban sa kanya. Hawak nila ang mga pulis, Allen kaya kahit magsumbong ako, wala akong mapapala."

Yun na nga ang sinasabi ko. Siguradong hawak nila ang mga pulis. Kaya ang kailangan namin ngayon ay matibay na ebidensya laban sa kanila.

"Pero ang hindi nila alam, gumagawa rin ako ng mga hakbang para magkaroon ako ng laban sa kanila. May naging kaibigan ako na alam kong pwedeng makatulong sakin. Isa syang dating member ng Octagon. Its another group of mafias and one of the biggest competitor of Black Scorpion, ang grupo nila James. Umalis na sya sa grupo nya pero may contacts parin sya. Tinulungan nya kong magman-man kila James, hanggang sa may ibinigay sya sakin. Isa yong attachecase na naglalaman ng mga impormasyon ng magaganap na transaction of Black Scorpion with Mr. Lee. Aside from that, may nakalagay din doon na golden key. Nung una hindi ko alam kung para saan yon. Pero binasa ko ang mga infos na nandon sa papel at dun ko nalaman kung para saan yon. Isa pala yon sa mga kondisyon ni Mr. Lee para makipagtransact sa kanila. Kailangan nilang maibigay kay Mr. Lee ang mga gold bars na nakalagay sa isang box na nakakandado at para doon ang golden key. Tinulungan ako ng kaibigan ko para mahanap ang box hanggang sa nakuha nya ito at ipinagkatiwala sakin. Itinago ko ang box sa isa pang safety box sa isang bangko. Hanggang sa nalaman ni James na nasakin ang box. Nagtalo kami nung araw na yon. Pinilit nya kong aminin kung nasan ang safety box pero hindi ko sinabi kaya sinaktan nya ko at tinutukan ng baril. Mabuti nalang at nalingat sya dahil sa pagdating ng isang maid. I grab that opportunity to escape. Tumakbo ako at sumakay sa kotse ko. Pero hinabol nila ako hanggang sa nabangga na ang kotse ko sa isang kasalubong kong truck. And...there where it ends."

I can't imagine how she managed to do all those stuffs and how she survived. She's one of the toughest women I've ever met.

"So, what are your plans now?" tanong ko sa kanya.

"Honestly, hindi ko pa alam." she said and looked at me like seeking for help.

"Don't worry, Miranda. Whatever happens...I'm with you. I'll help you and we'll go through this." I told her.

"Thank you, Allen. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." She said and hugged me.

Here we go again. My heart's raising. Again.

This feeling I have for her, is growing too fast...and I know it's bad for me. Too bad and too dangerous.

But what matters now, is her safety. Our safety. I need to set aside this feeling.

"For now, siguro dito muna tayo. Pero hindi tayo pwedeng magtagal at makampante dito, I'm sure they were already looking for us." I suggest and she agreed.

"Right, and kailangan ko rin sigurong kunin yung gold bars sa bank...and use the informations we had against them."

"Yes, we can do that. Tutulungan tayo ni Roger."

Nag-isip kami ng plano at pinag usapan ito ng mabuti. Tinawagan narin namin si Roger para masabi ang mga impormasyong hawak ni Miranda.

Masasabi kong matalino si Miranda dahil nalaman kong pinaghiwahiwalay nya pala ang gold bars at dinala sa magkakaibang bangko. Siniguro nyang iba iba ang passwords ng bawat safe box para kung sakaling matunton ito nila James ay mahihirapan silang buksan.

Tinulungan ako ni Miranda na ikabit ang mga CCTV cameras all over the house even at the backyard the next day. Sya ang tagatingin sa monitor kung nakukunan ba ng camera ang mga tamang spots na dapat makunan at kung hindi, ililipat ko ng place ang camera.

We kinda enjoyed it. Parang naging mini bonding narin namin yun. She is fun to be with kaya naman I made sure na nag eenjoy din sya kasama ako. Masyado nang maraming masamang bagay ang nangyari sa kanya and as much as possible, I don't want her to remember any of it.

Iwant to make her happy. I am willing to risk everything, to do every singlething that could make her happiest.    

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Feb 27, 2017 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Wake UpDove le storie prendono vita. Scoprilo ora