Chapter 9

6 1 0
                                    

Nagpaliwanag na si Miranda sakin kung bakit nya inilihim na gising na sya from coma at naiintindihan ko naman sya. Ang sabi nya ay naaalala nyang nagkwento ako tungkol sa family ko pero hindi nya alam kung panaginip ba yon o totoo kong kinwento. Sa tiningin daw nya ay half asleep sya nung panahon nayon. Tinanong ko sya kung anong naaalala nya tungkol sa mga kinwento ko at tumama naman yon kaya sa tinigin ko tulog ang katawan nya pero gising ang isip o ang diwa nya.

Hindi ko pa maitanong sa kanya kung anong totoong nangyari sa kanya at kung ano yung ibig sabihin ng mga sinabi ng papa nya at ni Mr. and Mrs. Williams. Hindi ko kasi alam kung nasa posisyon ba kong magtanong.

"Are you sure you're okay?" tanong ko sa kanya.

"Yeah, I'm sure" sagot naman nya nang nakangiti.

Pansin kong palangiti sya. Lalo tuloy syang gumaganda. She looks like an angel.

Aayain ko sana syang kumain ng meryenda nang magring ang cellphone ko.

"Si Roger, pinsan ko. Sagutin ko lang." Paalam ko sa kanya. Tumango lang sya sakin. Hindi na ako lumayo sa kanya dahil wala naman akong dapat itago.

"Bro, natawagan ko na ang team. They were currently doing check points. Don't worry we're doing our best para mahanap sya. Stay put ka lang dyan. Akong bahala." Natouch naman ako sa pinsan kong to. Talagang he's ready to help me. Sa lahat ng pinsan ko sya ang pinaka close ko. Kami lang kasi ang magka-edad.

"Ah, bro? Kasi..."

"Ano yun? Wag ka nang mag-alala. Iuupdate ako ng team kung anong nangyayari."

"Nandito lang pala sya."

"Sino?"

"Si Miranda."

Tumingin ako kay Miranda na nakatingin din pala sakin at nakikinig. She smiled at me, I smiled at her too.

Natahimik naman saglit si Roger sa kabilang linya. Siguro ay iniisip nya kung paanong nandito lang si Miranda samantalang halos mabaliw ako kanina kahahanap.

"Paano? Saan mo sya nakita? Sinong kumuha sa kanya?"

"Walang kumuha sa kanya, bro."

"Huh? Akala ko ba nawawala?"

"Akala ko lang pala. Nagising na sya bro, nagbanyo lang pala kaya hindi ko naabutan sa kama."

"Wow, gising na yung chicks mo? Ayos yan. Mas madali na ang lahat."

"Oo bro, thanks for your help."

"No problem dude. Sa totoo lang trabaho ko naman talaga yun lalo na criminal ang mga taong yon. Now, all we need to do is to find evidences para maipakulong sila. Sige na dude, hindi na muna ko tutuloy dyan ha. I'll cancel the checkpoints too. Tawag nalang ako kung may bago akong info, at ikaw din tawagan mo ko."

"Yes bro, Thanks."

Pagkatapos ay humarap ako kay Miranda at tumabi sa kanya.

"Akala mo may kumuha sakin?"

"Oo, nung pumasok kasi ako dito kanina, wala ka sa kama. Kaya I thought somebody took you away. Kasi naman akala ko tulog ka pa din."

Nagtinginan lang kami at nagngitian.

"Gusto mong kumain? For sure gusto mo nang totoong pagkain, sawa ka na siguro sa liquids."

I asked her and she nodded.

Wake UpWhere stories live. Discover now