Chapter 8

4 1 0
                                    


"Sa ngayon bro, subukan mong humanap ng bakas ng mga kumuha sa kanya dyan. Baka may mga naiwang gamit o kahit anong makakapag lead satin kung sino ang kumuha sa kanya at kung saan sya dadalin."

Sinunod ko ang sinabi ni Roger. Dahil nasa sala ako, yun na ang inuna ko. Wala akong makitang bakas man lang doon kaya sinubukan kong maghanap sa kwarto.

Pumanik at pumasok ako sa kwarto ni Miranda. Tiningnan ko ang paligid kahit ang ilalim ng kama pero wala akong makitang bakas na naiwan ng mga taong kumuha sa kanya.

Nanghihinang napaupo nalang ako sa kama at sinabunutan ang sarili. Isang malaking pagkakamali na iniwan ko syang mag-isa dito. Kasalanan ko to. Kung may mangyaring masama sa kanya, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Napalingon ako nang may marinig akong tunog nang pagbukas ng pinto ng bathroom na nasa likod ko lang. Paglingon ko ay napatayo at natulala nalang ako.

Si Miranda. Nakatayo sya ron at halatang kaliligo lang dahil basa pa ang buhok nya.

Napakurap ako at tuluyan nang humarap sa kinalalagyan nya. Totoo ba to? Paanong-?

Nakatingin lang din sya sakin at maya maya'y ngumiti nang bahagya sakin.

"Nandito ka? I mean...Gising ka na?" naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong itanong.

Tumango naman sya sakin at ngumiti.

Nang matauhan ako ay agad akong lumapit sa kanya at hinila sya para paupuin sa kama. Nagtataka naman syang nakatingin lang sakin. Kinuha ko ang notes ko pati ang medical records ni Miranda. Binasa yon at pagkatapos ay bumalik ako sa harap nya dala ang records pati ang ilang gamit ko pang check up.

Lumuhod ako sa harap nya at hinawakan ko ang kanyang muka at tinapat sa mata nya ang isang maliit na ilaw. Medyo nagulat naman sya sa mga ginagawa ko. Natataranta kasi ako.

"Anong ginagawa mo?" mahinahong tanong nya at medyo nakangiti pa sya sakin.

Pinatay ko ang hawak kong ilaw at isinilid sa bag. Sunod kong kinuha ay ang pangkuha ng blood pressure. Ikinabit ko yun sa sa kaliwang braso nya at hinintay ang result. Normal naman yon pati ang heart rate nya.

"Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" tanong ko sa kanya at hinawakan sya sa magkabilang braso.

"Walang masakit sakin, okay na ko." Umiling sya at ngumiti nanaman.

"Alam mo bang pangalan mo? Kung ilang taon ka na? Anong huli mong naaalala?" sunod sunod kong tanong.

Natatawa naman syang tumango.

"Miranda Villaflor, 21. Ang huli kong naaalala ay nabangga ang kotseng sinasakyan ko. Wala akong amnesia...Allen."

Muli naman akong natulala sa harap nya. Kilala nya ko? Nakatitig lang sya sakin habang nakangiti. Parang alam nyang nabigla akong malaman na alam nya ang pangalan ko at mukang naamused naman sya sa reaction ko.

"Alam mong pangalan ko? Teka, bakit ka naligo agad? Baka makasama yan sayo. You just woke up from being in coma. You've been in coma for almost 3 months, did you know that? Saglit lang, I'll just call my tito, he's your doctor."

Tumayo ako at inilabas ang cellphone ko pero pinigilan nya ako at hinatak ako paupo ulit. Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit? May masakit sayo? Saan? Ang ulo mo ba? Kailangan kong tawagan si Dr. Cruz." Bumalik ang pagkataranta ko.

"No need. Okay ako. I have a confession to make Allen." Nakatingin sya sakin nang seryoso.

Hindi ako nagsalita at hinintay lang ang kung ano mang sasabihin nya. Tinitigan ko lang sya. Hindi parin sya nagsalita kaya hindi ko na natiis.

"What is it? Is this about your fiancé? Alam ko na Miranda, pero wag kang mag alala, tutulungan kita. Nandito tayo ngayon sa bahay ko sa Tagaytay. Tago ang lugar nato kaya mahihirapan sila. At ngayong gising ka na, pwede tayong lumipat kahit saan para hindi nila tayo matunton agad."

Tumango tango ako sa kanya at pinaramdam sa kanya na mapagkakatiwalaan ako. Napakagat labi sya at para bang nag alala at nag alinlangan sa mga gusto nyang sabihin.

"Alam ko Allen. Alam ko kung nasaan tayo ngayon. At alam ko rin kung paano tayo napunta dito. Kahapon tayo ng madaling araw dumating dito, diba? Binuhat mo ko papunta dito sa kwarto. Tapos nakatulog ka sa kabilang kwarto nang hindi man lang naghubad ng sapatos. Tapos wala ka pang kumot. Sobrang napagod ka. I'm sorry for causing you too much trouble."

Napatanga naman ako sa mga sinabi nya. Gising na sya kahapon pa?

"Gising ka na kahapon pa?"

Nabigla ako ng haplusin nya ang pisngi ko. Ngumiti naman sya sakin.

"I removed your shoes and put your blanket on."

Sya yon? Akala ko ako ang gumawa non unconsciously.

"Bakit? I mean, bakit ka bumangon agad? Baka makasama yun sayo. At dapat ginising mo ko."

Ngumiti lang sya sakin. Medyo nagtataka ako sa kinikilos nya dahil parang ang lapit naman ng loob agad nya sakin. Nagtataka ako na parang hindi man lang nya tinanong ang pagkatao ko.

"Like what I said, I have a confession to make. Hindi ako kahapon lang nagising." She stated with a feeling sorry and guilty look.

"Kailan pa? Kailan ka pa nagising? Or...totoo bang nacoma ka?" I actually feel betrayed but more like relieved. Relieved, that she's okay.

"Yes, I do but nagising ako maybe less than a month, I think."

"So...all this time, youre awake?"

"Kinda. Nang magising ako, ikaw yung una kong nakita." Nakangiti nyang sabi.

"Bakit hindi mo ako tinawag para tulungan ka?"

"That time, nagising ako na parang may nakahawak sa kamay ko. I slowly open my eyes, and then I saw you. Sleeping on the chair beside my bed, holding my hand."

Nabigla ako sa sinabi nya. Kailan yon? Tsk. Nakakahiya. Damn.

Nakita nya ang reaksyon ko sa sinabi nya at natawa nang bahagya. Hindi ako nagsalita at napatingin nalang sa ibang direksyon kaya pinagpatuloy nya ang pagkukwento.

"Noong mga panahong yon, hindi kita kilala. Natakot akong tauhan ka ni James o kaya ni papa kaya nagpanggap akong tulog parin. Lalo akong naghinala sayo dahil naririnig kitang kausap si James sa cellphone."

"Oo, siguro tauhan nya nga ako. Pero hindi sa paraang iniisip mo. He hired me as your personal nurse. I won't do anything that can harm you. You can trust me, Miranda."

"I realized that as days past by, and I actually enjoy your stories. But the moment I planned to tell you that I'm awake, papa and James' parents came in to my room. I heard them and I got scared pero lumakas ang loob ko nung sinabi mo na tutulungan mo ko, na itatakas mo ako at hindi papabayaan. Pero ayokong makasira sa plano mo. At ayokong isipin nila na gising na ko. Gusto kong isipin nila na kahit itinakas mo ko ay nanatili akong in coma. I'm sorry, Allen. I'm sorry for lying."

"I understand you, Miranda. I...I think, I should be the one who's saying sorry. Sorry if you feel like I took advantage of you while you were asleep. It's just that---"

"-Don't feel sorry. I feel safe with you Allen and I don't actually feel that you took advantage of me. Thank you for taking good care of me"


Wake UpWhere stories live. Discover now